Chapter 25: Unmutual Feelings

27.7K 131 8
                                    

Napayakap naman ako sakanya nang mahabol ko siya sa kakatakbo niya. Hiningal din ako nun ah? It takes 5 mins bago ko siya nahuli. Tumawa naman siya sa pagkakahuli ko sakanya nang bigla kong tinakpan ako bibig niya sa kakatawa.

"A-anu ba hahah----" biglang pagtakip ko naman sa bibig niya at sumilip kami sa may cafeteria. May narinig kasi akong hindi kanais nais.

"As in sila na?! Eh pano na tayo?" narinig ko namang reklamo ni Jeff. At mismong kay Kayley niya pa sinabi. Nakakapagtaka lang, bakit hindi sinabi sakin ni Jeff na may plano din sila ni Kayley. At ang planong magkunwari din silang magcouple. Hindi naman ako ganun katanga, pero napakacareless ko na hindi ko nalaman yun. Ako ata yung naCG2 kay Kayley, nagpapahabol siya sakin pero wala. Sakanya lang din ang halakhak sa huli.

"Walang tayo Jeffrey! Kung alam mo lang, ginagawa lang din natin to para sa dalawa" nakita ko namang nagulat din si Skype sa narinig niya. Akala ko ba alam na niya? "So sayo nga lang talaga yung puhunan ng mga ginawa natin para dito?!" rinig ko naman na sabi ni Jepoy. Ang saklap naman talaga nitong nangyayari ngayon.

“Just explain it to me, why do you have to choose between me and him?” sunod na pagtatanong naman ni Jeff na parang hindi na talaga siya kuntento sa nangyayari sakanilang dalawa ni Kayley. Kailangan ko malaman yung reason na to.

“I choose him for my free-----”

“Skype!” bigla ko namang sigaw kay Skype dahil sa pagkatakbo nito. Iiyak nanaman to panigurado! Kailangan ko pa kasing makinig sa usapan ng iba e! Na hindi naman kailangan pakinggan, pero punong puno ang utak ko sa kuryosidad dahil sa narinig ko mula sa dalawa.

“Stay with me Phyllis, stay!” muli naman niya kong niyakap pagkahabol ko saknya. At dahil nga sa sinabi ko, iCCG part 2 ko siya, ay gagawin ko na. “Hahahahaha! Hindi mo nalang kasi iniwasan e! Akala ko ba alam mo na ang lahat?” pangaasar ko naman sakanya. “Tapos ngayon iiyak iyak ka jan!” isa pang pagtulak ko ng pagsisita sakanya. Ang tigas kasi ng ulo nito e. Mas pipiliin pang iface yung reality kesa yung fantasy na nangyayari sakanya. Pero iyon naman talaga ang dapat. Reality comes in life, not in your dreams! Dahil fantasy ang nasa dream.

“Mahal niya si Kayley, Phyllis mahal niya si Kayley!” paulit ulit na sabi niya nang bigla namang nagpupunas na ng luha. “Hindi ako iiyak! May mahal na ko” napaweird talaga niyang babae. Hindi niya alam kung pano niya kokontrolin yung sarili niya sa mga bagay bagay.

“Karma na sayo yan. Nagpahabol ka kasi sakin e. Tama lang yang tawanan kita kasi naCG2 na kita!” nakita ko naman ang pagkataka sa mukha niya. Kasi sa bawat yakap niya sakin, ngumingiti ako e. Hahahaha! Masyado kasi siyang bipolar e. Nakakatawa nalang.

“Nagpapahabol? Literal na habol naman yung sinasabi mo e” sabi naman niya at nagpout siya sa harapan ko. Napakakulit talaga nitong babaeng to! Talagang hindi niya nakukuha yung mga paikot ikot na banat ko sakanya. “Wala tayo sa literal na sitwasyon Skype. Ang ibig kong sabihin, nagpapahabol ka sa mga taong humahabol sayo” sabi ko naman sakanya pero hindi ko parin mabasa ang mukha niya. Para bang, hindi parin niya naintindihan yung pinapahiwatig ko

“Literal naman yung nagpapahabol ako ah? Syempre hahabulin mo kasi mahal mo ko” natahimik naman ako sa sinabi niya. S-siya mahal ko? May sapat na sagot na ba ko para sa salitang mahal? “Hahahahaha! Sa tingin mo mahal kita? May sinabi ba ko?” at tinawanan ko naman siya. Pero sa loob ko, naguguluhan ako. Hindi ko alam ang salitang mahal. Mahal lang ang oras ang alam ko. Mahal ang oras ko para sa salitang love!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now