Chapter 7: Positive Negative

66.2K 472 24
                                    

"Magaaral para mahalin ka" napatingin naman ako nung sinabi niya sakin yon. Ang peeler talaga niya! Pambalat nga talaga ng patatas! Well not me! I'm not that potato! Kalokohan nitong lalakeng to e no?

"Mag-aaral na nga e. Mamahalin kasi kita kaya ako mag-aaral" at kinindatan naman niya ko. PSH! Hindi niya ko madadaan sa kakakindat niya! Akala naman niya may gusto ako sa kanya. Isa lang naman siyang dakilang Peeler at proud siya dun.

"Bahala ka nga jan! Dito na tayo sa coffee table niyo! Maupo nalang tayo dito sa sahig" pagaya ko naman sa kanya nang kinuha na rin niya yung bag niya para kumuha ng gamit para sa pag-aaral namin. Ang gulo-gulo lang ng gamit nito sa bag. Pang-elementary talaga! Biruin mo, ang burara sa gamit. Puro tupi na yung notebook niya at ang mga cover nito ay mapupunit na. PSH

"Pati ba naman pag-aalaga mo sa gamit mo hindi mo magawa! Isip elementary ka nga talaga no?" pagrereklamo ko naman sa kanya nang bigla naman siyang nagseryoso.

"Isip elementary man ako pero kung alam mo lang, sinusubukan ko ang lahat para lang malagpasan ko 'to." napatigil at napasulyap naman ako sa sinabi niyang yun sakin. Ngayon lang siya naging seryoso sa akin at yung sinabi na niya ata ang pinakagusto kong sinabi niya saakin simula nang magkakilala kami.

"Masyado ka namang seryoso. Kumuha kana ng papel" tinapik ko naman siya sa braso at parang inasar-asar ko pa ang boses ko. Para namang maiwasan ang pagiging seryoso namin dito no? Okay naman pala tong taong to e. Sadyang ilang beses lang talagang pinanganak ng nanay niya sa sobrang ligalig! Parang bata talaga ang pagkaligalig!

"Stunned?" bigla naman niyang seryosong sabi sakin. Napataas nalang ako ng kilay sa sinabi niyang yun. What does he mean?

"Hahahahaha! I knew you were stunned by that serious reaction of mine! That's why I like you!" at bigla naman niyang piningot ang ilong ko na sobrang diin! Ang sakit! Akala ko ba naman totoo na 'tong lalakeng to! Sarap lang batukan!

"O siya! Nakakailang asar kana sakin ah? Negative plus negative nga ano?" sinasabi ko na nga ba pinaglololoko na naman ako nitong lalakeng to e!

"Positive! Sinabi ko na nga sayo na may nakatagong 1 jan sa negative! Di ba tama naman ako?" pagdedebate nanaman niya sakin pero kakausapin ko nalang siya ng maayos. That's what good tutor does.

"It's a negative. I said plus not times" kinorrect ko naman siya pero parang ayaw pang magpatalo o? Tsk tsk magaling daw siya e.

"It's a positive! Like signs are positive" ang kulit talaga nitong lalaking to e no? Sinabi nang mali siya e. Nagmamarunong pa. "Kapag addition nga negative! Multiplication ang positive!" kinorrect ko naman siya at tumango nalang ito. Ang kulit-kulit naman kasi e. Magaling daw siya. Then fine.

"Next. What is like signs" sunod na tanong ko naman sakanya. Tingnan nga natin kung alam niya. Kung hindi niya pa alam to grabe! Hindi ko na alam kung anu nang gagawin ko dito sa lalaking to. Kakasabi niya lang e. Alam na niya to.

Nakita ko namang nagiisip pa siya sa sasagutin niya. Ang lalim pa ng iniisip niya. Bakit pati ito hindi pa niya alam? "L-like signs? S-sa facebook yun diba?" napa-face palm nalang ako sa sinagot niya sakin. Oh GOD why?

"Kakasagot mo lang kaya ng sagot" sabi ko sakanya ng may pagtataray sa pagsasalita ko. Kasi naman tong lalakeng to e! Ang tanda-tanda na hindi parin nakakagraduate ng elementary!

"Tama naman yung sagot ko diba? Like signs is in facebook. Am I right?" tumango nalang ako sa kanya. Nakakahiya naman e. Baka mamaya kung anu na namang bunganga ang gawin nito. Pero parang lagi naman niya kong niloloko.

"Nanggo-good time ka na naman ah?"

"Ha? Bakit ano'ng meron?" sagot naman niya na parang wala siyang kaalam-alam. Papilosopo effect pa! "Like signs in algebra I meant! Hindi facebook! Sinagot mo na nga kanina yung sagot hindi mo pa nilinaw" sagot ko naman sa kanya na parang alam na niya yung sagot.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant