His Personal Wife - 12.

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayan na naman siya sa yakap niya.

Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Eto na DJ. Ang aking powerhuuuuuuuuuuug!" tumawa lang siya ng mahina at hinalikan ako sa may buhok ko.

"Kath, alam mo ba? Namiss na naman kita kanina."

"Weh? Di nga?"

"Oo nga. Di ko nga alam kung bakit."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ako rin, miss rin kita."

Umalis na ako sa yakap namin para makakain na siya.

"Salamat sa yakap Kath. Ang sweet mo pa rin talaga."

"Huh?"

"Sweet ka sabi ko."

Habang kumakain siya, naisip ko ng sabihin yung plano ko.

"Ah. Teka, pagod ka diba?"

Kunot-noo siyang tumingin sakin. "Oo. Bakit?"

"Tara! Mag-unwind tayo!"

"Unwind?"

"Oo. Plano ko kasi na magpunta tayo sa Tagaytay. Namiss ko na kasi dun eh. 3 days lang please?"

"Nag-book ka ng 3 days sa Tagaytay? Ayoko!"

"Bakit naman ayaw mo?"

"Ayaw ko lang. Bakit ba? Dito na lang tayo."

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon