"Kaya nga ho ako kumuha ng yelo para lumamig ang juice mo." sagot niya dito. 

Kanina pa talaga niya pinipigilang upakan ito. Nagtitimpi na nga lang siya.

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. 

"Aba at sumasagot ka pang pangit ka!" 

Nagulat na lang siya ng bigla nitong hilahin ang buhok niya at kaladkarin malapit sa pool. 

Kahit si Reij ay nagulat sa nasaksihang eksena kaya hindi agad ito nakagalaw.

"Enough, Sarah! Bitiwan mo siya." awat ni Reij dito.

Ngunit parang walang narinig na patuloy parin ito sa pagsabunot sa kanya.

Ewan ba niya, ngunit parang hindi siya makalaban at maipagtanggol ang sarili niya. Naramdaman na lang niyang tumutulo na ang luha niya sa pisngi.

"Ang kapal ng mukha mong sumagot samantalang hamak na katulong ka lang dito. Pwes, itong bagay sa mga katulad mo!"

Hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Bigla siyang itinulak sa swimming pool na kahit na si Reij ay hindi siya naagapan.

"Shindee!"

Narinig pa niyang sigaw nito sa kanya. 

Lumutang dili siya sa tubig. Hindi kasi siya marunong lumangoy at parang napakalalim ng swimming pool na nahulugan niya. Parang may kung anong pwersa ang humihila sa kanya pababa sa tubig. 

Maya-maya ay naramdaman na lang niyang may humila sa baba niya. Nagpatangay na lang siya dito.

Umubo-ubo siya pagkasampa niya sa gilid ng pool. Marami yata siyang nainom na tubig.

"Are you okey, Shin?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Reij. 

Hinahaplos nito ang likod niya.

Umiling lang siya.

Nang hindi na niya makayanan ang bugso ng damdamin ay umiyak siya ng umiyak.

Pakiramdam niya ay parang aping-api siya ng mga oras na yun. 

Naramdaman niya niyakap siya ng mahigpit ni Reij. Doon niya inilabas lahat ng sama ng loob niya.

"I'm so sorry, Shin.."

Maya-maya ay naramadaman niyang umangat siya mula sa lupa. Buhat-buhat na pala siya nito. 

Nagpaubaya na lang siya hanggang sa makarating sila sa kwarto niya. 

Nag-aalalang mukha ni Reij at Lisa ang nakita niya.

"Lisa, pakiasikaso mo na lang si Shin. I have some business to finish." 

"Opo, Sir." natatarantang sabi ni Lisa.

Napansin niyang parang nagtagis ang mga bagang nito. 

Gusto sana niyang tawagin ito ngunit walang boses ang lumabas sa mga labi niya.

Pinikit niya ang mga mata niya. Parang hinang-hina siya sa nangyari. 

Ang gusto lang niyang gawin ay pumikit na lang muna at takasan pansamantala ang mundong nananakit sa isang tulad niya.

DAHAN-DAHAN niyang dinilat ang mga mata niya. Naalimpungatan siya ng maramdang may kamay na banayad na humahaplos sa mukha niya.

Bumungad sa kanya ang mukha ng lalaking may tanging may kakayahang magpatibok ng kanyang puso.

"Reij.." mahinang sambit niya dito.

"Sshh.. Don't talk. Magpahinga ka na lang.. I'm just here, Shindee. Hindi kita iiwan.." 

Shindee : Ang Snatcher ng Puso koWhere stories live. Discover now