WRONG NUMBER
"Inna, sigurado ka? eto number niya?"
habang tinitignan ko yung papel na may number daw ni Andy na binigay sakin ni Inna.
"Oo. ako pa, yan yung number na nakuha ko sa aking source" :D
"aber, mapag kakatiwalaan ba yang source mo?"
"sus naman Nica! Wala kang tiwala saken!? grabe, 7 years na tayong magkasama pero wala kadin tiwala? ouch yun! a-a-aray! aray aray!"
hay. nag inarte nanaman tong bestfriend ko na may pa-drama drama pa pero din naman bagay. may pahawak hawak pa sa dibdib, kunwari ay nasaktan. aarte arte, wala naman talent. HAHAHA. yan ang true friend! :P
"leche. tigilan mo nga ako.. osya! oo na, oo na. May tiwala naman ako sayo eh. Ihahanda ko nalang sarili ko sa kapalpakan mo."
"kapal naman nito, ako na nga tumutulong eh.."
"oo nga pala, salamat Inna!! tunay kang kaiabigan! CHOS!" :D
"ewan ko sayo.. text mo na kaya yan."
"Pano pag hindi si Andy to?"
"okay lang yun, hindi ka naman kilala eh. Di ka mapapahiya jan, di naman kita mukha mo."
"oo nga noh?"
"ay bongga!!"
"bongga???"
"bobo na, tanga pa. HAHAHAHA!!!" :p
"EWAN KO SAYOOOOOOO! Ina mo!!"
"BWAHAHAHAHA!! Inna talaga ako. Labyu!!" :P
"che!"
>>FAST FORWARD. The next day.. 8:15AM
papasok na ako ng campus kaso..
"GOOD MORNING NICAAAAA!!!"
"AY POKEMON! ..... Ina mo ka talaga!!"
napansin ko nalang na nakatingin na yung iba samin. Leche kasi tong si Inna eh. Ina talaga! ang aga aga, nanggugulat. Alam mo yung feeling na inaantok kapa kasi puyat ka sa mga plates na ginagawa mo, tapos etong babaeng hindi ko alam kung san lupalop nanggaling, hindi ko alam kung pano ko naging kaibigan to, at natiis ko ng tong pitong taon, at hindi ko alam kung san niya nakukuha yung ganyang energy kahit puyat. Minsan nga naiisip kong naka drugs yan eh, or baka naka singhot lang mabahong utot kaya nag kaganyan :P hahaha. anyway. Isa lang ang alam ko, nakaka hiya kami. nakatingin silang lahat eh!!
"si Nica po yun!"
sabay turo sakin ng bruha.. O_O
"ehehe. sorry po. peace!" ^___^
humanda ka sakin Inna!
hinatak ko sya papuntang bench para dun ko gantihan. BWAHAHA! joke lang, mabait kaya ako :P
"baliw ka din no? nakakahiya ka"
"anong ako nakaka hiya? tayo kaya.. ay Mali, ikaw pala. HAHA. ang lakas mo mag mura eh!" :D
"leche ka. umalis ka na nga, pumunta ka dun sa klase mo."
"oo na, ay wait.."
