Chapter 11: F na F

45K 319 29
                                    

"Ikaw ang gusto ko" bigla naman akong napatakip ng bibig nang sabihin ko sa harap niya yan! Bakit ba sa dami dami ng mapagdudulasan, bakit sayo pa? Hindi parin maalis ang magkabigla ko sa sarili ko at patuloy pading bumabagabag ang mga sinabi ko sakanya.

"Hahahahahahaha!" muli naman niya kong tinawanan. Hay buti naman hindi niya sineryoso. That was to close. Nakangiti nalang ako sakanya ng papilit. Pero sobra talaga akong kinabahan dun. "Yung totoo? Sige una na ko ah?" muli naman siyang nagpaalam sakin nang biglang pumasok si Phyllis sa room. Bigla ba naman akong kinindatan at sinenyasan ako?

Umupo naman si Phil sa mga kaklase ko habang ako naman ay umupo lang sa harapan nila. Bakit ba sa dami dami ng makakatapat ko sa pagupo ko, ay si Phil pa? He seems so depress. He totally changed! Anu ba kasing meron sakanya? Ayoko namang magtanong kay Jeff kasi baka mamaya asarin nanaman ako dun na hopeless romantic ako sakanya.

"Skype! Cooperate us!" tumango na lamang ako sa pagsigaw ng prof namin kaya naman pumunta na ako sa kadebate team ko. Nanatiling umupo lang naman ako malapit kay Phil habang ang mga ibang kaklase ko naman ay nakatayo, sinusuportahan ang mga nagdedebate.

Wala naman akong nagawa kundi ipasok nalang sa tenga ko ang earphones ko para makinig ng music. Alam kong hindi magsasalita tong lalakeng to hangga't wala akong sinasabi. Ganun siya kaseryoso ngayon. Remember? Peeler nga diba? Baka sinasabi na niya sa isip niya na kakausapin ko siya dahil may gusto ako sakanya.

"Papili nga ng kanta" Totally Peeler! Nagulat nalang ako nang bigla niyang kinuha ang isang ear piece ng headset ko at kinuha niya ang MP ko. NakapaPeeler na seryoso tong lalakeng to. Hinawakan ko naman ng mabuti ang MP ko sa kadahilanan ng ayaw kong ibigay to sakanya. Ano siya sineswerte? Woooo!

Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa MP ko hanggang sa nagulat nalang ako dahil hinawakan nalang niya ang kamay ko sa pagkafist ko. "Anong ginagawa mo!" nanlaki ang mga mata ko sakanya at bigla ko namang binigay ang MP ko sakanya.

"Fine ayan na" nakakatamad na bigay ko sakanya. Hay! Pero namiss ko ang kakulitan niya. Kahit na sobrang seryoso niya, nagagawa padin niya kong kulitin. Bumalik ang isang Peeler Jerk na nakilala ko. But more mature. Pumili naman siya ng kanta sa playlist ko nang bigla niyang ilipat ang WOLF na kanta ng EXO.

"Bakit ayan? F na F ko na nga yung kanta kanina e!" pagrereklamo ko naman sakanya. Kasi naman! Nilipat ba naman sa wolf na kanta. Pangdrama na nga yung kanta kanina e. Maiiyak na ko nang mas lalo pa kong maiiyak sa galit sakanya! Bumalik na ulit ang hateness ko sakanya!

"F na F? Feel na Feel? Hahahaha!" sinubukan pa niya kong asarin sa lagay na to ah? "Frustrate na Frustrate! Nakakaistress ka!" biglang sigaw ko naman sakanya nang nakuha ko naman ang buong attention ng mga kaklase ko. Nakakahiya! "Diba sabi ko makioperate kayo dito? Anung nangyayare jan? Mr Rocke Mr Tenefrancia?" napaface palm nalang ako sa mga nangyayare ngayon. Nahuli tuloy ako! Nakaka F na F naman kasi tong lalakeng to e!

Wala namang sumagot samin ni Phyllis sa mga nangyayare ngayon. Hanggang napayuko nalang kaming dalawa sa mga nangyayare ngayon. Ipapahamak naman kasi ako nitong lalakeng to e! Bumalik nanaman ang dating Peeler-Potato Syndrome!

"Both of you got a F on this activity! Now out!" wwww-what?! Makikipag-buts pa sana ako sa prof namin pero bigla na akong hinila ni Phyllis na palabas ng room! Nakakainis naman tong lalakeng to! Kinaladkad nanaman niya ko! Pumiglas naman ako sa pagkahawak niya sa wrist ko at lumapit naman ako sa Prof namin.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now