MS 21

2.1K 53 1
                                    

Takie POV

Saktong hapon na kami naka rating ng bataan, papalubog na ang araw.

"Whooooa sarap ng hangin rito" Sabi ni Hera at nilalanghapan niya pa ang hangin na dumadagsa saamin.

Naka upo kami sa malaking bato, si Hera lamang ang naka tayo.

Makikita mo ang tanawin ay ang ganda, yung mga puno ay parapareho ang laki, para bang sinadyang ganoon ang laki.

"Ayan na ang sunset guys, selfie tayo" Sabi ni Sam.

Pumwesto kami upang pag picture, tumabi saakin si Darwin samantalang si Xav ay nasa kaliwa ko.

"Okay, 1...2...3 smile!" Aniya.

Nag picture pa kami ng napaka rami, sumuko nalang kami dahil masyado ng marami.

Si Sean naman ay, may kausap sa cellphone niya.

"PRINCESS ZOEY MAG DAHAN DAHAN KA PUTANGINA!" Sigaw ni Sean kaya na sakaniya na ang atensyon namin.

Ano kayang nangyare?

"Putangina! Naputol ang tawag!"

"Hindi niya hinintay si Ej sa bar, iyong babaeng iyon ang tigas ng ulo niya" sabi Sean.

"Tawagan mo nga ulit si Ej, Miko" utas ni Darwin.

Mag kakakilala sila? Paano? Tumango lang si Miko saka may tinawagan na.

Tumayo na ako saka babalik na ako sa hotel.

Gutom na ako e, hihintayin ko nalang sila doon baka may importantepa silang kausapin kaya hihintayin ko nalang sila doon.

"Vien saan ka pupunta?"

"Papasok na ako doon, doon ko nalang kayo hihintayin" Sabi ko, saka nag simula ng mag lakad.

"Samahan na kita" Sabi ni Xav, tinanguan ko lang siya.

Tahimik ang bumalot saamin, wala naman akong masabi kaya ayos lang yan.

Naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko, binalingan ko siya ng tingin pero daretso lang ang tingin niya sa malayo.

Huminga ako ng malalim saka niya lang ako tinignan.

"Are you tired?" He ask.

"Slight" sagot ko, tumango lang siya.

Tahimik nanaman.

"May mga kapatid ka Xav?" Basag ko sa katahimikan na bumalot saamin.

Tinignan niya ako, saka kinalas niya na iyong kamay niya sa bewang ko, saka niya ako hinarap.

"Oo tatlo" aniya.

"Ilang taon na sila?" Tanong ko.

"Ay wait anong pangalan nila?" Kumunot ang noo niya.

"Dave, Trisha and Warren" aniya only girl? Ang swerte niya kung ganon.

"Ilang taon na sila?" Hindi niya man kasi Sinagot e, pangalan lang.

"Si Dave 19 si Warren 17 si Trish 16"

"Panganay ka? Ilang taon kana kasi?"

18 palang ako e, second year collage.

"20 fourth year collage, hindi mo alam?" Alam kong ga graduate na siya pero hindi ko alam na iyong taon niya no.

"May picture ka ba nila? Pwede ko bang tignan?" Binaliwala ko ang sinabi niya.

"Bakit gusto mong tignan?" Iritado niyang tanong.

"Na cucurious ako e"

"Na cucurious ka kay Dave? Kasi isang taon ang pagitan niyo? Tch" anong pinag sasabi nito?

Naka simangot lang siya habang hinihintay ang sagot ko.

"Eh kung ayaw mong pakita ang pictures nila edi tignan ko nalang sa Facebook" sabi ko, kitang kita ko ang iritado niyang muka at galit.

"Subukan mo tch" aniya, saka nag martsa na siyang umalis, iniwan ba naman ako?

Sabi niya sasamahan niya ako pero siya din palang mang iiwan.

"Hoy Xav!" Sigaw ko, pero tuloy tuloy lang siya sa pag lalakad.

Ano kayang problema non? Gusto ko lang naman makita ang mga itsura ng mga kapatid niya ha?

Akalain mo nga namang may mga kapatid siya? Hindi niya man kasi kinukwento sakin e. Kaya curious lang naman ako.

.

My Stalker (COMPLETED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon