C23: Obsessed

Magsimula sa umpisa
                                    

Napayuko na lang ako habang nilalaro ang mga daliri ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Mama kapag nalaman niya ang mga nangyayari sa akin sa school. Magagalit ba siya? Ayokong magalit sa akin si mama.

"Mukhang hindi po kayang sabihin sa inyo ni Denise na araw araw siyang binu-bully ng mga kaklase niya. Emotionally and physically. I'm sorry po Mrs. Villaverde kung wala akong nagawa para sa kanya."

Napatayo si mama at marahas na ihihampas ang dalawa niyang kamay sa lamesa ng principal. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Mama.

"Alam nyo ba ang sinasabi nyo?! Nung ipinasok ko siya sa school na to, responsibilidad nyo na rin siya! Pinagkatiwala ko ang anak ko sa inyo! Akala ko ... akala ko maayos pa siya rito. Bakit wala kayong nagawa ha?! Anong klaseng principal ka?!"

"Kaya nga po humihingi ako ng patawad sa mga nagawa ng mga estudyante ko at sa mga di ko nagawa. I'm really sorry." Tumayo ang principal at yumuko kay Mama.

Umupo na si Mama at hinawakan ang kamay ko. Wala siyang sinasabi pero ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya. Itinayo niya ako at muling humarap sa principal.

"Mauna na kami, Sir. Iaalis ko na siya sa school na to." Muling hinawakan ni mama ang kamay ko at tumingin sa akin habang nakaupo ako. Na para bang tinatanong kung sasama ba ako o hindi

"Mama---" Gusto kong sabihin na ayaw ko pero tinitigan lang niya ako na nagpapigil sa akin sa pagsasalita.

Lumabas kami sa principal's office at naglakad papalayo. Hindi ako kinakausap ni mama. Kinausap niya ang guard upang kuhanin ang bag ko sa classroom. Nakayuko lang ako hanggang sa nasa may grounds kami. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nanatiling nakatayo.

"Anong problema, anak?"

"Bago ako umalis, may tao lang akong kailangang makausap."

Nasan kaya si Ash? Gusto ko siyang makausap... gusto kong magpaalam. Si Andy sana kaso alam ko namang ipagtatabuyan lang ako nun eh. Magmumukha lang akong tanga sa harapan niya.

"Sige anak. Hihintayin kita sa labas." Inabot ng guard kay Mama ang bag ko. Ngumiti siya at umalis na palayo.

Mabilis akong naglakad papunta sa classroom pero wala ng tao doon. Nakataob sa iba't ibang parte ng classroom ang mga upuan pati na rin ang mga libro. Naglakad ako palabas ng classroom ng may nakita akong maliit na patak ng dugo. Bakit may dugo rito?

Lumabas na ako ng classroom at hinanap ko pa rin si Ash. Nang napadaan ako sa first floor ay nasalubong ko si Philip na kagagaling lang sa clinic.

"Anong nangyari?"

"Nagkagulo kanina nung umalis ka."

"Nagkagulo?"

"Si Andy at Ash, nagbugbugan. Si Ash nasa loob," tumingin siya sa pintuan ng clinic. "Si Andy nasa covered court, ginagamot siya ni Alex dun."

Nakatayo lang si Philip habang tinititigan ako na para bang nagtatanong kung sino ang pupuntahan ko sa kanilang dalawa. Napa-buntong hininga ako at tsaka tumakbo papunta sa covered  court.

Hindi ko alam kung bakit ganito... si Andy... ba't mas nag-aalala ako sa kanya? Pero tama lang naman tong gagawin ko di'ba? Wala kaming relasyon ni Ash. Mas kilala ko si Andy. Best friend ko pa rin siya.

Hingal na hingal ako nang nakarating ako sa covered court. Nakita ko si Andy na katabi si Alex. Imbis na ginagamot ay nakita ko silang nag-uusap. Sigurado akong seryoso ang pinag-uusapan nila. Gustong maglakad palayo ng mga paa ko ngunit sadyang ayaw sumunod ng isip ko. Nanatili pa rin akong nakatayo roon hanggang sa narinig kong tinawag ni Alex ang pangalan ko.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon