Inangat ni Kath ang kaliwang kamay at nilaro-laro sa ilaw ang batong nakalagay sa pala-singsingan niya.
HIndi niya tuloy maiwasang tanungin ang sarili kung ganoon ba talaga ang mga mag.asawa.
Pagkatapos ng kasal nila pinalipat siya ng mga magulang nito sa bahay nila, binigyan siya ng sariling kwarto. Gaya ng dati wala pa ring pagbabago sa relasyon nila. Wala man lang ka-sweetan na nagaganap sa kanilang dalawa. Pinagbawal sa bahay ang public display of affection, mahirap na daw kung sakaling matuluyan na siyang mabuntis sabi ng mga magulang nila.
Naalala niya tuloy ang laking ginhawa ng mga magulang nila ng lumipas ang tatlong buwan na hindi lumulobo ang tiyan niya.
Paano naman kasi lolobo kung wala namang laman?
Napakamot siya ng ulo sabay lingon sa mga kasama niang nagaantay sa hallway.
"Kath, susunduin ka ba talaga ni Daniel ngayon?" nasabi ni Kiray, kaklase at kagrupo niya sa kursong nursing. "Alas-5 na oh, baka mamaya niyan hindi ka pala niya masusundo, sabay ka na sa amin?" alok nito.
"Hindi noh, NEGA ka ha? Darating un. Tsaka sigurado ako ngayon, malakas ang pakiramdam ko na darating siya." paniniguro niya dito.
Napaismid naman ito at nag make face.
"Weh di nga? alam mo kulang na lang sa asawa mo e pana, hilig mang-injian! o sige na Kath, mauna na ako sayo ha?"
"Ingat sis, bata ka pa!" asar niya dito.
"chusera! leggo!" sigaw naman nito habang pakwelang umalis.
Habang kumakaway napangiti siya sa komento nito. Magmula kasi ng tumuntong siya ng 2nd year napapadalas na ang pang.gabing klase niya at mga duty sa hospital. Hindi magpang.abot ang mga schedule nila ni Daniel. Kadalasan hindi siya nito nasusundo dahil pati ito busy sa mga projects nito sa kursong Architecture. Sa bahay naman tulog na siya o kaya naman tulog na ito kapag nadadatnan nila ang isat-isa. Na-mi-miss niya tuloy yung mga panahong kahit anong oras pwede silang magkita.
Lumipas din ang tatlumpong minuto bago niya naisipang huwag nang antayin si Daniel at umuwi na lang mag-isa.
Hindi bale may bukas pa naman, at magkikita din naman sila sa bahay, yun na lang ang dahilan niya.
Tumayo siya sa kinauupuan at nagsimulang ayusin ang mga libro.
"Miss pwede ba kitang tulungan?"
Napalingon si Kath sa nagsalita at umirap.
"Himala."
Nakangisi naman si Daniel habang kinuha sa kanya ang mga libro niya. Habang kinukuha nito ang libro hindi sinasadyang napatingin siya sa wedding ring nito.
YOU ARE READING
Stay by my Side - (Under Revision 2017)
FanfictionHe was standing few meters in front of her and he was the perfect epitome of heartache. She can't let herself be lulled to happiness by words uttered by the same man who broke her heart years ago. He pranced his way towards her with a devious...
