Chapter 1: New World of Unknown

6 0 0
                                    

Third person's POV:


Unang tapak palang ng paa ni Solar sa entrance ay dinumog na ito ng mga kababaihan.  Tinitilian at hinahangaan yan si Solar Dave Lightstone,  bunsong anak nina kate at franco Lightstone.

Isang sikat na anak mayaman at number one in the list ang companya nila solar.

katulad ng kanyang mga magulang sa batang edad nito ay marami na itong naipamalas sa iba't ibang larangan katulad na lamang ng dancing basketball,soccer at mag-luto.


May nakakatandang kapatid ito na lalaki nag-ngangalang paolo greg lightstone, isang taon lamang ang agwat ng dalawa.
Labing walo (18) si solar habang si paolo ay labing siyam na taong gulang (19).

Binigyan ng daan si solar ng mga kababaihan at agad naglakad papasok sa naturang unibersidad.

Sa pagkakaalam ng binata ay isang ordinaryong university lamang ito sa siyudad ngunit yun ang maling akala niya.

Kakaiba ang disenyo ng mga pader at palamuti sa unibersidad dahil sa tema nitong greek period.

Puti at ginto yan ang pangunahing kulay na makikita rito .
Napaka-disente ng dating nito na aakalain mo ay tirahan ng mga diyos at dyosa.

Habang naglalakad sa mala-palasyong eskwelahan ay may nadadaanan itong mga estudyante na may sari-sariling mundo habang di makapaniwalang nakatingin ang binata sa ginagawa ng mga ito.

Nakita kasi nito ang isang estudyanteng gumagawa ng isang mataas na hagdan papunta sa isang puno na gawa sa yelo.

Nakailang ulit itong pumikit para lamang masigurong di ito namamalikmata lamang sa sandaling iyon.

Ngunit nakailang pikit na ito ay naroon parin ang yelong hagdan na labis ika-namangha nito.

" Wow " wala sa sariling sabi nito na ikinalingon ng estudyanteng may gawa ng yelong hagdan.

Nabasag at nahulong ang pira-pirasong parte nito sa damuhan at natunaw.

Napabuntong hininga ang estudyante -- isang lalaki ito na may kulay itim na buhok na may highlights na kulay asul at maputi ito.
Matatangos na ilong at may badge ng school na ito na may diamante na hugis bilog at kulay asul.

Tinignan ng lalaki si solar mula sa paa hanggang ulo nito at ngumiti ito pagkatapos tignan ang kabuoan nito.

" Freshman,  right? " tanong nito habang suot parin ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Ngumiti din si solar sa estudyante at bahagyang tumango.

" i guess you don't know what im doing awhile ago,  am i right? " ngumisi ang lalaki dahil sa gulat na reaksyon ni solar.
He thought that he hit the right person to play for the mean time.

" hey bro,  don't give that creepy smile of yours.
Sinasabi ko na sayo di ako pumapatol sa ahmm--you know.  Dahil di tayo talo. "  sabay turo pa nito na nagpatawa sa lalaking kaharap nito.

Nangunot ang noo ni solar sa inasta ng lalaki sa kanya tila naguguluhan ito. Hinintay lang nito matapos ang estudyante sa pagtawa hanggang sa sumeryoso ulit ang mukha nito at muling humarap sa Kanya.

THE YIN AND YANG : CHOSEN ONESWhere stories live. Discover now