They Like Her

114 6 0
                                    

KM's POV:

WHEW! NAKAKAPAGOD!

Ano ba naman klaseng buhay to o. Akala ko naman saglit lang at makukuha ko na agad yung mga gadgets. Hindi pa pala.

May nangyari muna bago ko makuha yung mga yun.

**Flashback**

Malapit na ko sa destination ko. Tinawagan ako nung Chinese agent para sabihin saken kung saang part sya ng Temple Street Night Market nakapuwesto. Pagkatapos kong kausapin, may humablot ng phone ko.

*mandarin

"Yung bag ko!" sabi nung isang babeng matanda na tumatakbo.

"Magnanakaw, habulin nyo!" sabi naman ng dalawang pulis.

Nakalagpas na yung mga pulis saken ng maalala ko yung phone ko. Syempre ako, automatic na tumakbo.

Naabutan ko yung dalawang pulis, then ilang segundo pa, ahead na ko sa kanila ng ilang metro. Yung snatcher malapit ko ng maabot pero bigla syang pumunta sa highway. Nakatawid na sya sa kabilang sulok.

Nag-green light yung traffic light.  Nasa gitna palang ako ng highway kaya lalo kong binilisan.

Yung lugar kung saan pumunta yung snatcher ay ang mismong Night Market na.

"Fuck, andaming tao!" pigil ang paglakas ng boses ko.

Iniikot ko yung mata ko sa buong lugar. Nung may nakita akong lalaki na tumatakbo at may hawak na bag, sinundan ko siya.

Naririnig ko na pumipito yung mga pulis sa likuran ko. Sumisigaw rin ng magnanakaw. Yung mga tao, akala naman may shooting kaya hindi nila hinaharangan yung snatcher. What the fuck lang di ba?

Sampung metro nalang yung layo ko sa kanya. Para hindi ko siya abutan, itinumba nya yung mga lamesa at upuan na madaanan nya. Nasa foodcourt yung nadaanan nya eh.

Ako naman tinatalunan ko lang yung mga tinumba nya. Nung super lapit ko na sa kanya, hinablot ko yung jacket nya. Napadapa siya. Hawak pa rin nya yung bag nung matandang babae kanina. Saan nya kaya nilagay yung phone ko?

Bumangon yung snatcher then akmang susuntukin nya ko. Oops, hindi nya ko tinamaan. Sumuntok ulit siya. Oops, duling lang, di parin ako tinamaan. :P

Bumwelo yung kaliwang kamao ko. Galing sa likod hanggang BOOOOOOOGSH!!

Sapul siya sa panga. Yung itsura nya hilong-hilo. Para siyang nakakita ng maraming stars. Gumewang-gewang siya paatras tapos biglang bumagsak sa sahig. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Sakto naman na dumating yung dalawang pulis kasama yung matandang babaeng nahablutan ng bag.

Lalapitan ko na sana yung snatcher nung bigla akong pinigilan ng isang pulis. Yung isang pulis naman kinuha yung bag at ibinalik dun sa matanda. Lumapit saken yung matandang babae.

*mandarin

"Miss salamat sa paghabol mo ha. O heto." inaabutan nya ko ng pera. Big time siguro tong si Granny. Pero syempre hindi ko kukunin no. Mas mayaman pa ata ako sa kanya eh.

"Sorry, but I don't need that. I was just chasing for my cellular phone." sabi ko sa matanda.

" Eto ba phone nyo Miss?" lumapit saken yung isang pulis.

"Ah yes. That's it. Xiexie." tapos kinuha ko na yung phone ko. Nagbow ako sa kanila. Aalis na sana ko nung bigla kong tinawag ni Granny.

"Uhm Miss?"

Lumingon naman ako then..... CLICK!

"Xiexie." sabi nya na nakangiti at nagbow pa.

Pinictyuran ba naman ako ni Granny. Hay na ko, anong trip nya sa buhay nya? Hanggang tumalikod ako, naririnig ko yung sound ng camera nya. Nung umalis na ko, narinig ko rin yung sigaw nung pulis.

Her Life is ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon