"I'm Zac Smith."

"I'm Zhraine Herrera."

"Sumunod kayo sa akin." Sabi niya.

Tinulungan akong tumayo ni Zhraine at nagsimula na kaming sundan si principal Grin kung saan man siya pupunta. Medyo kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Dinala niya kami sa library at pumunta sa pinakadulong book shelf. Alam ko kung saan niya kami dadalhin... sa Secret's Room.

Hinigit niya ang isang libro at nagbukas ang kinalalagyan nito na parang isang malaking pintuan. Kahit na nakita ko na ito ay namangha parin ako sa aking nakita. Nagkatinginan kami ni Zhraine at parehong nagtataka. Pumingin rin sa amin si principal Grin at nginitian kami.

"Wag kayong matakot." Sabi niya.

Pumasok kami ng Secret's Room at hindi lang kami ang naroon. Dalabing dalawa kaming mga estudyanteng nandiriro at bawat isa sa kanila ay nakaupo sa isang upuan na nakapalibot sa isa pang upuan at maya-maya ay duon umupo si Principal Grin. Merong dalawang bakenteng upuan at duon kami umupo ni Zhraine. Wala ang mga libro at kapansin-pansin ang mga kandilang nakapalibot sa kwarto. Seryoso ang mukha nilang lahat kaya hindi ko magawang magtanong at tanging pinakikiramdaman lang ang paligid.

"Kayo ang mga napiling makalabas ng Secret High." Muli niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa tuwa at muli kaming nagkatinginan ni Zhraine. Nakangiti siya sa akin kaya ngumitu rin ako sa kanya.

"Makakabas ng Secret High?" Tanong ng babae sa aking tabi.

"Tama ang inyong mga narinig, makakalabas na kayo ng Secret High. Kayo na mayroong mga naiiba at espesyal na talento lamang ang may karapatang makalabas ng Secret High ngunit bago ang lahat, ibubunyag ko muna sa inyo ang pinakatatagong sirkreto ng school na ito... gusto niyo bang malaman?" Tanong niya.

Napalunok na lamang ako ng marinig kong muli ang salitang sikreto ngunit gusto ko itong malaman... gusto kong malaman kung ano ba talaga ang sikreto ng school na'to na ayon sa mga sabi-sabi ay sa oras na marinig ko ay nakasunod na sa'yo si kamatayan. Totoo nga ba?

Walang nakasagot sa tanong na iyon ni Principal Grin at tanging nakatitig lamang ang lahat sa kanya. Pumalakpak siya at namatay ang mga ilaw at tanging ang mga sindi na lamang ng kandila ang nagpapaliwanag sa buong kwarto.

"Silence means Yes. 2 years ago, sumikat ang balita tungkol sa labindalawang nawawalang estudyante ng Secret High, hindi pa ako ang principal noon at isa pa lamang na guro ngunit kahit ako ay walang kaalam-alam sa kung anong nangyare sa kanila. Ilang buwan rin ang nakalipas at hindi parin sila nahahanap ngunit isang gabi, sa hindi ko alam na kadahilan ay nagpunta ako dito sa library at hindi sinasadyang makita ang sikretong kwartong ito. Pumasok ako at halos mahimatay ako sa aking nakita dahil ang labindalwang estudyante na matagal ng nawawala ay ang mga nakakadena at pilit na nagpupumiglas, nakakadena sila dyan mismo sa mga kinauupuan niyo. Umiiyak sila at humihingi ng tulong sa akin ngunit bago pa ako makakibo ay napansin kong nasa likod ko ang principal at hawak ang aking mga balikat at sinabing Sikreto lang natin ang mga nakita mo. Sigurado ako noon na ginagawa ng principal na laruan ang mga estudyanteng iyon, naawa ako pero at the same time... natuwa ako dahil matagal ko nang gustong patayin ang mga estudyanteng 'yon dahil sa mga ugali nila." Kwento niya.

"Iyan na ang sikreto ng Secret High? Hindi ba't mas karumaldumal ang mga nangyayare ngayon sa school kaysa sa mga nangyare sa 12 na estudyante noon? At, labingdalawa lang sila, kakaunti kumpara sa daan-daang estudyante na namatay dito sa Secret High." Sambit ng isang lalake.

"Hindi niyo naiintindihan. Ang labindalawang estudyanteng iyon ay anak ng mga negosyante, at mga taong may impluwensya sa ating bansa at ang isa pa ay anak mismo ng presedente. Tandaan ninyo, alam ng buong mundo na mayroong Secret High ngunit hindu nila alam kung anong mga nangyayare dito katulad mga patayin at ano sa tingin niyo ang mangyayare kapag nalaman nila na ang dating principal ng Secret High ang pumatay sa mga anak nila? Siguradong makakalaban natin ang buong bansa at sigurado akong wawasakin nila ang Secret High kasama ang mga taong nabibilang dito."

Hindi ako makapagsalita matapos ko siyang marinig. Nakagigimbal ngang talaga ang sikretong iyon ngunit hindi na naman namin kailangan iyong alalahanin dahil lalabas na kami ng school na'to.

"Ngayong alam niyo na ang sikreto ng Secret High... alam niyo naman siguro ang parusa kapag may ikinalat niyo ang sikretong ito, diba? KAMATAYAN. Anyway, tumayo na kayo at sasamahan ko na kayo." Muling sabi ni Principal Grin.

Lahat ay nagsitayo at sumunod sa kanya pabalik sa aming mga dorm dahil ayaw niyang may maiiwan kaming gamit sa aming mga kwarto. Kinuha ko ang lahat ng aking mga gamit at pilit itong pinagkasya sa isang malaking bag kasama rin ang aking mga damit. Gusto ko nang makalabas as soon as possible.

Naglakad na kami patungong main entrance at sumalubong sa amin ang mga estudyante na nagpapalakpakan at mga nakangiti ngunit alam ko ang mga ngiti na iyon. Alam kong naiinggit sila dahil makakalabas na kami.

Nasa may dulo si Madam Slaughtery at nakangiti habang nag-iintay.

"Congratulations, my students and before you go home... I want you to keep in your mind that the killings in Secret High is a SECRET. No one should know even the closest person to you." Sabi ni Madam Slaughtery ng nakangiti at ang ngiting iyon ay pamilyar talaga ngunit hindi ko alam kung saan ko iyon nakita... nevermind ang mahalaga ay makakalabas na kami.

Sa labas ng school ay merong isang bus na naghihintay sa amin. Sumakay ako kasabay si Zhraine at magkatabi kami ng inupuan habang si Principal Grin naman ang driver ng bus. Nakatitig ako kay Zhraine at hanggang ngayon ay hindi parin talaga matanggal ang ngiti sa kanyang labi, kahit naman ako ay tuwang-tuwa rin. Makakauwi na kami.

Sumilip ako sa bintana ng bus at pinagmasdan ang Secret High habang umaandar kami palayo. Matagal ko nang inaasam ito, ang makalabas ng impyernong school na'yon at ngayong nakalabas na kami... parang hindi kapani-paniwala.













"FAREWELL SECRET HIGH."


















THE END

______________________________________









" They said that farewells means that it's the happy ending, but the truth is... it's a sign that the real terror was just about to begun."


_SILENTPRINCE_

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now