Two

15.9K 300 36
                                    

Alas syete pa lamang ng gabi kaya't naisipan kong manatili nalang muna sa aking terrace at doon, pinatong ko ang aking baba sa aking nakakuyom na palad at tiningala ang gabi.

Ang sakit ng ulo ko. Hapon na nang magising ako. Buti nalang at walang pasok dahil weekend. Kahit naman may papasok, hindi ko naman pipilitin ang sarili ko na pumasok sa eskwela dahil talagang masakit ang ulo ko. Ganito pala ang pakiramdam ng may hang-over. Hindi na ako uulit na pakialaman ang mga inumin ni Papa. Hindi pala kaya ng sikmura ko ang mga ganoon.

My phone beeped. Hindi ko na kailangang hulaan pa, I know this is Vince. Kanina pa ako nakakatanggap ng mga mensahe niya but I won't budge to read one by one.

Masyado pang wala sa katinuan ang isip ko para makipag sagutan sa kaniya. Alam ko namang mauuwi rin kami sa ganoon.

Napakunot ang noo ko nang makita ang pigura ng tao sa harap ng aming malaking gate. Kita ko mula rito sa aking kinatatayuan.

Nang makita ko ang dala-dala nitong skateboard ay awtomatiko akong nagmartsa palabas ng aming bahay.

"Ako na," sabi ko sa aming katulong nang akmang lalabas din siya nang tumunog ang aming doorbell.

Binuksan ko ang aming gate. Ngunit maliit na siwang lamang na sapat lang para masilip namin ang isa't-isa.

"Ano'ng kailangan mo?" Pabalang kong bungad.

I don't really feel good seeing this kid. I don't hate him, I just don't like him. There's a big difference.

"Si- "

'Di pa man niya natutuloy ang sasabihin ay inunahan ko na siya."Wala rito." Akmang pagsasarhan ko siya nang iharang naman niya ang kaniyang kamay sa hamba ng pinto. Nataranta ako at agad kong tinamoal ang kamay niya. "Gago ka ba'ng bata ka? Paano kung naiipit ka?"

"Si Justin?"

"Wala nga! Natutulog na!"

"Ang aga pa, a?" Sinulyapan niya ang kaniyang relo. Pansin kong mamahalin ito at uso sa mga kaedad ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang suot... Maporma siyang binata. Laging nakaayos ang buhok at may hikaw sa kabilang tainga. Kung tutuusin ay sapat na ang kaniyang itim na relong palamuti sa kaniyang katawan.

Pero iba ang dalang awra niya sa hikaw niya ring itim. Katulad ng kapatid ko, paniguradong habulin din ito ng mga babaeng kaedad lang rin nila.

Mga kabataan kasi ngayon, basta swabe ka raw manamit at astig pomorma sa babae at tipong badboy, pasado ka na sa standards nila. Lalo na kung guwapo pa. Mga Oppa daw, tangina. Iyon iyong tawag no'ng baklang Dora sa youtube.

"Bakit ba? Saan mo nanaman ba dadalhin ang kapatid ko?"

Inangat niya ang kaniyang dalang board. "Kasali kami sa SKB Camp,"

"Paki ko?"

"Nagtanong ka." His thick brows shot up.

"Well..." humalukipkip ako upang pagtakpan ang pagkapahiya. Nahihirapan akong pagmalditahan siya. Imbes na siya kasi ay ako ang nai-intimidate sa kaniya. Kung makatingin kasi siya ay parang nakikipag-usap lamang siya sa kaedad niya. Hindi siya nag-iiwas ng tingin kahit na masama ang timpla ko sa kaniya.

"Baka mapano ang kapatid ko. Lagot ako kina Mama,"

Nagkibit-balikat siya. "Edi bantayan mo. Hindi naman matataas ang mga ramp. Ba't ka ba nag-aalala?"

"Kasi, ako ang ate. Okay? Responsibilidad- "

Tinaas niya ang kaniyang hintuturo. Awtomatikong napatigil ako sa pagsasalita kahit na malayo naman iyon sa aking bibig.

Younger (R-18)Where stories live. Discover now