Three

14.3K 251 20
                                    

"Come again?" Tumaas ang kilay ko.

"Wala..." sagot niya.

All through out that night, naroon lamang kami sa karederyang iyon. Hindi ko naman alam ang i-to-topic dahil hindi naman kami close. Siguro kung may pag-uusapan man kaming mahaba, iyon ay tungkol lang siguro sa pagiging kolokoy niyang bestfriend sa kapatid ko.

Skateboard? Hindi rin... Wala akong alam sa mga ganiyan ng mga lalaki. Basta't ang alam ko lang ay mamamatay ako pag tinry ko iyan.

Stop texting me, please. We're over.

Pikit mata kong ni-click iyong send. That was a redundant message. Iyon lagi iyong nirereply ko sa tuwing tinitext pa ako ni Vince. Kahit ngayon nga na isang linggo na ang lumipas simula no'ng break-up namin.

Naiirita na ako. Paulit-ulit niyang sinasabi na kailangan naming mag-usap. Ayoko na. Ngayon pa siya magpupursige gayong wala na kami?

Gano'n kasi ang karamihan sa mga lalaki. Kung kailan huli na ang lahat, saka sila maghahabol. Kailangan munang dumaan sa heartbreak bago nila marealize ang pagkakamali nila.

"Ate..." Lumapit sa akin si Estian. May dalang drawing book at crayons. Sumampa siya sa sofa para maupo sa tabi ko.

He showed me his work. It wa a bit messy figure draw... of a man carrying a girl. Ang mga zigzag na inaapakan nila ay hula ko'y isang hagdan. May isang bata sa tabi nila. Hmmm... he's still three kaya't ayos lang naman na ganito pa kagulo ang guhit niya. He loves to show me first his work. At dapat laging possitive ang feedbacks ko, dahil kung hindi ay magagalit siya.

"That's very... Interesting," nag-aalangan kong sabi.

"This is me." He pointed the small guy beside the two. Nagtataas-baba ang kaniyang kilay at malawak na nakangiti sa akin.

"Uh, how about these two? Who are they?"

Hindi siya sumagot. Instead, sinundot niya ang aking tagiliran using his crayon. "Yieeee!"

Pagkatapos ay humahagikhik itong bumaba sa sofa. Napa-iling na lamang ako at binaba iyong cellphone ko. Sa dining area ay naroon na pala ang aking mga kapatid at ako na lamang ang inaatay sa hapag.

Pansin kong nakabusangot si Justin. Medyo magulo ang buhok at namumungay pa ang mga mata. Late siya laging nagigising kapag walang pasok. Usually, kung hindi normal ay goodmood naman siya tuwing gising niya. Ano naman kaya ang problema nito? Nag-away kaya sila ni Diane?

"Drama ng mukha mo, a?" Sabi ko nang hindi nakatingin. Pumwesto ako sa gitna ni Jayvee at Sebastian para maasikaso ko ang dalawa ng mabuti. Sinimulan ko sa paglalagay ng kanin sa kanilang plato.

Umiing si Jayvee. "I don't want that."

Hay, heto nanaman tayo. "Masarap ito," umiling parin siya at tinukak palayo sa kaniya ang kaniyang plato. "Jayvee, isa! Kakainin 'to ng mumu, gusto mo?"

"Edi kainin niya!" He pouted.

Napabuntong hininga ako. "Ate Nida, paki gawan nalang ng sadwitches si Jayvee." Utos ko sa aming katulong.

Hinidi kumukuha ng matandang katulong ang mga magulang namin. Hangga't kung maari ay mga bente pataas ang edad. Paano ba naman kasi'y nag-aalala silang baka pag matanda, e atakihin nalang bigla sa puso iyon dito. Baka hindi makayanan ang katigasan ng ulo ng mga kapatid ko.

"Tama na iyang kadra-drawing mo." Kinuha ko kay Estian iyong drawing book at krayola niya. "Mamaya na iyan kasi kakain pa tayo."

Mabuti na lamang at hindi na siya nagmatigas pa. Masaya niyang sinubo iyong fried rice na nilagay ko sa kaniyang plato.Nang matapos kaming kumain ay nag kaniya-kaniya na kami ng gawain. Busy-busyhan, ganern. Si Estian ay pinagpatuloy ang kaniyang pagdra-drawing. Si Jayvee naman ay nilalaro iyong bagong biling laruan ni Mama para sa kaniya. Si Justin naman ay nasa kuwarto niya. Ako naman ay kasalukuyang nagbabasa ng hollywood magazine.

Younger (R-18)Where stories live. Discover now