2

54 5 0
                                    


Chapter 2: The Bestfriend's Meow



"Sigurado ka ba?"


Kanina pa ako kinukulit ni Brad kung may ginawa raw ba siyang kababalaghan kahapon. Nagising daw siya kanina sa sasakyan nila. Kwento raw nung driver, ayaw daw ni Brad magpabuhat papasok ng bahay kaya iniwan nalang siya at doon na nakatulog.


Kinuha ko yung kape sa table. "Wala nga, ang kulit naman. Ibuhos ko to sayo eh. Mukhang hindi ka pa gising."


Mukha namang naconvinced siya sa sinabi ko kaya hindi na niya ako kinulit pa.


Niyakap mo ko gago. Gusto kong sabihin kaso ang awkward. First time lang na may yumakap sakin na lalaki. Well, maliban sa tatay ko. Pero, ang awkward kasi talaga pag-usapan. Kapag naiisip ko yun, nandidiri ako. Well gwapo si Brad, at maraming babae ang nagdadasal na makayakap siya, pero kasi iba pagdating sakin. Hindi ako komportable sa mga ganon.


"Brad!" Nalipat yung tingin ko sa lalaking kakapasok lang ng shop. Tumayo si Brad at nag bro-hug sila. "Thomas, akala ko dika na darating. Why so late this early morning?" Umupo yung Thomas sa katabi kong upuan.


"Well, may dinaanan lang ako dyan sa tabi-tabi." Napataas kilay ko sa narinig. I'm sure babae yung 'tabi-tabi' na yun. Mga lalaki nga naman nowadays.


"Thomas, si Laurel nga pala friend ko. Laurel, si Thomas." Nag offer siya ng handshake which is tinanggap ko naman kasi ayokong magmukhang bastos. Mukha naman siguro siyang mabait.


"Kayo ba ni Brad? Are you single?" Letse! Halatang magkaibigan nga sila ni Brad. Napaka straight forward.


"Ehem bro, bawal yan. And hindi kami. Hindi pa kami, we'll get there." Tinadyakan ko sa paa si Brad. At ang loko, tumawa lang. I rolled my eyes cause hindi ako makapaniwalang may clone si Brad pagdating sa personality. At kasama ko silang dalawa sa iisang table. Ayokong magmukhang third party sa kawalanghiyaan ng dalawang ito kaya nagpaalam na akong mauuna na.


"See yeah later, babe." Paalam nung Thomas. Ayokong maging bastos, pero pinipilit nila ako. Kaya bago ako lumabas ng coffee shop, binigyan ko sila ng tipid na ngiti at matamis na matamis na middle finger. They just laughed.


Tinatamad akong maglakad, actually. Pero, parang naka absorb ako ng 100% energy at nalakad ko from coffee shop hanggang sa apartment unit ko. What a miracle. Pagbukas ko ng pinto, si Snowbell agad ang bumungad sakin.


"How's your day Snow?" As if I'm expecting her to answer me, nilapag ko siya sa table and she started to lick my hand. Hinimas-himas ko yung mapuputi niyang balahibo. She likes it very much kapag ginagawa ko yun. Sana nakakapagsalita ang pusa. I hope so. She's my very best friend. Nasa akin na siya nung five years old palang ako.


Madami na ata akong nakwento sa kaniya, mga sikreto kong never kong sinasabi kahit kay Brad. Well, I think it's best na hindi sila nakakapagsalita. Kasi you can tell them anything you want to say, and they'll just give you a sweet but comforting 'meow'. And your secrets are safe.


Dumeretso ako sa kwarto para magpalit ng damit. Gusto ko sanang maligo ulit, kaso naubos na yung 100% energy ko sa paglalakad kanina. Ang OA pakinggan pero nakakatamad talaga. Humarap ako sa salamin sa gilid ng study table ko. Tinignan ko yung reflection ko.



"Laurel, why so pretty?"

"Laurel, why so pretty?"

"Laurel, why so pretty?"



Puta! Tinakpan ko yung tenga ko cause I've been hearing that since earlier this day. Pero nagmukha lang akong tanga kasi nasa isip ko ang mga yon. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Am I pretty?



Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon