Chapter 50: April Fools

17.6K 71 2
                                    

"Go back where you belong! Hindi ka nababagay dito!" 

"But this is the place where I suppose to be. I'm belong with you." Ayan nanaman siya e. Hindi ko na alam yung gagawin ko sakanya pero kamot na kamot na 'ko dahil nandito siya. Bakit kasi niya kailangang umupa dito e.

"Alam mo, may mas maganda kapang uupahan kesa dito, mas prestigious, mas luxurious, mas comfortable to deal with it. Kaya lumipat ka nalang." Nagcross arms naman ako sakanya nang sinabi ko yun sa harap niya. Siya din naman nagcross arms sa harapan ko at ginagaya ang ekspresyon kong mataray na para bang ngumingiti ngiti. Nilagay naman niya ang noo niya sa noo ko nang bigla pang kumunot ang noo ko.

"Hoy! Wag mo akong ginagaya gaya diyan! Seryoso ako!" Tumatawa tawa naman siya nang sinabi ko na yun. Nakakainis talaga 'tong taong to! Is he even a person? No! He's a Peeler Jerk remember? "Peeler Jerk! Akala mo mahuhumaling ako sa mga tingin mo? HMPT!" Ako na ang unang naglayo ng noo samin at tinuloy naman ang pagpupunas ng lamesa. Talagang sinusundan niya talaga 'ko!

"Kasi naman, kung ikaw nalang kaya lumipat sa sinasabi mong.... PRESTIGIOUS! LUXURIOUS! COMFORTABLE! Hahahahahaha!" At talagang sinamahan pa niya ng wave yun ah? Feel na feel pa niya. Napatawa naman ako ng onti sa ginawa niya but instead, I just chuckled with a weird tone on it. Napangiti ang tawa ko sa biglang pagkainis kong chuckled. Para hindi niya mahalata.

"Huh! Hindi mo ba alam na mas nauna ako dito?! At ikaw nalang kaya ang lumipat! Hindi ka bagay dito. At sinabi mo pang tubero ka! What are you, a perfectionist or something?" Mas tinarayan ko naman siya nang narinig ko na parang nalalaglag na ang tubig sa lababo ng pinaghuhugasan niya.

"Certainly am." Kinindatan niya ko nang dinaanan niya ako. Grrrrrrh! Edi siya sa tubero! "Gusto mo, tanggalan din kita ng bara? Bara sa ilong? Hahahaha! Para kasing pigil na pigil yung usok diyan sa ilong mo e" at dagdag na asar pa talaga niya sakin. Hindi na nga talaga ako makapagpigil sakanya!

Pinagpatuloy ko naman ang pagpupunas ko ng lamesa habang yung basahan ay parang napiga na ata yung maduming/maitim na katas nito sa sobrang gigil. Bakit ba niya ginagawa sakin 'to? Pa'no nalang kung sabihin niya kay mama yung tungkol sa summer class ko?

Matapos ko punasan ang lamesang pinaggigigilan ko ay binanlawan ko na din iyon ng tubig. Naghugas na rin ako ng kamay at binanlawan na din ang basahan na hawak ko. Gusto ko nang magpahinga sa sobrang gigil. Nakita ko ang dalawang babae na nanunuod lang sa sala habang nagkukwentuhan kaya naman umakyat nalang ako para magpahinga. Naglakad ako sa maliit na daanan ng hallway sa taas. Hile-hilera ang mga pintuan dito nang matanaw ko ang kwartong gusto kong makita. Ang 'Peeling kwarto' ni Phyllis.

Hinawakan ko ang door knob ng pintuan niya at tahimik na inikot ito para buksan ang pinto. Unti unti ko namang binuksan ang kwarto niya at nakakita naman ako ng isang nilindulang lugar sa kwarto na iyon. Sobrang kalat!

 

I can barely see his underwear on the ground. And even worst, puro papel pa ang nasa sahig. Ano ba 'tong kwarto niya, parang pinagpyiestahan ng mga rapist! Pero bakit ganito siya kakalat? Para siyang baboy kung matulog. Tapos nakita ko pa yung ibang mga damit niya ay nilagay niya lang sa kama at yung maleta niya ay nakahilata lang sa sahig. Gusto ko na sanang umalis sa sinisilipan kong kwarto pero hindi talaga ako makapagpigil sa sarili ko.... Gusto kong linisin yung kwarto niya!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt