One

23.1K 296 27
                                    

I'm still young ngunit para bang sobra na ang hirap ko. Not financially, my father's a politician. My mother's a lawyer. We live a nice life. Iyon nga lang, dahil nasa politika si papa, napepressure ako bilang panganay. Kailangan ganito-ganiyan. Dapat mahinhin, mabait, palangiti at wala akong magawa kundi ang gawin ang lahat ng iyon.

Dagdag sakit sa ulo rin itong tampuhan namin ni Vince. He won't answer my calls! Minsan ko na ngang lunukin ang pride ko, ngayon pa siya magmamatigas? Ako na nga ang humihingi ng tawad kahit hindi ko kasalanan, tapos ganiyan pa siya?

Niyugyog ko ang aking paa, nang sa gano'n ay matanggal na itong aking sapatos nang hindi ko ginagamitan ng kamay. Masyado akong pagod para pagtuunan pang hubarin ang aking sapatos.

"Ate!" Humahangos na lumapit sa akin si Justin.

Kinse anyos na ito at mas nakababata sa akin. May mas nakababata pa akong kapatid, iyon ay si Sebastian at Jayvee. Si Sebastian ay ang aming bunso na tatlong taong gulang samantalang apat naman itong si Jayvee. Ako ang panganay, it sucks I must admit. Saway dito, saway doon kahit na may mga katulong naman.

"Si Estian, umiiyak!"

Napabuga ako ng hininga. Sabi na, e.

"Ano ang gusto mong gawin ko, aber?" Binato ko siya ng throw pillow. "Ako nalang ba lagi? Nasaan si ate Melissa? O ikaw? Bakit hindi ikaw ang magpatahan sa kaniya?"

Tatawa-tawa siya nang walang kahirap-hirap niyang inilagan iyong throw pillow na tinapon ko sa kanya.

"Bakit? Ako ba ang ate? Sino sa ating dalawa ang may dede?"

"So you want me to breastfeed him? He's fucking three! Why would I do that?"

"Sinabi ko ba'ng padede-in mo? Sabi ko lang may dede ka. Kung ano-ano ang iniisip mo."

My cheeks heated. "Justin!"

Nanakbo na ito bago pa man maabot ng itinapon ko muling throw pillow. Alam na alam niya talaga kung kailan ako be-bwesitin.

Tila nagkaroon ako ng enerheyang tumayo at hinabol siya. Nakita kong nakapamaywang na siya sa harap ng aming bunsong si Sebastian.

"'Wag ka na ngang umiyak! Hindi ako makagala dahil sa'yo, e." Humalukipkip ako. Bumaling siya kay Jayvee na ngayon ay tumutulong na rin na patahanin si Estian. "Oy, ikaw..." tinuro niya ito. "Bantayan mo 'to, ah? Balik ako. May gagawin lang ako sa labas."

"Sir Justin, ang bilin ng iyong Mama't Papa ay huwag daw kayong lalabas," magalang na sabi ng aming katulong na si Kulot. Nandyan naman pala siya, bakit hindi niya magawang aluhin ang kapatid ko?

"Justin!" Lumapit ako sa kanila. Pansin kong naka-gear up na ito. May helmet, may knee at elbow pads, at sa kaniyang kaliwang kamay ay may hawak na skateboard. "Saan ka pupunta?"

"Diyan lang..."

"Saan? Saan?" Dahil binebwesit niya talaga ako ay piningot ko siya sa tainga. "Saan, ha?" Ulit kong tanong.

"Ate, diyan lang!" Hinawi niya ang kamay ko at mabilis na umiskapo. Tumakbo naman ito palabas ng bahay.

"Aba't..." Napahilot na lamang ako sa aking sentido. Ang hirap talagang maging ate sa may malabatong ulo na kapatid. Ako pa man din ang babae kaya hirap na hirap ko silang sawayin, hindi naman natatakot. Lalo na iyong si Justin.

Kinarga ko si Estian, "Shh... tahan na. Ano ba'ng gusto mo?"

"Tintin..." Sinisinok-sinok pa siya dahil sa kaiiyak.

"Huh?"

"Justin stole his board." Sabi naman ni Jayvee na ngayon ay abala naman sa pagtatali ng kanyang sapatos. Hindi niya magawa ng maayos kaya tinulungan ko siya.

Younger (R-18)Where stories live. Discover now