Chapter 1: The Phone Call

32.5K 338 26
                                    

*Chapter 1: The Phone Call*

Jhaime's POV

WAH! Late na ako!! Oh no!! 8:00 ako nagising, 8:35 ang simula ng klase ko. Patay!!!! Nagmadali akong maligo at magbihis tapos kumuha lang ako ng isang tinapay then umalis na ako.

Ako nga pala si Jhaime Anne Bernadette Lopez, 17 years old. Mag-18 na ako sa September 14. 3rd year college, HRM student, scholar at working student.

Anyways, tumatakbo na ako. Buti na lang at walking distance lang ung school ko. Haist! Tinignan ko yung relo ko at nanlaki ang mga mata ko waaah!! 15 minutes na lang magtatime na!! Patay na talaga!! Pasaway na bata kasi ako!! Naku!!

Takbo pa Jhaime!! Takbong kabayo Jhaime!! Takbo lang ako ng takbo. Buti nga at walang tao sa daan eh. Biglang may bumusina sa akin. Napatalon naman ako sa gulat. Sino ba tong hampaslupang ito?

"Hoy ikaw napakawalang mo..do--" hindi ko na tuloy ung sasabihin ko dahil nagulat ako nung nakita ko kung sino ang bumusina sa akin.

"JOHAN??!!" ngumiti lang sya sa akin. Johan Timothy Sparks, 18 years old, HRM din ang course nya. Gwapo, mabait, gentleman, matalino, name it!! Hehe! Ano ko sya?

Boyfriend ko :) Yup, boyfriend ko sya. 1 year and 6 months na kami and going strong ang aming relationship.

"Jhai, sorry hindi ko kasi napansin na andyan ka. Bakit ka kasi sa kalsada tumatakbo? Sakay na dali!"sabi nya. Sinunod ko naman sya. Sumakay na ako at pagkaupo ko, tumingin ako sa kanya.

"Akala ko kung sino na ang muntik makabangga sa akin. Sorry din kung nasigawan kita."sabi ko

"Ok lang yun." sabi nya habang nakangiti. Hinalikan ko sya sa pisngi at pumunta na kami sa school. Hay! Buti na lang at dumating si Johan. Hindi na ako malelate, I hope. 10 minutes pa before time.

Nung nakarating na kami sa school at pagkapark nya bumaba na agad ako, "Bye Hun maya na lang! I LOVE YOU!"sigaw ko habang tumatakbo, kumaway lang sya then pumasok na ako sa loob at tumakbo nanaman. Hingal na ako! Buti na lang at wala kaming uniform, kahit ano pwedeng suotin. Nakakapagod na shet naman!! Sa kakatakbo ko, hindi ko alam na may mababangga na pala ako.

*BOGSH*

OUCH! Ang sakit nun ah! Buti na lang at hindi masyadong malakas yung pagkakabunggo.

"So-sorry po." sabi ko. Hindi na ako nagbother na tumingin sa kanya. Maglalakad na sana ako nung bigla syang nagsalita.

"Be careful next time. This is not a playground for you to just run around." sabi nya tapos umalis na rin. Ang sungit!!

"SUNGIT!!" sigaw ko tapos tumakbo ulit ako hanggang sa makarating ako sa room. Hay! 5 minutes pa! Buti naman at nakaabot ako! Pumasok ako sa loob.

Nakita ko si Charmaine at Jamaica nagu-usap, napatingin sila sa akin ng binuksan ko yung pinto.

"JHAIME!!!!"sigaw ni Charmaine tapos niyakap ako.

"Cha (Sha) ano ka ba parang hindi ka laging tumatawag at pumupunta sa bahay ah."sabi ko tapos bumitaw sya.

"Hehe! Sabi ko nga eh."

"Buti at naka-abot ka."sabi ni Jam. Umupo na ako at nagpahinga.

"Naman!!" sila ang BFF's ko. Si Charmaine Marie Villareal at si Jamaica Faustino. Childhood bestfriends ko sila pero sa aming tatlo, ako lang ang may boyfriend kasi kakabreak lang nila sa boyfriend nila. Nagsasawa na daw sila eh. HAHA! Umupo na sila nung dumating na yung prof.

 **

Dismissal

"Yey!! Uwian na." sabi ko tapos inayos ko na yung gamit ko, nung natapos na ako tumayo na ako at nagpaalam sa kanina, "guys una na ako ah."

"Ok! Ingat ka." sabay nilang sabi. Tumango lang ako at nagwave sa kanila at umalis na. Teka may naalala ako, yung nakabangga ko kanina hindi ko pala nakita ung mukha nya yung likod lang. Hm sabagay, di naman talaga ako nagbother na tignan X

Pero sino kaya yun? Hm.. Anyway bakit ba yun ang iniisip ko? Umiling na lang ako para mawala yung iniisip ko. Naglakad na ako palabas ng university hanggang nakarating ako sa apartment ko. Pagkadating ko doon, nilapag ko agad yung gamit ko sa mini sofa then inihagis ang sarili sa kama.

"Hay!! Kakapagod!!" sabi ko at nagpagulung-gulong sa kama. Nageenjoy ako sa paggulung-gulong ko nung biglang nagring ung phone ko. Kinuha ko naman yun at tinignan ang caller.

Calling.....

Mommy^^

Eh? Si Mommy? Bakit kaya? Sinagot ko.

"Hello?"

(Anak may sasabihin ako sayo at hindi ka pwedeng umayaw.) bungad ni Mommy. Kinabahan naman daw po ako.

"Ok, ano po ba yun??"

(Simula bukas lilipat ka na sa bahay ng Tita Agnes mo.)

"Ah yun lang- ANO PO?!" hala!! Kala Tita Agnes? Bakit dun pa?!

(Oo. Dun ka na muna titira.)

"P-pero Mommy diba nga sabi ko sa inyo gusto ko maging independent? Kaya nga ako umalis dyan eh, tapos ngayon papatirahin mo ko sa bahay ni Tita? Ayoko Mom. Puro lalaki ang nandoon."

(Dati yun, nandun na sila Emerald. Sa ayaw mo man o sa gusto mo my decision is final. Sinabihan ko na ung restaurant na pinagtatrabahuhan mo na leave ka ngayong gabi. Mag-ayos ka na ng mga gamit mo dahil bukas ka na lilipat. Naiintindihan mo ba ako?)

"But Mom-"

(No buts. At nga pala kasama ko yung Tita Agnes mo pati si Tito Francisco mo sa ibang bansa. 2 buwan kami doon kaya maiiwan ka sa bahay nila.)

"What?!"

(Oo, so act like a lady!)

"Pero Mom-" bago pa ako makapagsalita, binabaan na ako ng telepono. WAH!! Ano ba yan!! Nakakainis naman eh! Ayoko doon! Puro lalaki dun. Imagine 8 lalaki ang makakasama ko sa iisang bubong! Pero sabi ni Mommy nandun na daw sila Emerald, babae naman siguro yun? Pero hell!! Kung babae man sila aba! Malamang bata pa yung mga yun!

Ghad!! Ano na lang mangyayari  sa akin??? Nakakainisssssssssssssssssss!!!! >_<

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon