She is Back

141 5 0
                                    

Baekhyun's POV:

Nakatanggap ako ng text kay KM. Sasali rin siya sa audition sa SMEnt . Pero sabi nya, magdala raw ako ng friend para may kakwentuhan ako. Himala ata na gusto nyang makipag-interact with other people.

Ok lang, pwede naman akong kumuha ng isa pang agent sa IEPP na nakaday-off. Haha.

Napapansin ko na medyo nagiging weird si KM. Bukod kasi sa nagtetext sya saken during her island challenge, tumatawag din sya pero di naman nagsasalita. 

Iniisip ko nalang kung ganon ba talaga kapag mag-isa ka sa isang isla. Yung kailangan nya ng makakausap. Hinahayaan ko nalang.

Ang ginagawa ko, ina-update ko sya sa mga nangyayari sa EXO. Ganun lang, no more no less. I don't usually talk about the agency kapag nagtetext sya. Mas gusto ko kasi na kausap sya tungkol dun.

**After one week**

*krn

"Tanya, dumating na ba si KM?" sabi ko. I am excited to see her. Actually we are preparing a party for her. Para ko na syang kapatid so this is one way to congratulate her.

"Nandito na sya sir, act natural." Nagmamadaling sabi nya saken.

Sumilip ako sa bintana bago ko umupo sa sofa. Biglang bumukas ang pinto, iniluwal ang isang babaeng nakashorts at sando.

Mukhang wala syang pinagbago, ni hindi man lang sya pumayat. May mga konting gasgas sya pero hindi naman pangit tingnan sa balat nya. Medyo nangitim nga lang sya dahil babad sya sa araw. Yung aura nya pagpasok ng mansion ay parang ganon kay Angelina Jolie ng Lara Croft Tomb Raider.

"Sir!!! Welcome back!!!" Sabay lapit ni  Tanya sa kanya.

"Oops, wait lang!" Iniharang nya yung kamay nya  sa mukha ni Tanya saka inamoy nya yung sarili nya. "Maliligo muna ko bago nyo ko yakapin, at wag nyong gagalawin yang pagkain hangga't di ako nakakalabas!" Nagsitawanan naman kami sa inasal nya. Parang hindi sya galing sa hirap.

Lumabas sya ng kwarto, nakasuot ng knee shorts, plain blue shirt at converse shoes.

Ang lapad ng ngiti nya nung lumapit samen.

"Congrats, you're alive!" pang-aasar ko sa kanya.

"Of course. " Yumakap sya samen ni Tanya then dumiretso sa table na puno ng pagkain.

"Alam nyo ba na nakakapayat pala kapag ang pagkain mo sa dalawang linggo ay isda, saging at buko juice? Kaya lang nakakasawa. Parang dyetang-dyeta ako. " sabi nya habang hawak ang platong punong-puno ng pagkain.

Dirediretso lang sya kakakwento kahit puno na ng pagkain yung bibig nya. Patay-gutom lang? Hahaha. Kung sabagay malakas talaga syang kumain pero di sya tumataba.

Nung natapos yung pagkain nya, inabot ko yung isang sulat sa kanya. Probably, her third test from uncle.

In-open nya yun.

"So, anong challenge sayo?" tanong ko sa kanya.

"Let's fly to Thailand tomorrow." sagot nya habang nakasmirk.

"O ano ngang meron?" tanong ko ulit.

"Let us stop teenage prostitution!"

↖(^▽^)↗

Ganyan yung itsura nya.

Her Life is ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon