Nang mapansin niya sigurong wala akong balak kunin ang mga iyon, binuksan niya ang kahon saka kumuha ng isa. Iniumang niya sa ‘kin ‘yon.

“Tikman mo, babyloves. Masarap ‘yan.” Ngiting ngiting sabi niya. Napalunok naman ako. Favorite ko ‘yan, eh! Wala naman sigurong gayuma ‘to, ‘diba? A bite won’t hurt naman.



Matapos ang ilang minutong pakikipagtalo sa aking sarili ay kumagat na ako.Wala, eh. Natalo ng tawag ng laman(pwe, laswa tuloy!) ang matino kong pag iisip. Ang sarap!


“May gayuma nga pala ‘yan, maiinlove kana siguro sa ‘kin niyan.” Naibuga ko naman ang kinakain ko sa sinabi niya. My gosh!

Tinignan ko lang siya ng matalim. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang maya-maya lang ay may pinaglalamayan na ang mga Wilde.


“I’m kidding.” She chuckled. I admit, she’s beautiful, baliw nga lang. Why not find somebody else kasi? Ako pa talaga ang ginusto niya.

Kinuha niya ang kanang kamay ko na nakahawak pa sa tuhod ko at sapilitang ibinigay ‘yong kahon. Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang mga iyon. Ngumiti siya at dumukwang para bigyan ako ng magaang na halik sa labi na siyang ikinamatay ng buong sistema ko.



Nanlalaki ang mga matang nakatingin lang ako sa kanya habang palabas siya ng kotse habang ako naman ay natuod na yata sa ginawa niya. Did she just kiss me?!


Sa pagkabigla ko’y naitulak ko siya. Hindi naman siya nagreact sa halip ay ngumiti lang ulit ito sa akin. Ipinusod nito ang nakalugay niyang mahaba at itim na itim na buhok tapos ay bahagyang tinapik ang kanang pisngi ko kalauna’y pinisil ng marahan.


“Anyway, Honeybunch, h’wag mo na uli akong takbuhan sa susunod, ha. I’ll see you around!” ‘yon lang at naglakad na ito palayo.


Nakatingin lang ako sa papalayong pigura nito nang walang kakurap-kurap.



“She’s crazy.” yumuko nalang ako habang sinasabunutan ang sarili ko sa sobrang prustrasyon.








“WHY NOT give it a try. Wala namang mawawala sa’yo. Ilang buwan mo nang tinatakbuhan ‘yang si Mandy.” Seryosong untag ni Truth.

Matapos ang pangyayaring iyon ay dumiretso ako ng uwi sa bahay. Nagpasya akong matulog dahil napagod ako sa kakatakbo at katatago sa babaeng ‘yon.

Paggising ko, nandito na ang magaling kong kaibigan at kinukulit ako tungkol kay Amanda.

“Are you serious?” sarkastiko akong natawa sa narinig ko.

“You know I’m straight, Truth. Boyish man ako, babae parin naman ang puso ko. Lalaki parin naman ang nakikita kong kasama ko sa pagtanda. My goodness!”


tumayo ako mula sa kinauupuan kong sofa saka tinungo ang kusina para kumuha ng juice at hiniwang mansanas na ilang araw nang nakatambak sa mesa. Sumunod naman sa’kin ang kaibigan ko.

“So what? I mean, kaysa naman takbo ka nang takbo. Malay mo, isang araw, gumising ka nalang na may nararamdaman para sa kanya. Just give her a chance. Kahit isa lang para naman maging fair sa kanya.” Mahabang litanya nito.

Tila napipilan naman ako. Wala akong maapuhap na tamang mga salita na isasagot. I know she got some point but what makes it hard is the fact that I’ve never been attracted to girls. Naupo muna ako sa katapat na silya bago isinubo ang mansanas na tinusok ko ng tinidor.

“Ano, pipilitin ko ang sarili ko?” tanong ko rito habang ngumunguya ako. Ibinaba ko ang tinidor na hawak ko saka nagpangalumbaba sa mesa. Tumingin ako sa kanya at siguradong nababasa na niya mula sa mga mata ko ang sobrang prustrasyon. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sa akin pa nagkagusto ang babaeng ‘yon.

To tell you honestly, Amanda is a good catch. Kahit na maraming nagsasabing playgirl siya, may mga bagay naman na maganda tungkol sa kanya. She’s rich, intelligent, friendly, sweet, caring, and attentive.

She’s gorgeous and did I tell you that she has that body to die for? In short, she can be every man’s dream. So, why me? Babae ako!

  
“Kung ayaw mo naman, diretsahin mo na. Tahasan mong sabihin na wala kang gusto sa kanya. At imposibleng magkaroon.” Sumubo muna ako ng mansanas nang maubos ko ang nasa bibig ko.

“Gusto mo?”

“Kanina ka pa kumakain, ngayon mo lang naalalang mag alok? Grabe ka!” nagkibit balikat lang ako.

Titigilan na kaya ako kung gagawin ko iyon?

HarayaWhere stories live. Discover now