Chapter 23: Bloodbath

33 1 0
                                    

Zac's P.O.V.

Katatapos ko lang kumain, busog na ako sa kinain kong iyon. Naglalakad na ako pabalik sa aking dorm at balak ng matulog pero isang tawag mula sa aking cellphone ang aking narinig.

"Sino na naman 'to? Ang dami talagang tumatawag dito. Nakakaabala na." Sambit ko sa aking sarili. Kinuha ko ito at sinagot. "Hello?" Sambit ko.

"Zac." Isang boses ang aking narinig. Alam kong si Haize ito dahil sa nakakatakot niyang boses.

"Bakit?" Aking tanong.

"Hindi dapat ganyan ang tono ng pagsasalita. Hindi ba't sinabi ko na sayo na wag na wag kang magtitiwala kahit kanino? You're such a moron." Sambit niya pero wala akong naintindihan sa kanyang mga sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na halatang may pagtataka. Ano na naman bang nangyare?

"Pinagtaksilan ka ng sarili mong pinsan... nasa panganib ni Zhraine." Sabi niya.

"Hindi mo ako maloloko." Matapang kong sagot.

"Sige. Ikaw na ang bahala. Bakit hindi mo nalang bisitahin si Zhraine? Bye!" Sabi niya sabay putol sa tawag. Kinutuban aki noong mga oras na 'yon kaya agad akong nagtungo sa dorm ni Zhraine.

Zhraine's P.O.V.

Nagising na ako pero wala parin ako sa aking pag-iisip. Nahihilo ako at masakit parin ang aking ulo. Sinubukan kong gumalaw pero mukhang nakatali ang aking mga kamay at paa at ang parang ang sikip. Meron ding nakapasak sa aking bibig. Ramdam ko ang malamig na tubig sa aking likuran. Saka ko lamang napagtanto na nasa isang bathtub pala ako. Pilit akong nagpumiglas sa aking kinatatayuan, hanggang sa isang boses ang aking narinig.

"Wag ka nang magpumiglas... Hindi ka rin naman makakawala." Sambit ni Razor na nakaupo sa isang upuan at binabasa ang libro na kaninang aking binabasa.

Ibinaba niya ang ito at naglakad palapit sa akin. Tinanggal niya ang bagay na nakapasak sa aking bibig at muli akong kinausap.

"Sorry." Kaniyang sabi.

"Razor? Ba...bakit? May nagawa ba ako?" Tanong ko sa kanya habang umaapaw ang mga luha sa aking mga mata. Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ito gagawin sa akin o baka... Isa siya sa dalawang killer? Imposible.

"Zhraine, ito lang ang tanging paraan para naresolba ang lahat." Sambit niya. Ramdam ko na mahapdi ang aking parte ng katawan na nakalubog sa tubig. Puro taga pala ito at halos kulay dugo na ang tubig dahil sa aking mga sugat.

"Mahilig ka sa horror story diba? Gawin natin kung ano ang nasa kwento." Naku...hindi 'ti pwede.

"Tulong!" Pilit akong sumigaw pero walang dumadating. Natatakot talaga ako pero maya-maya ay narinig ko ang mga hakbang mula sa labas na animo'y nagmamadali at...

"Zhraine! Where are you?" Sigaw niya. Si...Zac! Thanks God! Lalo pa akong sumigaw upang malaman niya kung nasaan ako at biglang nagbukas ang pintuan ng banyo.

"Teka, Zac?" Gulat na tanong ni Razor. Akala ko ligtas na ako pero muling may pumasok sa banyo at hinawakan niya si Zac ng mahigpit, itinutok rin sa leeg niya ang isang patalim. Lagot na. Si Haize... Tinutulungan si Razor.

"Ano ba Haize?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw niya.

"Sorry, Zac pero kailangan ng mamatay ni Zhraine. Gawin mo na Razor!" Sambit ni Haize. Kinuha ni Razor ang kutsilyo sa may upuan kasama ang libro na kanina'y binabasa niya. Muli niya uliz itong binasa ng malakas habang naglalakad palapit sa akin.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now