37.

46.7K 1K 56
                                    

Ellen:

"Lilinisin ko na ang sugat mo." Matigas ang ulo ni Juana, wala itong pinagkakatiwalaan bukod sa kapatid na si Rafael.

"Hindi naman ako baldado. Hindi ka naman siguro bulag?" Painis na sagot nito sakin. Pinagpasensiyahan ko na lamang ito dahil sa alam kong hindi pa siya makapaniwala sa mga nangyayare.

"Pasensiya kana. Itatabi ko nalang itong gamit pang linis ng sugat mo. Kunin mo nalang." sabi ko.


Hindi ko alintana kahit na nakahubo si Juana, ikukuha ko lamang siya ng damit sa silid ko.


"Ano kaba dito?" Tanong niya.


Natigilan ako sa paglalakad at lumingon.


"Asawa ko si Ford at kaibigan ko ang kuya mo."


She rolled her eyes. Mataray siya mukhang mahihirapan ata ako magpasensiya sakanya.


"Asawa ka ng lalaking yon? Buti nakakatagal ka." She added.


"Mabait naman si Reid kung makikilala mo lang siya." Sabi ko at nginitian ko ito bago tumalikod.



Hahakbang na muli ako ng magsalita pa siya.


"Ano bang nagustuhan niya sayo?" Tanong muli nito at nilingon ko siya.


Nakasandal ang kanyang dalawang kamay sa kama kung saan nakabend ng kaunti ang katawan niya. Hindi mo aakalaing isang malakas na Assassin ang isang ubod na gandang babaeng katulad niya.


Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman maipagmamayabang ang ganda ko dahil dihamak na mas lamang siya kaya tumahimik na lamang ako. Naalala ko na laki nga palang Roma ang dalawang magkapatid kaya siguro ganito na lamang ka bulgaran si Juana.


"Ikukuha muna kita ng damit." Sabi ko.


Kaagad na akong lumabas at pumasok sa silid namin ni Reid.


Hindi ko namalayan ang pag sunod ni Juana sakin.


"Wow, ang ganda naman pala dito malapalasyo. Maswerte ka talaga." Sabi nito habang walang pakialam na naglalakad na hubo't hubad.


"Juana! Anong ginagawa mo? Baka may makakita sayo." Nag dali dali akong ikuha ito ng damit at isinuot kaagad sakanya.



"Ano ba! And so? Wala kana don." Sabi nito habang inaayos ang malaking damit na suot niya. Bakas ang dalawang dibdib nito dahil sa labis na laki at kurba ng katawan.


"Pasensiya kana hindi lang kasi ako sanay." Sabi ko.


"Pwes masanay kana." inis na sabi niya tsaka muling inilibot ang mga mata sa paligid. Dahil karugtong lamang ng malaking kwarto ang opisina ni Reid ay nagtungo agad siya rito.


"Juana hindi ka pwede jan." Sunod ko sakanya.


"Bakit ba ang damot mo? Wala naman akong ginagawa." Tsaka ito umupo sa swivel chair ni Reid at nagpaikot ikot. Inihiga niya ang ulo at tumingin sa taas ng kisame habang iniikot ikot ang upuan ni Reid.


"Ang sarap siguro maging asawa ng Ford na yan." Sabi nito.


Hindi ako umiimik ang nanonood lamang ako sakanya.

Para lang itong batang nag lalaro laro at itinaas ang dalawang paa sa mismong mesa ni Reid.


"Juana please tama na yan baka maabutan pa tayo ni Reid dito."


Hindi ito nakikinig sakin at nag tungo sa wine area kung saan mismo nakalagay sa opisina ni Reid.


Dali dali itong kumuha ng wine at glass at nagtungo muli sa swivel at umiinom ng red wine.


Napasampal na lamang ako sa mukha ko.

"Tara na baka makita kapa niya dito." Sabi ko. Sa totoo lang kasi ay hindi ako sanay na tanging malaking tshirt lamang ang suot ni Juana. Bumabakat kasi ang kanyang katawan at hindi ako nagiging komportable.


"Gano kana katagal dito?" Tanong niya.


"Hindi ko na maalala." tipid na sagot ko.


"Ganon? Ano kaba dito dati? Katulong?"



Nainis na ako sa mga tanong nito. Hindi ko alam ang takbo ng isip niya. Para bang namamahiya siya na ewan.



"Hindi ako katulong dito. Kinuha ako ni Reid at inuwi dito."



"Ahh kinuha san naman?"


"Sa ampunan."


Nanlaki ang mata nito sa pagkagulat.


"Talaga?"


"Oo bakit naman?" Sabi ko.



"Wala lang naisip ko lang na ang babaw ng gusto niya sa isang babae." Diresto kung magsalita, ganyan ang kapatid ni Rafael.



Kinuha niya ang picture frame na nakalagay sa table ni Reid. Larawan ko ito.


"Wow ang ganda mo." Sabi niya. Natuwa naman ako duon ngunit hindi sa sunod niyang ginawa.


Itinaob niya ang frame. "Ayan mas maganda."


Nababastusan ako sa mga kinikilos niya. Nagtitimpi lamang ako dahil sa alam kong naninibago lang ito sa mansion.


Maya maya pa ay nakarinig ako ng yabag papunta samin.


"Juana umalis kana jan." Sabi ko ng mahina.


Hindi ito nakinig at umiinom lamang nag Red wine.



"What the hell are you doing!" Sigaw ni Reid ng aktong makita ito. Kasama niya si Rafael.


"Juana ano to! Bakit ganyan ang suot mo!" kaagad na hinila ni Rafael si Juana at ibinalot sa katawan ang itim nitong jacket.


"Lord paumanhin." Sabi ni Rafael at yumuko ito.


Sa galit ni Reid ay kinuha niya ang wine glass at binasag ito sa harapan ni Juana.


"Yan ang gagawin ko sa mukha mo kapag sinaway mo ko naiintindihan mo!"


Ngunit wala lamang kay Juana at nakatingin lamang ito kay Reid.



"Get out!" Sigaw ni Reid.


Hinila kagad ni Rafael ang kapatid tsaka umalis ng opisina.


"Reid sorry ano kasi ah- ang hirap kasing sawayin ni Juana." Pagpapasensiya ko.


"No no, dont blame your self." Hinila ako ng asawa ko at hinawakan sa magkabilang pisnge ko.



"Don't think too much honey." Sabi niya sakin at siniil ako ng mainit nitong halik.


....
Rafael:

"Anong problema mo Juana!"


"Wala."


"Tangina naman pumayag na nga si Lord na tanggapin ka pero ang tigas ng ulo mo!"


"Ano! Hindi ka magsasalita!"



"Please Rafael pagod ako. Asan ang kuwarto ko?"


Napasabunot na lamang ako sa buhok ko sa sobrang inis.



Itinuro ko na lamang sakanya ang magiging kwarto. Marahil ay pagod lang ito kaya niya nagawa ang mga bagay na hind dapat.

Owned by the Mafia Boss | LEWIS REID FORDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant