Special Chapter : The Story of the Puppeteer

60 5 0
                                    

Mula elementarya ay kita na akin ang kakaibang talento kaya minsan narin akong naging sikat.

Matalino.

Maganda.

Maalam.


Ilan lamang ang mga iyan sa mga papuring aking natatanggap.

Akala ko na palagi nalang magiging ganito ako, masaya at walang problema... ngunit nagkamali ako

Dahil sa aking kasikatan. Marami ang naiingit. Parati nalang daw ako ang bukang bibig ng bayan kaya nagsimula nila akong apihin ng aking mga kaklase at pati mismo ng aking mga pinagkakatiwalaang kaibigan.

Araw-araw ay itinatanong ko sa sarili ko kung uuwi na naman ba akong puro pasa at umiiyak. Wala ring magawa ang aking mga magulang. Hindi kami ganoon kayaman para magsampa ng kaso at ayaw ng mga magulang ko na lumaki pa ang gulo.

Minsan napapaisip ako na wag nalang kaya akong pumasok dahil siguradong bugbog-sarado na naman ako. Mahirap mabuhay kapag ang kalaban mo ay ang buong mundo mo.

Naisip ko na kapag naging highschool na ako, magbabago na ang lahat. Ipinangako ko na sa sarili kong kalimutan na ang lahat ng mga masasaklap na dinanas ko nasa elementarya pa lamang ako.

!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

At...


Yes! Sa wakas! Highschool narin ako at ang pinili kong highschool ay ang Secret High at mataas ang nakuha ko sa entrance exam kaya naman scholar ako dito. Class 1-Z, Ito ang section ko. Section kung saan puro mga matatalino. Ginawa ko ang lahat para maging close ko ang lahat. Akala ko magbabago na ang buhay ko pero ano ito? Bakit sinisiraan nila ako? Simula ng maging top 1 ako ng klase nag-iba ang tingin nila sa akin hanggang sa nagsimula na nila akong saktan. Pati ang mga teacher, pinagtutulungan nila ako.

"Ok answer this."

"Teacher!" Sabay taas ko ng aking kamay.

"Ano? Ikaw na naman! Ikaw na kaya ang magturo dito total, alam mo naman ang lahat diba?" Sabi niya sa akin sabay tawa naman ng mga kaklase ko. Ginagawa nila ang lahat para lang mapahiya ako lalo na ang aming adviser na si teacher Anne.

Merong oras na napadaan ako sa may faculty room at narinig ko ang mga pinag-uusapan ng mga teachers namin. Tungkol sa akin at... sa mga kasamaang ginagawa ko?! Teka! Wala naman akong ginagawang masama dito at lalong wala akong ginagawa sa kanila! Hindi ko inaasahan na kung sino pa ang dapat na magtanggol sa akin, ay siya pa ang sumisira sa akin. Gumagawa ang aming advicer ng mga kwento-kwento para siraan ako, para bumagsak ako.

Sobra ang galit ko kay teacher Anne noong mga oras na iyon. Masyado nilang inaabuso ang kabaitan ko sa kanila kaya naman napagdisisyonan ko na, hindi siya makakalabas ng school na 'to ng buhay. Maghanda ka na teacher dahil ipaparanas ko sayo kung gaano ako kasama.

Labasan na, iniintay ko nalang ang pagkakataon. Naalala ko na kailangan ko nga palang linisin ang buong classroom bilang parusa sa hindi ko naman alam na dahilan. Naglilinis ako ng bigla namang dumating si teacher Anne, may nakalimutan ata. Ito na ang pagkakataon. Nakangiti akong lumakad palapit sa aming guro habang nakatago sa aking likuran ang isang kutsilyo.

"Wag ka ngang lumapit sa'kin!" Sabi niya sa akin.

"Teacher, ok lang ba na pahirapan ko kayo?" Sagot ko habang nakatitig sa mga mata niya. Alam kong kinabahan siya dahil sa panginginig ng kamay niya.

"Anong pinagsasasabi... ahhh!!! Anong ginawa mo?!!" Sigaw niya sa akin.

"Sinaksak ko lang naman po kayo sa may hita niyo, masakit ba?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti ang aking mga labi. Bakit ngayon ko lang 'to naisip na gawin? Ang saya pala nito.

Battles Of The Gifted OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon