23. ㅡ d.hn

100 25 5
                                    

"park jihoon!" sigaw ko noong nakadating na ako sa court. tumingin tingin ako sa paligid, buti nalang nakabukas 'yung ilaw ng court.

may nakita akong lalaki na naka school uniform, so i guess it's jihoon. sino pa ba? multo? edi tangina. "jihoon, ano ginagawa mo diyan?" tanong ko, hindi siya sumagot at tumakbo ako papunta sakanya.

"park jihoon, umuwi ka na sa bahay niyo. nagaalala na sila, sobra." tumawa naman siya. "ikaw, nagaalala ka ba?" "of course! kaibigan kita, diba?"

tumayo na siya, "sana hindi ka nalang pumunta dito, nasayang lang oras mo." may mahina pa siyang sinabi, buti nalang narinig ko: "naㅡfriendzoned pa talaga, tsk."

tinaas ko naman kilay ko, "hindi kaya nasayang, jihoon. atsaka, gusto kita tulungan." ginaya naman niya mukha ko. "may problema ka ata," saad ko.

"dapat talaga hindi ka nalang pumunta dito." "sabihin mo na, jihoon. gusto nga kitang tulungan." tumango nalang 'yun lalaki.

"sabihin mo kundi uuwi ka na agad sa bahay niyo." "oo na, sasabihin ko na." umupo kami sa isang parte ng court.

"manhid ka talaga, hayst." sabi ni jihoon. "hㅡha?" "sabi ko ang manhid mo, sobra." nautal nanaman ako, "bakit nㅡnaman?" "find it out on your own, hindi ako ikaw."

"what the heck. may sasabihin ka ba talaga?" "ayoko sabihin, pero ayoko din umuwi." "ano gusto mo gawin ko?"

nag kunyari siyang nag isip ng malalim, "tutal pinuntahan mo naman ako dito, pwede na din ba ako mag overnight sainyo? libre nalang kita bukas."

nagulat ako, pero gora lang! kaibigan ko naman si jihoon eh, feel free to stay si jihoon ngayon. "wag na 'yung libre. may guest room kami, doon ka nalang matulog."

ngumiti naman si jihoon at tumayo na, tinulungan niya ako tumayo at umalis na kami ng school court.

there was a part na napansin ko, mukhang sad 'yung ngiti niya. what is happening?

"ma, kasama ko 'yung kaklase ko." tumakbo naman si mama papunta sa'min. "oh, jihoon iho? ikaw pala 'yung pinuntahan ni anak."

nagtanong na agad ako, baka kasi mamaya tanungin ako ni mama kung bakit nandito parin si jihoon, anong oras na kasi. "ma, pwede daw ba mag stay si jihoon over night?"

umiling si mama. "oo, pwede naman, 'nak. punta muna kayo sa guest room, jihoon."

umakyat kami ni jihoon ng second floor at pumunta kami ng guest room. "ang ganda naman," sabi ni jihoon. "ito 'yung mga damit, gamitin mo na oh." pinakita ko 'yung mga damit at pumili siya doon.

kailangan niya pala mag bihis kaya lumabas ako ng room at inintay siya. bumalik siya sa labas galing sa guest room at daliㅡdali nagtanong, "may school uniform ba sila dito natin? pwede ko ba hiramin bukas?"

"oo, hiramin mo 'yung uniform ni kuya." nag 'o' si jihoon. "'nak, pakiㅡtawag kuya mo atsaka 'yung mga kaibigan niya!" sigaw ni mama sa baba. "oo na, mauna ka na jihoon." "hintayin nalang kita."

"kuya, baba na kayo, pwede na gamitin 'yun tv." sabi ko, tumingin sila sa'kin. "si jihoon nandiyan 'no?" "kuya, pa'no mo alam?" pinipilit ni kuya hindi matawa, "rinig na rinig boses ni mama hanggang dito."

"bumaba na nga kayo, kuya!"

kumain na kami lahat, at nandito kami ngayon sa may sala nina jihoon at ni kuya, pati ang mga kaibigan niya. si mama? nasa kwarto nila ni papa, natutulog na siguro.

"anong gusto niyong laruin?" tanong ni kuya. "call of duty!" sagot nung isang kaibigan ni kuya. ilinagay ni kuya 'yun cd ng call of duty at nag simula na sila mag laro.

si jihoon? nakatungo lang kaya inaya ko na siya na matulog doon sa guest room. "gusto mo ba mag laro doon?" "ayoko."

"mas gusto ko pa matulog kaysa makipaglaro sakanila, hindi naman kasi ako close doon eh." dagdag niya.

"sige ba, good night! babalik na ako doon sakanila, ha?" nag paalam na ako at muling bumalik sa sala kung saan ngayon ay naglalaro sila kuya at ang tatlo niyang kaibigan.

hanna ㅡ p.jihoonWhere stories live. Discover now