Twenty One A

148 5 0
                                    

CHAPTER 2

Eight Months Later

KM's POV:

*krn convo

"Hoy KM!! Bilisan mo na dyan, mag-aayos pa tayo sa park!!" naiinis na sabi saken ng isang matangkad na babae.

"Oo na, patapos na!" sabi ko sa kanya.

Lumabas ako sa banyo suot-suot ko ang black skinny jeans ko, at favorite navy blue sweater. Tinitigan ako ng babaeng maingay kanina.

"Yan na suot mo? Pambahay ko lang ata yan eh." sabi nya saken.

"Unnie, simplicity is beauty." sabi ko naman sa kanya.

"Tsk, gumaganyan ka na ha. Tara na at kanina pa sila naghihintay." nauna na syang lumabas.

Ang babaeng kausap ko kanina ay si Larraine Dong or simply Raine. She is three years older than me.  Talented pero mabungangang tao. Mauubos lahat nag tutuli mo sa tenga kapag nagsalita na sya. She is my co-dancer sa grupong FlaZh.

Well, FlaZh consists of ten boys and two girls. Kami nga yun. Ako yung maknae nila. Ganun ang name ng group kasi mahilig kaming gumawa ng flash mob sa iba't - ibang parks sa Korea. After our dances, nagbibigay kami ng free food sa mga nanood samen, like cookies, ice cream, soda, candies etc. wala lang, dahil trip namin kasi lahat kami rich kids haha.

This is one of what I do now and I am happy with it.

Kung nagtataka kayo kung bakit iba na ang ginagawa ko ngayon, ganito kasi yun.

****Flashback****

" Magang-maga na yang mata mo, tumigil ka na kakaiyak." Kim Tan said.

"I feel betrayed. Ginawa nila kong tanga. Sumunod ako sa mga pinapagawa nila pero ano? Gusto nilang pumatay ako para sa agency?" humihikbi kong sabi.

"The agency is what you want, right? You have done everything for it. Just one more test and it is yours." Kim Tan said then lumabas na sya ng kwarto ko.

Tumigil ako sa pag-iyak. Inayos ko ang sarili ko. Inayos ko lahat ng gamit ko.

Tinawagan ko si Baek. Hindi sya sumasagot. Paglabas na paglabas ko ng bahay ko (ayokong tawaging mansion hehe), nakita ko yung kotse nya. Kinatok ko yung bintana ng kotse. Pumunta kami sa IEPP.

Pagdating ko dun papaalis palang ng office si Raymond.

"Hi, I just need to drop these." sabi ko sa kanya ng tipid ang ngiti.

Nagulat sya saken. Hindi sya nagsasalita pero medyo nakaawang ang bibig nya.

"I quit."

****end of flashback****

Masaya ko ngayon sa  buhay ko. Medyo normal na sya. Busy-busyhan lang sa kung ano-ano dahil hindi na ko agent.

Pero hindi porke hindi na ko agent, eh hindi na ko tutulong sa tao. Nagvolunteer ako sa mga Korean police na sasama ako sa mga bigating operations nila. As AP ha. Hindi ko kasi matiis na hindi tumulong eh. Pumayag naman sila.

Hindi ako nagpapabayad sa kanila. Volunteer nga eh, bakit ako magpapabayad. Pero pumipili naman ako ng operation na gusto kong salihan. Haha.

Anyways, nasa Seoul Grand Park na kami ni Raine. (Wala kong galang no?dapat kasi may Unnie hehe) Ginamit namin si Atom.

Kakarating lang rin ng dalawang van kung san nakasakay yung iba pang ten members ng FlaZh. Yung isang van nandun yung speakers and some instruments at lugar ng DJ.

Her Life is ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon