38. EPILOGUE

8.1K 187 42
                                    

5 years later.

"Waaaaaaa. Bagay na bagay sayo yang bago kong design na gown Chandria." Sabi ni Charmaine na nakangiti ng malapad na para bang proud masyado sa gown na ginawa niya.

"Kath gamitin mo tong flowers na to ha. Ako mismo gumawa niyan." Sabi naman ni Bes. Si Charmaine kasi ay sikat na fashion designer habang si Julia ay naging sikat na Florists. Mahilig kasi talaga siya sa flowers kaya eto siya na rin ang gumawa ng bouquet na gagamitin ko ngayon.

"Okay na yung sound system girls." Sabi ni Raven na sobrang busy. Isa na rin siyang sikat na Wedding Planer. At siya ang nagplano nitong lahat. Sobrang ganda nga ng style ng kasal namin ni Daniel eh. Winter Theme siya. Ewan ko ba diyan kay Raven at yan ang sinuggest.

"Yung hair mo aayusin na daw ni Zharm." Sabi ni bes sa akin saka ko nakita si Zharm na hawak hawak na yung mga gamit. Naging kaibigan namin si Zharm, matalik na kaibigan. Kaya eto siya ang mag aayos ng buhok ko. May-ari siya ng sikat na salon worldwide.

"Curly yung mas bagay sa kanya diba?" Tanong ni Zharm kila Charmaine ay agad naman silang nagtanguan kaya ayun sinimulan na ni Zharm yung pag aayos sa buhok ko. Simula ng nagkita na kami ni Charmaine nagiba na ang lahat. Wala na akong nakaaway pa. At naging masaya ang buhay ko. Kaya eto ako ngayon papakasalan ang taong sobra kong minamahal. Ewan ko ba, isang araw bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko saka ako niyaya ng kasal.

Napaka romantic ng araw na yun para sa akin. Nandoon pa ang parking 5 na tumutugtog para sa amin. Nakita ko pa nga kung paano mag drama si Katsumi at Lester eh. Sinasabi nga nila na kapag nagkaanak kami gawin daw namin silang ninong. Oh diba kasal pa lang ang magaganap pero anak na agad ang usapan nila. 

"Wow! Ang ganda mo Kath." compliment sa akin ni Quen, kasama niya ngayon si Liza. Sure akong naaalala niya pa siya. Si Girl with no sense of direction :). Kasal na kasi silang dalawa at nakatira sila sa america. Pinagiisipan nga naming lahat na manirahan kami sa america. Oh diba, squad goals lang ang peg namin eh. Napansin ko na kakapasok pa lang ni Inigo saka siya lumapit kay Charmaine para tabihan ito. Si Inigo yung totoong boyfriend ni Charmaine noon palang. 

Kaya nga natutuwa ako dahil kinasal na din sila. Ngayong ako naman ang ikakasal di ko mapigilan ang excitement at ang sobrang kaba. Naiisip ko kasi paano na lang kung wala dun si Dj? Paano na lang kung hindi niya pala ako gusto kaya tinakasan niya ang kasal namin. Paano kung niloloko niya lang pala ako? 

Baka naghihiganti lang siya sa akin baka may nagawa akong masama. Mga ganung thought yung nasa utak ko ngayon. Pero nasa puso kong mahal ako ni Dj.... Diba? Mahal niya ako diba kaya hindi niya ako lolokohin. Hays para akong tanga!! Ganito yung iniisip ko! 

"Chandria you okay?" alalang tanong ni Charmaine sa akin. "I'm Fine... Just Nervous." sagot ko kaya napansin kong napangiti siya.

"Don't worry ganyan din yung pakiramdam ko nung ikakasal na ako. Yung feeling mo baka wala siya doon sa altar at di ka niya hinihintay." sabi ni Charmaine, parehong pareho kami mag-isip. Well sabagay magkakambal kami eh. 

"Nandiyan lang si Daniel. Susuntukin ko siya kapag iniwan niya ang kapatid ko." napangiti na ako sa sinabi niya. Narinig namin yung pagbukas ng pinto. Saka namin nakita sila Kuya Sam at Kuya neil.

"Ang ganda ng kapatid namin." compliment sa akin ni Kuya Sam kaya napangiti pa ako lalo.

"Ikakasal na ang bunso natin." sabi naman ni Kuya neil na akala mo ay iiyak na. Pinat na lang ni Charmaine yung likod ni Kuya neil. nagdadrama nanaman kasi eh. Napabuntong hininga ako. 

-

"Bes hinga muna ng malalim." sabi ni Julia kaya ginawa ko naman yung sinabi niya. Nandito na kami sa harapan ng simbahan. Ang ganda nga ng theme ng kasal namin eh. Napansin kong busy pa rin si Raven kaya di ko nanaman mapigilang mapangiti. Kaaway ko siya dati pero tignan niyo na lang kung gaano siya kabusy para lang mapaganda tong kasal namin ni Dj.

Thankful ako sa lahat ng nakaaway ko dati na bestfriends ko na ngayon. Sobra akong natutuwa dahil sa hardwork na tinuon nila dito sa event na to. At ngayon binigyan na ako ni Raven ng sign na maglalakad na ako. Nasa unahan ko kasi sila Bes eh at katabi ko sila mommy and daddy. Hindi ko alam pero nang makita ko si Dj na naghihintay sa akin sa altar parang gumaan yung pakiramdam ko

Nung sobrang lapit na namin sa isa't isa ay nakita ko kung gaano siya ka gwapo. At natawa ako bigla nang maalala ko nung una ko siyang nakilala. 

"Hoy!! Ikaw!!!"

"Sino? Ako?" taka kong tanong

"Oo ikaw! Bakit ka nandito? Bawal ka dito!"

"Bakit sayo to? May pangalan mo?" may pagkairita kong sabi. tsaka sino ba tong lalaking to? sama ng ugali eh!

"Oo akin to! At oo may pangalan o ayun oh!" sabi niya sabay turo mismo sa punong inakyatan ko. 

"DJP?" yun ba yung pangalan ng lalaking to?

"Oo kaya bumaba ka na diyan!" sigaw niya. "Ok Fine madali naman akong kausap eh." may halong pagkairita kong sabi saka ako tumalon. Kaso kung hindi ba naman ako half shunga eh hindi sana ako tumalon. Kasi naman mataas nga pala yung punong inakyat ko. Pero bakit ganun? Ang tagal o naman atang bumagsak. Ano to got to believe slow motion?

"Alam mo bang mabigat ka?" napadilat na ako ng marinig ko yung boses na yun. "sorry naman." sabi ko dahil sinalo niya pala ako. 


Ang saya lang balikan nung mga alaala na yun. Napansin kog nakatingin sa akin si Dj na para bang naweweirduhan siya dahil bigla na lang akong tumawa ng mahina.

"Okay ka lang Kath?" alala niyang tanong. kala mo naman kung maka tanong siya ng ganun parang nababaliw na ako ah! "Oo, may naalala lang." sagot ko saka ngumiti. 

Nagsimula ng magsalita yung priest kaya nanahimik na lang muna kaming dalawa. 

-

"You may kiss the bride." pagkasabi ni father nun ay parang nag hesitate pa kaming dalawa pero nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Dj papalapit sa kanya saka ako hinalikan narinig ko naman agad yung mga sigawan nila. At alam na alam kong sila Julia yun. Siguro kilig na kilig na yun ngayon. 

Ngayong kasal na kami, wala ng makakaagaw sa kanya mula sa akin. Lagi na kaming magkasama, at bubuo kami ng masayang pamilya. 


 THE END

IS JUST A NEW BEGINNING 


A/N: SORRY TO SAY BUT THIS IS THE LAST CHAPTER OF THIS STORY. FINALLY, THE LONG AWAITED WEDDING OF THIS TO FINALLY HAPPENED. PLEASE GIVE THIS TWO YOUR SUPPORT. AND SUGGEST NAMAN KAYO KUNG GUSTO NIYO NG BOOK 2. COMMENT DAPAT HA. KATH AND DANIEL WILL NOW LIVE HAPPILY <3 AND THANK YOU NGA PO PALA KAY myuniki AT SA HEMMINGS: BOOK COVE SHOP NIYA. SORRY PO AT NGAYON KO LANG GAGAMITI YUNG GINAWA MO PONG BOOK COVER. GUSTO KO PO KASI GAGAMITIN KO SIYA KAPAG NAKAPAG DEDICATE NA AKO SAYO NG CHAPTER. PERO DAHIL NAUBUSAN AKO NG IDEAS NUNG NAKAARANG ARAW AY WALA AKONG NA UPDATE. SORRY PO TALAGA AND THANK YOU :)


Parking 5 & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon