049

46 4 0
                                    


Maycee's POV

Kasalukuyan kami ngayong sakay sa kotse ni Hoshi. Halos hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na finally, eto na. Nakausap ko na sya sa personal after months of talking through chats alone. Kaya lang hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nahiya. Kanina pa tuloy akong walang-imik.

C'mon Maycee, speak!

"Hey" napalingon ako sa kanya ng marinig ko syang magsalita. Nakatingin lang sya sa daan habang nagda-drive. Grabe, ang pogi nya rin pala. Though mas pasok sya sa category na cute pero ang lakas pa rin ng dating nya. Maybe it's because of his eyes....

"Maycee?" nawala ako sa pag-iisip ko nang muli syang magsalita. This time ay lumingon sya saglit sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. And it feels weird. Shit. The heck is wrong with the butterflies in my stomach?

"H-ha?" I asked, dumbfounded. Natatawang bumaling ulit sya sa akin. Oh please stop looking so gorgeous Kwon!

"Why so quiet huh? mas maingay ka ata sa chat eh!" sabi pa nya. Well kahit ako ay hindi ko alam kung bakit parang biglang umurong ang dila ko. Grr! what's happening to me?

"A-ah hindi ah! K-kinakabahan lang ako" sabi ko na lang. Lie. Sa totoo lang ay nawala na nga sa isip ko na magkikita kami ni Jisoo. All I'm thinking right now is this weird feeling I feel towards him. Hoshi.

Hindi na naman ulit sya nagsalita at maya-maya pa ay tumigil na kami sa isang bahay. Bahay ata nina Jisoo. Bumaba sya ng sasakyan at pinagbuksan nya ako ng pinto.

Pagkababa ko ay dumiretso na kami sa loob. Mukhang may kaunting inuman ang mga barkada ni Jisoo. Pagkapasok namin ay agad silang napatingin sa amin.

"Yun oh! may date si Kwon!"

"Gumaganyan ka na Hoshi ah!"

"Who's this pretty girl pre?"

Lumapit sa amin si Jisoo at nginitian ako. Nginitian ko rin naman sya. Ipinakilala ako ni Hoshi kaya nagsalita naman ako. "Birthday mo daw. Happy birthday" bati ko sa kanya. Agad naman syang nag-thank you.

Okay, Maycee. Ba't parang hindi ka na kinikilig??

Ang weird talaga. Ba't parang wala na sa akin na finally ay nakapag-usap na kami ni Jisoo. Diba ang tagal kong hinintay 'to?


Iniwan ako ni Hoshi kay Jisoo. Nakapag-usap naman kami. Nalaman ko na talagang friendly pala talaga sya, masayang kausap pero bakit ganun? wala nang spark?

"Crush mo 'no?"

Napalingon ako kay Jisoo nang marinig ko syang magsalita. Naguguluhang tiningnan ko sya. "Ha? sino?"

"Sino pa edi si Hoshi! halata naman sayo eh. Kanina mo pa kaya syang sinusundan ng tingin" sabi nya. Hindi naman agad ako nakapag-react. C-crush ko...si Hoshi?

As in si ICB?!

"A-ano...ah"

"Di mo mai-deny. Ibig sabihin totoo. Don't worry, may gusto rin nam-"

"Jisoo" agad kaming napalingon nang marinig naming magsalita si Hoshi. Teka, kanina pa ba sya don?! Omg!

"Gabi na. Iuuwi ko na sa dorm nila si Maycee" sabi pa nya. Nagpaalam na kami sa kanya at sa barkada nila at maya-maya pa ay sakay na kami ng kotse ni Hoshi pauwi.

Matapos ang ilang minuto ay tumigil na kami sa tapat ng dorm namin.

"Masaya ka na ba Maycee?" tanong nya sa akin. Hindi naman agad ako nakasagot. Okay, I'm happy na kahit papano ay nakausap ko na yung taong pinapantasya kong makausap pero....

"Okay lang" sagot ko. Agad syang tumingin sa akin ng nakakunot- noo.

"Ha?bakit okay lang? nakilala ka na ni Jisoo diba?" tanong nya pa. Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Oo nga. Pero...pero...what if I tell you na...na...hindi ko na ata sya... crush?" nakayuko kong sabi. Hindi naman sya umimik kaya tumingin ulit ako sa kanya.

"Talaga?" tanong nya. His eyes, are they sparkling?

Dahan-dahan akong tumango. "Parang nawala na yung spark eh. Ewan ko" sabi ko. Bigla na lang syang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako.

"Get inside" utos nya. Seryoso, parang biglang nagliwanag ang mga mata nya.

"H-ha?"

"Dali na Maycee, pumasok ka na sa loob and..." lumapit sya sa akin at ginulo-gulo ang buhok ko.

"...mag-online ka ah. May itatanong ako"

ice cream boy || k.sy (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن