"W..wala ka man lang bang sasabihin? I confess my feelings to you!" aniya pero hindi ko sya pinansin. Kinuha ko yung kamay nya at hinila sya papalabas ng restaurant. Naririnig ko na tinatawag kami ng mga staffs pero hindi ko sila pinansin. 

"H..hoy! Saan mo ko dadalhin huh? Naiwan si Maine dun!" sabi ni Althea pero hindi ko sya pinansin. Pumara ako ng taxi at sinabi yung lugar na gusto kong puntahan. Hindi ko pa rin binibitawan yung kamay ni Althea.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Basta basta ka nalang nanghihila! Tapos hindi ka man lang nagsalita tungkol sa pag confess ko sayo kanina. Hmmp." tumingin ako sakanya at binigyan sya ng nakakalokong ngiti. Inirapan lang nya ako. Pagkarating namin sa lugar ay agad kong binayaran yung driver at hinila si Althea. Nandito kami ngayon sa may tabi ng lake. Maganda yung lugar dito. May mga puno rin ng cherry blossoms dito. Hinila ko si Althea at umupo kami sa may tabi ng cherry blossoms. Nakaharap kami sa lake.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong nya pero di ko sya pinansin. Umayos sya ng upo at nagbuntong hininga.

"Uhmm.. About dun sa sinabi ko kanina. Sorry! Kahit anong parusa yung ibigay mo sakin tatanggapin ko. Sorry talaga Yeol." naramdaman ko ang pagtungo nya. Umaayos ako ng upo at humarap sakanya.

"Don't be sorry Althea because the feeling is mutual." napaangat yung ulo nya at nanlaki yung mga mata nya.

"W...what do you mean?" 

"Saranghaeyo Althea Kim." 

At tuluyan na ngang bumuhos yung luha sa mga mata nya. Hinawakan kong muli yung kamay nya at saka sya niyakap.

"Sht ka Yeol! A..ano bang sinasabi mo? Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Hindi nakakatuwa!" humalakhak ako sa sinabi nya. So, hindi sya naniniwala sa sinabi ko?

"I'm not joking Althea. Totoo yung sinabi ko." humiwalay sya sa yakap at tumingin sakin.

"Hindi parin ako naniniwala! Wag ka ngang paasa!" hinampas nya yung dibdib ko. Aww! Sinasaktan nya yung abs ko! 

"Hindi ka talaga naniniwala?" tanong ko sakanya. Dahan dahan syang umiling.

"Okay. Siguro sa gagawin kong to maniniwala ka na!"

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon