Chapter 26: Not Again...

Magsimula sa umpisa
                                    

I slightly opened the door with the chains still on. Sumilip lang ako. He's still wearing the same black long sleeves but this time without his coat.

"What do you need?" tanong ko.

"Let me in, please. Mag usap tayo." pakiusap nito.

Tiningnan ko siya nang masama.

"Marunong ka bang tumingin ng oras? I want to rest now." madiin kong sabi.

"Please, I can't let this day pass ng hindi tayo nag uusap."pakiusap nito.

"Ayaw muna kitang makausap ngayon. Please...you can leave now." pagkasabi ko nun sinara ko agad ang pinto.

"Teka lang..." hinarang nito ang kamay niya.

"Araaaayy!" at naipit siya.

Tatanga tanga kasi. Alam na pasara ang pinto tama bang iharang ang kamay niya. Pero nataranta rin ako. He must be hurt. Medyo malakas ang pwersa ng pagkakasara ko ng pinto. Kaya tinaggal ko agad ang chain at binuksan ko agad ito.

Nakangiwi ito at hawak niya ang kamay niya. Medyo namumula na. I felt guilty sa ginawa ko. Pero pinipigilan kong matawa sa hitsura niya. Parang bata na nagpapaawa. I suppressed my smile. Galit nga ako di ba. Humalukipkip ako. Pero tumabi ako nang konti para bigyan ng space pagpasok niya. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin.

"Akala ko ba gusto mong pumasok? Ano pang tinatayo tayo mo dyan?" nakataas ang kilay kong sabi.

Tahimik siyang pumasok sa loob. Pabalibag kong sinara ang pinto at dumerecho ako sa kwarto ko para kuhain ang first aid kit sa banyo. And I saw him on my bed paglabas ko ng banyo.

"Get up! Hindi tayo dito mag uusap, dun sa sala."

Masyado siyang at home. Nakahiga ba naman sa kama ko. Porke't natulog lang siya sa kwarto ko ng isang beses kung makahiga siya sa kama ko akala mo dun na siya nakatira.

"Baka pwedeng pahiga muna kahit 5 minutes lang. I'm so tired at marami pa akong nainom." reklamo nito.

Tinungo ko ang pinto bitbit ang kit. "Hindi pwede. Dun ka humiga sa sofa."

Aartehan pa'ko. Kumita na yan noh. Ganyan din ang sinabi niya sa akin dati nung hinatid niya ako. The first time he spent the night here. At tuluyan na akong lumabas. Naramdaman kong sumunod na rin siya.

Umupo ako sa dulo ng sofa. Binaba ko ang kit sa center table.

"Here, check what you need. Lagyan mo ng gamot o kahit na ano yang kamay mo." padabog kong sabi.

O kaya ibabad mo sa asido or whatever I don't care. Pero hindi niya ito kinuha. Umupo siya sa gitna. Malapit siya ng konti sa akin. Tahimik kami at tila pinapakiramdaman naming ang isa't isa. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin. Ako naman derecho lang ang tingin. Inaantay ko siyang magsalita but he remained silent.

Umusog siya sa tabi ko. Sumiksik naman ako sa dulo ng sofa. Pinaparamdam ko sa kanya na ayaw ko siyang katabi.

"I'm sorry." sabi nito.

So he's here to say sorry. Napikit ako. Shet naiiyak na naman ako. Kinakausap ko ang mga luha ko. Please don't fall. Ubos ka na diba? Ayokong umiyak sa harap niya. Kahit na alam kong halata sa mukha ko na galing ako sa pag iyak. Pilit kong pinatatag ang boses ko nang magsalita ako.

"For what?" tanong ko.

Pag sinabi kasi ang salitang "sorry" dapat may kasamang paliwanag.

"For everything I've done...but mostly for the things that I failed to do. Please, I want you to hear me out." sabi nito.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon