CHAPTER 43: WHAT HURTS THE MOST

Zacznij od początku
                                    

Yap color skyblue syang maluwang at may tatak pa ng hospital sa upper chest part.

Bigla tuloy akong nahiya.

Kase naman yung Cross na yan kidnappin ba ako sa hospital?! Ang sama nya talaga.

Nagbukas ang elevator at mabilis akong lumabas.

Wala akong pakialam kung maraming nakatingin sa akin. Ang mahalaga ay makalabas at makalayo ako sa lugar na to.

May mga nababangga pa ako sa balikat pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Hanggang sa makalabas na ako ng building.

Hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo.

Kahit na nararamdaman ko na yung mga bato na bumabaon sa talampakan ko, wala akong pakialam.

Hindi ko nga alam kung may humahabol pa sa akin.

Hanggang sa tuluyan na akong sumuko.

Habol habol ko ang hininga ko at halos mapaupo na ako sa kalsada sa sobrang pagod.

I look around.

Hindi ako pwedeng magkamali. Malapit lang dito ang Global hotel.

I gathered all my strength para makapaglakad pa.

At di nga ako nagkakamali. Ngayon ay tanaw ko na ang Hotel ng mga Vergara.

Ligtas na ako.

Wala ng makakasakit sa akin.

Wala na.

Tatawid na ako nang matanaw ko sa kabilang kalsada si Mom Vira at ang asawa nya.

'Mabuti nandyan sila.', nasabi ko sa sarili ko.

At mas lalo akong nabuhayan ng loob ng may pumaradang itim na kotse sa harapan ng Global hotel at lumabas mula doon si Kelvin.

Pero..

Sa isang iglap lang, nabura ang lahat ng pag-asa sa puso ko.

Pakiramdam ko, tumigil ang mundo ko.

Inaalalayan ni Kelvin ang isang babae habang bumababa ng kotse.

Pagkatapos ay humawak sa braso ni Kelvin ang babae at masaya silang sinalubong nina Mom Vira.

Masaya siya.

Nakikita ko yun sa kinikilos nya.

Ibig bang sabihin..

totoo ang sinabi sa akin ni Cross?

Na...

magpapakasal ulit si Kelvin?

Na nakahanap na sya ng kapalit ko?

At nakalimutan na nya ako?

Bakit ganun kadali?

Masyado ba akong naging panatag na kahit kailan ay hindi ko inisip na papalitan ako ni Kelvin?

Ang tanga tanga ko!

Gustong gusto ko ng mayakap at makasama si Kelvin pero hindi ko man lang naisip kung sya, gusto pa ba nya akong makasama ulit?!

Buong akala ko magiging maayos ang lahat kapag bumalik na ako.

Pero mukhang nagkakamali ako.

Masisira ko ang lahat kung babalik ako sa buhay nya.

Hindi na nya ako kailangan.

Wala ring silbi kung babalik ako.

Dahil sasaktan ko lang lalo ang sarili ko.

I guess this is the end.

Wala na akong lugar sa buhay nya.

Kelvin..

Mahal na mahal kita.

At kahit kailan hindi ka mawawala sa puso ko.

"Paalam."

I turn around at nagpatuloy na sa paglalakad.

Wala na akong makita dahil sa patuloy na pagbagsak ng mga luha galing sa mga mata ko.

Nararamdam ko ang sakit ng pagbunggo sa akin ng mga taong nakakasalubong ko.

Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ng puso ko.

***

NIEGEL'S POV:

Wala na si Glazy sa unit ni Cross ng makarating ako.

Sana ligtas sya.

Kanina pa nga ako naglilibot e.

At sa lahat ng lugar dito ko lang pala sya makikita.

I was about to call her name when I realize that she's crying.

She's just standing in the middle of the crowd passing by her.

Bakit sya umiiyak?

Did something happened to her?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lapitan sya.

Without any word, I hug her.

Hindi sya nagreact, instead naramdaman ko ang mahigpit na paghawak nya sa damit ko kasabay ng paghikbi nya.

She's hurt.

I can feel it even though hindi sya nagsasalita.

"Glazy.. nandito lang ako." I whispered to her.

Sa akin..

hindi ka masasaktan.

XOXO

ANOTHER A/N GALING SA MAGANDA NYONG OTOR *_*:

AYAN PO NAG-UPDATE NA AKO.

SANA PO NAGUSTUHAN NYO.

I THINK MAPAPAHABA KO PA 'TONG DDHW. KASE HINDI KO NASUNOD ANG OUTLINE KO.

PERO SANA KASAMA KO PA DIN KAYO HANGGANG ENDING.

LABLAB. COMMENT KAYO HA.

sayonara_chinji

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz