Chapter 2:

12.4K 254 19
                                    

Kathryn's POV

After 1 Month

Masaya ako dahil may bago akong mga kaibigan. Nandito kami sa condo ni Kats, wala lang nag-uusap usap.

"Bebe Kath. Bakit ka ba bumalik sa Pilipinas?" Tanong sa akin ni Kats. At oo marami silang tawag sa akin.

"Kasi namiss ko yung Pinas." Simple kong sagot.

"Weh??" Sabay sabay nilang sabi na parang hindi nakapaniwala doon sa sagot ko.

"Oo nga promise." Natatawa kong sabi. Kaya siguro hindi sila naniniwala. HAHAHAHAHA.

"Sure ako may iba pang dahilan." Sabi ni Jc na parang gustong gustong malaman yung dahilan ko. Ganun din sila. Napabuntong hininga ako. Kaibigan ko na naman sila eh.

"Okay fine." Sabi ko.

"Yehey sasabihin niya na." Masayang sabi ni lester.

"Pinagtaksilan ako ng boyfriend ko." Sabi ko sa kanila. Pero pinagtaksilan. Wow what a word XD

"WHAT?! MAY BOYFRIEND KA?!!" Sabay sabay nilang sigaw. Grabe naman sila. Ganun ba hindi kapani paniwala na may boyfriend ako?

"Oo pero dati na yun." Sabi ko sa kanila.

"Bakit kayo nagkahiwalay?" Curious na tanong ni Daniel.

"Nakita ko sila nung friend ko na si Julia Barretto." Sagot ko.

"Oh anong ginagawa nila?" Takang tanong ni Kats. Mukhang curious na curious talaga sila ah.

"Ganito kasi yun."

*FLASHBACK*

Papunta ako sa Garden kasi magkikita kami ni Albie. Ang weird nga ng pakiramdam ko eh, na eexcite ako pero parang kinakabahan ako sa hindi ma explain na kadahilanan.

-

Nandito na ako sa Garden at hinanap si Albie. Hanap hanap teka- si Albie ba yun?

"Albie?" Gulat kong sabi.

"Kath?!" Mukhang nagulat din si Albie nang makita niya ako.

"Julia?" Sabi ko.

"Kath let me explain." Sabi ni Albie sa akin na kinainis ko.

"No need to explain." Sabi ko.

"It was an accident." Pagpapalusot ni Julia.

"Accident? Ano yun? Naglalakad ka tapos bigla na lang bumangga yung labi ni Albie sa labi mo ha Julia?!" Galit na galit kong sabi sa kanila.

"Kath pwede bang makinig ka muna?" Frustrated na sabi ni Julia. Wala siyang karapatang mainis sa akin.

"Para saan pa? Pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa pero anong ginawa niyo? Lalong lalo ka na Albie." Halatang halata mo yung galit sa bawat salitang binibigkas ko.

"Kath let me explain please makinig ka muna." Pagmamakaawa sa akin ni Albie.

"Gago ka! Explain mo mukha mo. Magsama kayong dalawa!" Galit kong sigaw sa kanila.

Umalis na ako, di ko na kinaya i breakdown. Ang sakit sakit.

End of Flashback

Naiyak ulit ako niyakap naman ako ni Kats.

"Okay lang yan bebe kath. Tahan ka na." Sabi ni Kats sa akin 

"Bakit ganun? Ang sakit sakit pa rin." Umiiyak kong sabi. Pinatahan naman nila ako.

"Huwag kang mag alala Kat kat. Pag nakita namin yun uupakan namin yun. Diba guys." Sabi ni lester.

"Oo naman." Sabay sabay nilang sabi.

Parking 5 & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon