“Hindi ka na ba mainit ulo?” nakangiting tanong ni Edward.

Poker face.

“Okay!” masiglang sabi nito. Nagtataka ako kung bakit hindi nahahawa si Crey sa positive energy ni Edward.

May inabot itong papel sa kanya. “Ano to?” walang energyng tanong niya.

“Papel!”

“Hehe.” Poker face ulit.

“Isulat mo sa harap yung lahat ng gusto mong ma-achieve. Kahit imposible. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Yung para sa sarili mo lang ha.”

Poker face.

May inabot ulit itong isang papel. “Dito naman, isulat mo lahat ng nagpapalungkot sayo. Lahat ng kahinaan mo. Lahat ng insecurities-“

“Hindi ako insecure,” matigas na sabi niya.

Nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa kanila. Nag-eenjoy ako.

“Lahat ng insecurities mo,” madiing sabi ni Edward. Tapos ngumiti ulit. Ang-cute talaga ng smile niya.”Lahat ng problema mo. Lahat ng negativities na maiisip mo.”

“Pwede ko bang isulat ang pangalan mo dito?”

“Pwede,” nakangiting sagot ni Edward, “Basta gandahan mo yung sulat ah. Gusto ko yung may style.”

Kumunot ang noo ni Crey habang nakatitig sa papel. “Wala ka bang pasok? O wala kang ibang magawa sa buhay at nangingialam ka na lang ng buhay ng may buhay?”

“Medyo. Naka-day-off ako eh.” Nagtitigan muna sila nang mga 30 seconds. Si Crey, masama ang tingin, si Edward nagpipigil ng ngiti. Ang-cute! “Don’t worry, hindi ko babasahin yan.”

Maya-maya ay nagsimula nang magsulat si Crey. “Tara Edward. Gusto mo munang manood ng TV?”

“Sige ba. Mahaba-haba ang masusulat nito eh,” natatawang sabi nito sabay sumunod na sa akin. “Meron bang diary o journal si Crey?” tanong niya nang nasa sala na kami.

“Oo. Kaso bawal syempre basahin.” Iniingatan ko rin naman ang privacy ni kapatid.

“No. Hindi ko babasahin. May gagawin lang ako.”

Nag-aalangan man ay kinuha ko na ang mga diary ni Crey. Medyo marami ito dahil mula nang mainlove siya kay DK ay nag-diary na siya. Ayaw niya kasing nagkukwento ng bongga sa amin. Pahapyaw lang. Ayaw niya ring nagpapakita ng emosyon kaya sa diary na niya binubuhos.

“Wow!” bulalas ni Edward nang makita ang 20 plus na diary. Puro itim pa ang mga ito kaya akala mo’y pag-aari ng mangkukulam.

Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit ganyan kadami ang diary ni Crey. Tangu-tango lang ang sagot niya. Maya-maya ay dumating na si Jerry.

“Dala mo ba?”

“Yes boss,” sagot nito na may bitbit na garbage bag.

“Wag kang mabibigla sa gagawin namin ate ah. I got this under control.”

“Okay. Basta gusto ko lang magtino ang kapatid ko.”

Maya-maya ay lumabas na galing kusina si Crey. “O, tapos na… What the? Bakit nakalabas ang mga yan?”

“Hep! Umupo ka muna,” sabi ni Edward. Ginawa naman ni Crey. “Binabasa mo ba ang mga ito?” Naaasar na umiling si Crey. “Bakit? Kasi nasasaktan ka pa rin pag binabasa ito?” Kunot-noo lang ang sagot niya. “After nitong process natin na ito, at binasa mo ang mga ito, matatawa ka na lang.”

“Marami nang nagsabi niyan sa akin. Ilang taon na oh? Tumatawa ba ako?”

“I assure you, after this process.”

Nanginginig pa rin sa galit si Crey. Kinuha ni Edward ang mga papel at binuhat nila ni Jerry ang mga diary at nilagay sa garbage bag. “Hoy! Anong gagawin mo?” gulat na tanong ni Crey.

Hindi siya nito pinansin pero hinablot niya ang isang diary. “Crey!” Inagaw ni Edward. Nilamutak ni Crey ang gwapong mukha habang si Edward ay hindi pa rin bumibitaw sa diary. Natatawa lang kami ni Jerry sa kanila.

“Bitawan mo to!” Hinawakan ko na si Crey para matapos na ang kalokohan nila. Kinuha na ni Edward ang natitirang diary. “Ate,” nangingilid ang luha niya.

“Para sayo din to.” Umiling-iling siya. “Let go.” Umiling-iling siya. Nasa labas na ang mga boylets. Sumunod kami.

Nakita na naming hinulog ni Jerry ang mga laman ng garbage bag sa lalagyan namin ng basurahan. Sementado ito na mukhang wishing well. Nilalagay lang namin dun ang mga pwedeng sunugin.

Hawak ni Edward nang nakangiti ang isang papel. “Ito ang mga negativities mo.” Sinunog niya ang papel sabay tapon sa basurahan. Nasunog na rin ang ibang nakalagay dun. Si Crey ay poker face lang na nakatitig. Hindi na kami lumapit pa sa basurahan dahil baka isama ni Crey si pogi sa nasusunog. “Believe me Crey, para sayo rin to.”

“Lumayas kayo,” matigas na sabi ni Crey bago pumasok sa bahay at narinig pa namin  ang padabog na pagsara nito ng pinto ng kwarto.

Lumapit ako sa mga pogi. “Hindi ba masyadong harsh naman na ginawa niyo yun?”

“Symbol lang naman yung ginawa kong pagsunog ng negativities niya. Parang hudyat ng pagremove ng bad vibes sa buhay niya.”

“Pero bakit pati yung mga diary?”

“Diary?” Biglang inangat ni Jerry ang isang garbage bag na nasa likod ng basurahan. Napangiti na lang ako. “Sabi ko sayo di ba, I got this under control.”

Yun yung garbage bag na pinaglagyan nila ng diaries. Bilib na talaga ako kay pogi.

Alamat ng BitterWhere stories live. Discover now