33. Revenge is for the Weak

6.2K 153 5
                                    

Kath's POV

"Kailangan pa ba talagang ganito ung suotin?" Tanong ko kay bes. Tumango siya saka ngumiti. Short na maikli at tube ang suot ko na may tali sa likod. Ewan ko basta ganun. para ito sa special number ng mga contestant. Feeling ko tuloy nagkakasala ako sa diyos eh.

Ay mali, nagkakasala ako sa pagiging maiden ko. Dapat kasi di nagsusuot ang mga babae ng ganitong kaikli na short na halos makita na ung kuyukot. This is just for the performance okay.. Hingang malalim.

All girls lang kasi ang magkakasama habang all boys ay meron ding special number.

"Galingan mo bes. Patunayan mo na full of charms ka talaga." Sabi ni bes sa akin tapos kumindat pa kaya napangiwi naman ako.

"Bes parang matatanggal naman to." Sabi ko na may halong pagkairita dahil baka mamaya mahubaran ako sa stage.

"Ganyan talaga yan bes. Feeling mo lang yan." Sabi niya na para bang pinapalakas ung loob ko. Tama kaya ko to. Sa lahat lahat ba haman ng nangyari sa buong buhay ko eto lang di ko kaya. Sus. Ako pa ba?

Naghahanda na kami. Inayusan na rin ako ni Bes medyo kinulot niya ung dulo nung buhok ko tapos light make up lang. Pumunta na kami sa backstage at naghintay na tawagin kami ng maharot na mc. Bakla kasi yung mc ngayon sa mismong program. Lahat ng gwapo pinopoint out niya.

Nakakaloka lang. So ayun na nga tinawag na kami. Nagstart na rin ung music. At alam niyo ba ang sasayawin namin? Syempre di pa. Female President lang naman, ng girl's day. Ewan ko ba parang di bagay ung damit namin sa sasayawin.

Sino ba nagisip nito? Mapuntahan nga. De joke. Bahala na. Tinawag na kami kaya nagsipuntahan na kami sa stage. Feeling ko talaga matatanggal ung damit ko eh. Kanina ko pa hinahawakan sa likod. Di ako mapakali. Ng biglang nag start ung music. Kaya wala na akong nagawa kundi sumayaw na lang din.

Pero nagulat ako ng may marinig akong sound na para bang naputol na goma. Then nung doon na sa part na'Tarataratataratarat' ay natanggal ung damit ko kaya biglang naghiyawan ung mga tao. Mukhang nataranta si bes. Nagulat din ung mga kasama ko. Nagaalala din sila.

Naiiyak ako.. Lahat sila nakatingin sa akin.. Ung iba pinaguusapan ako.. Then there i saw her.. She's laughing evily.. I knew it.. Siya.. Siya ang may pakana nito.. Nanggigilid na ung mga luha ko. Nagulat ako ng biglang may nagtakip sa akin.

Napataas ako ng tingin sa kanya. Yinakap niya ako saka niya ako nilayo. Dinala niya ako sa backstage.

"Okay ka lang?" Alala niyang tanong. Tumulo na ung mga luha ko. Yinakap ko siya.. He's always saving me.. My savior.. And my King. Dumating na rin si Bes.

"Bes anong nangyari. Bakit natanggal ung damit mo?" Alala niyang tanong. Napakibit ako ng balikat ko. Kaya pala.. Kaya pala galing siya sa dressing room kanina ng may mga ngisi sa labi niya.

Kaya pala ngumisi siya sa akin kanina. Kaya pala sinabihan niya ako ng goodluck. Kaya pala..

"Ginawa niya to." Sabi ko na nagpataka sa kanilang dalawa. Pero agad ding na gets ni Bes ung sinabi ko. Dahil kasama ko siya kanina nung pumunta ang bruhildang yun.

"That bitch!" Inis na inis na sabi ni Bes. Pero pinigilan ko siya. Hayaan ng karma ang magparusa sa kanya. Kasi naniniwala ako na Revenge is for the Weak. And hindi ako weak. Ayaw ko ng maging tulad ng dati na laging gumaganti.

Baka mamaya mapunta ako sa hell eh. Kaya ngayon hahayaan ko na lang na si God na ang gumawa ng paraan para sa akin. I'll just trust him.

"Bes hindi pwedeng palampasin lang natin ung ginawa nung babaeng yun." Sabi ni bes sa akin na halata mong gigil na gigil na kay Cheska. Napangiti ako. Mahal na mahal talaga ako ng bestfriend ko.

Parking 5 & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon