044

48 3 3
                                    


AN: Tatapusin ko na 'to since wala namang nagbabasa huhuhu. 😭😭😭 Fast pace and fast forward na sya.

***

2 weeks after

2 days before Hong Jisoo's birthday....

Maycee's POV

Nakita ko si Jisoo. May kausap na naman syang ibang babae. Pansin ko lang na talagang lapitin sya ng mga babae ah? wala eh. Ang pogi nya naman kase hihi :D

Nasa tapat ako ngayon ng Engineering Building. May dinaanan kase ako dito at sakto na nakita ko si Jisoo na kasama nung si Wonwoo. Kabarkada nya din ata yun eh sabi ni Hoshi.

And speaking of Hoshi, hindi pa ulit kami nagkaka-chat. Huling chat namin ay 2 weeks ago pa. Wala eh. Hindi sya madalas online this past few weeks. Naalala ko tuloy yung status nya.

In-love nga kaya sy-

"Maycee! tara na!"

Napalingon ako sa may kanan nang marinig ko ang boses ng blockmate ko. Aalis na ata kami. Pupunta kase kaming Mall dahil nagpapasama ako sa pagbili ng damit.

Tiningnan ko pa muli si Jisoo bago ako nagpasyang lumakad. Ang weird lang. This past few weeks kase parang may iba sa nararamdaman ko eh. Or is it just me? ewan!

*poink!*

"Ay sorry po Kuya!" sa kakalingon ko kay Jisoo ay di sinasadyang may nabunggo ako. Nagpatakan tuloy yung dala kong gamit. Agad ko itong pinulot at nagulat pa ako nang tinulungan ako nung nabunggo ko.


Nang matapos ko nang pulutin ang gamit ko ay lumingon ako kay Kuyang nabunggo ko. Sumalubong sa akin ang isang pares ng mga singkit na mata. Matiim itong nakatingin sa akin.


"A-ah...sorry po ulit! at thank you!" sambit ko matapos nyang iaabot ang mga gamit ko na nilimot nya. Nakatingin lang sya sa akin. Teka...parang pamilyar sya eh...saan ko ba sya nakikita?

"Maycee!" narinig ko ulit ang pagtawag ng blockmate ko kaya nagpasya na akong umalis. Nagpasalamat na ako muli dun sa lalake tsaka ako naglakad paalis. Pero bigla akong napatigil at halos manlaki ang mata ko nang may marinig ako.

Malayo-layo na ang nalalakad ko nang may sumigaw sa likod.


"Uy Hoshi pre!"

ice cream boy || k.sy (COMPLETED)Where stories live. Discover now