MS 43

1.7K 44 6
                                    

Hera POV

Iyak ng iyak si Takie habang naka salin siya, naawa ako dahil baka hindi makakapit ang bata. Tumayo ako ng makitang dumating na silang lahat.


Hinarap ko si Zack at sinampal, wala siyang ekpresiyon akong tinignan na para bang hinanda na niya ang sarili niya para sa sampal ko.




"Walanghiya ka! Anak mo ang nasa sinapupunan niya! Tapos papatayin mo lang ang anak mo?!" Sigaw ko, wala na akong pakielam sa lahat ng naka tingin saamin.





Galit ako kay Takie dahil sa litrato, pero alam kong hindi niya alam lahat ng iyon. Hindi niya magagawa ang mga bagay na iyon, lalo na mahal na mahal niya si Zack.




Mag sasalita pa sana ako ngunit, pumasok si Rackie sa ER. Tumigil na ako, ilang sandali pa ay lumabas na din siya. Linipat nila si Takie sa private room.




Papasok na sana kami ngunit pinigilan kami ni Rackie.




"Gusto kong makita si Takie!" Sigaw ko sa pinsan ko.


"Ako muna, kambal ko siya kapatid ko siya!" Balik na Sigaw saakin ni Rackie.



"Bro kapatid ko ang sinisigawan mo, pinsan mo" sabi ni kuya.




Hindi na nag salita si Rackie pumasok siya sa room, pero ilang sandali din ay lumabas siya ulit.




"Ayaw niya kayong makita, sasama siya saakin sa Paris sa Tuesday na din ang alis namin" sabi niya.



"Pero Rackie" Sabi ni Aya.




"Wala na din ang baby niya, nakunan siya" tumulo ang luha ko, nasasaktan ako para kay Takie, kita ko ang pag tulala ni Zack at tumulo ang luha niya.



Nakita ko kung paano, sumugod si Miko sakaniya, sinuntok ni Miko si Zack.




"Asshole! Nag paubaya ako! Binigyan kita ng pag kakataon! Lumayo ako! Para hindi ko na kayo magulo! Putangina mo! Pinatay mo ang anak mo!" Suntok at sigaw lang ni Miko ang naririnig namin, hindi lumaban si Zack.





Luha lang siya ng luha habang tulalang hindi lumalaban kay Miko, kung hindi pa sumigaw si Aya ay hindi natauhan si Miko. Inawat nila si Miko, walang emosiyon na tumingin si Rackie kay Zack, alam ko alam kong nangigigil na si Rackie.




"Papasok kami" sabi ni Sam, hindi naka sagot si Rackie, hinayaan niya kaming pumasok kahit na ayaw ni Takie.




"T-takie"



Naka talikod lamang siya saamin, niyakap ko siya kaya tumingin siya saamin, luha siya ng luha. Nanginginig na din ang buong katawan niya, nasasakatan ako para sakaniya.




Nawalan siya ng baby, nanginginig ang mga labi niya sa kakaiyak.




"U-umalis na kayo dito" anito, tumingin siya kay Zack.





"No" sa wakas ay nag salita na si Zack.






"H-hindi kita kailangan dito!" Matigas na sinabi ni Takie.





Hindi ko alam pero, tumalikod ulit saamin si Takie.




"V-vion paalisin mo sila dito" basag na boses niyang inutusan ang kakambal niya.



Wala kaming nagawa kaya lumabas nalang kami.

♡♡

- shet! Kinikilig ako sa mga comments niyo! Nag blush si ako. 😊😊

My Stalker (COMPLETED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon