Chapter 42: war between Jam and Cha =(

Start from the beginning
                                    

"eh nagkakagulo na nga tayo eh diba?!?!?!"

"BAKIT SA TINGIN MO BA GINUSTO KO TOH?!?! SA TINGIN MO BA GINUSTO KONG MAGKANDA LECHE LECHE ANG PAGKAKAIBIGAN NATIN DAHIL LANG SA 2 LALAKING YUN?!? DAMMIT JAMAICA!! KUNG ALAM MO LANG ANG RASON KO KUNG BAKIT KO TINAGO SAYO LAHAT!!! *sob*"

hindi sumagot si Jamaica

humagulgol lang si Cha

ano ba talagang nangyayari?

masyado na ba akong matagal na nawala sa kanila

at HINDI KO NA ALAM KUNG ANONG NANGYAYARI!?!

"Jamaica, kilala mo ko *sob* mas gugustuhin kong ako na lang!! ako na lang ang masaktan kaysa ikaw!! *sob sob* ayokong... ayokong maputol ang kaligayahan mo ng dahil sakin..." napaupo na si Cha sa sahig

"lagi ka na lang ganyan Charmaine eh!! kailangan ka ba lalaban???? kailan ka matututong wag magparaya para sa sarili mo?!?! KAILAN!?!"

"NEVER!!!!" nagulat ako sa sinagot ni Cha

pati din si Jam nagulat

tumayo si Cha

"hangga't kaya kong magparaya, gagawin ko para sa ikasasaya ng mga kaibigan ko."

aww

natatouch ako kay Cha

pero

hindi ba mali na yung sobra kang nagpaparaya para sa ibang tao?

hmm

*PAAAKK!!*

oh my ghad!

sinampal ni Jam si Cha

"TANGA!!! ANG TANGA TANGA MO!!! I DON'T KNOW THAT YOU WILL BE SO STUPID CHARMAINE!!" pagkasabi nya nun umalis na sya

"Jamaica." tumigil sya tapos tinignan ako

pero umalis din sya ng walang binibitawang salita

haist!

tinignan ko si Cha

napaupo nanaman sya

haist!

nilapitan ko sya

"Charmaine," tumingin sya sakin tapos tumayo

"Jhai." niyakap ko naman sya bigla

alam kong kailangan nya toh

 "ilabas mo lang,"

hindi sya sumagot pero naramdaman ko niyakap nya din ako at humigpit yun

Ilang minuto din kaming ganun

ngayon andito kami sa ilalim ng puno sa likod ng school

humihikbi sya pero hindi na umiiyak

nakaakbay ako sa kanya

hindi na ako umattend ng class ko

kailangan ako ng kaibigan ko eh

kaya ko namang habulin yung subj. na yun

"Cha, ano bang nangyari? narinig ko kayo ni Jam na nagsisigawan kanina.. sino si Silver? sya yung kaibigan ni Flame diba? at sino yung isa pang lalaki na binabanggit nyo kanina?"

hindi sya kumibo

hinawakan ko yung kamay nya

"Cha."

Meet the Number's Family *Editing!*Where stories live. Discover now