"sige!"

"Bye!!"

"Bye!" at pumasok na nga ako sa loob. Pagkabukas ko ng main door ay nakita ko si Maine na nanunuod ng kung ano sa TV. Umupo ako sa tabi nya.

"Oh bess, bakit ginabi ka?" tanong nya pero nakatuon parin yung atensyon nya sa pinapalabas sa TV. Korean Drama pala yung palabas kaya tutok na tutok sya.

"Dumaan pa kasi kami ni Yeol sa VivaPolo. Pinakilala nya ko sa Mom at kapatid nya." napabalikwas naman sya sa kinauupuan dahil sa sinabi ko. Ehh?

"OMG Talaga bess? Pumunta kayong VivaPolo? At pinakilala ka pa ni Chanyeol oppa sa family nya?" tumango ako.

"OMG! Ikaw na!!! Anong itsura ng VivaPolo bess? Maganda ba? Nakita mo yung mga picture ni Chanyeol Oppa sa may ding ding? Yung Mom nya ba mabait? Si Yoora Unnie? Maganda ba sya sa personal? Ano bess? Sumagot ka!!!" sunod sunod na tanong nya. Tch!

"Pwede ba Maine isa isa lang!" 

"Sorry naman! Eh ano nga? Maganda ba yung VivaPolo?"

"Oo maganda! Nakita ko rin yung mga picture ni Yeol dun sa may gilid."

"Eh yung Mom nya? Mabait ba? Si Yoora Unnie?"

"Yep mababait sila sakin. Yung Mom pa nga ni Yeol yung nagluto ng kinain naman ni Yeol eh hindi yung mga chef dun."

"Wow! Masarap ba magluto? Parang gusto ko tuloy pumunta dun! Punta tayo ngayon bess? Tutal di pa naman ako nagdidinner."

"Heh! Magtigil ka nga dyan! Gabi na kaya! Syaka kakakain ko lang! And yep masarap magluto si Imo." 

"Imo? Wow naman! Aunt na ang tawag mo sakanya! Pero bakit hindi Umma?" 

"Ehh Nakakahiya!!!" 

"Wow! May hiya ka pa pala bess!" binatukan ko sya. Napa 'aww' naman sya dun.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon