MS 41

1.7K 41 5
                                    

Takie POV

Hinihintay kong bumaba si Vion, pupunta kasi kami sa Blue Arcade titignan kasi namin iyong schedule niya para sa pag gigym. Wala kasi akong kasama sa bahay kaya naisipan kong sumama nalang na muna sa gym.

"Let's go?" Sabi ni Vion habang pababa.

Hindi na tulad noon, na lagi siyang naka ngiti ngayon ay ang cold cold niya. Limang araw nalang ay babalik na kami sa Paris, pero sabi ni Vion ay mag stay na lang muna daw ako rito. Para sa pag aaral ko. Pero hindi siya mangangako kasi baka hindi din pumayag sila daddy.


"Yup!" Sagot ko.


Lumabas na kami ng mansion, pinag buksan niya ako ng pinto sa passenger seat.

"Uhm.. ayos na ba kayo ni Sam?" Tanong ko ng maka pasok na siya sa driver seat. Naging seryoso ang muka niya at hindi ako sinagot.

Huminga ako ng malalim, at tumingin sa labas. May dahilan naman siguro si Sam kung bakit siya nakipag break, hindi ganon si Sam hindi niya kayang saktan si Vion I know.


Ilang sandali lang ay naka rating na kami sa Blue Arcade, binuksan ko ang pinto at lumabas. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok na kami sa gym nasa second floor kasi kaya ayan.


"Hindi ka mag gigym?" Tanong sakin ng lalaki, si Cruel! Ang dati kong teacher sa gym!

"Hindi e, wala ako sa mood" sagot ko.



"Wait me here Vien mag papalit lang ako" tinanguan ko lang si Vion, umalis siya at pumasok sa locker room.




"I see, so kelan ang balik mo dito sa gym?" He ask me.


"Uhm.. next year?" Sabi kong patanong.


Tinignan niya ako sa mata, nakita ko si William papalapit saamin. Nag gigym din pala siya, my ghad!


"Excuse me Cruel, may ibang babae doon bakit si Takie ang pinag didiskitahan mo?" Malamig na sabi ni William ng maka lapit saamin, napa nganga nalang si Cruel at umalis.



"Your so mean!" Irap ko sakaniya, bakit? Nakakainis siya si Cruel yun e! Si Cruel na naging kaibigan ko.


Tumawa lang siya, nag lakad ako papunta sa bag ni Vion sa bench sumunod naman siya saakin habang tumatawa.


"What's funny?!" Tanong ko ng maka upo na ako sa bench, siya naman ay tumatawa parin. Inirapan ko nalang siya.



Kinuha ko ang phone ko at nakitang may text saakin si Xavier, napangiti ako ng mabasa ang mensahe niya.

Babe: Don't skip your meal, nasa company ako ingat I love you 😘

Nakita ko ang pag tingin ni William sa phone ko, iniwas ko iyon at tinignan ng masama.

"Sige doon lang ako" aniya, tumango nalang ako sakaniya.


Me: Nasa gym ako kasama si Vion I love you most :*

"Ayaw mo talagang mag gym?" Napatalon ako sa gulat ng nakita si Vion na nasa harapan ko.



"Hindi, buntis ako Vion" kumunot ang noo niya. "Tama ang narinig mo" dagdag ko pa.

"Si Zack ba ang ama niyana?" Tanong niya sakin, tumango ako.

Kinwento ko sakaniya ang lahat, pati na rin kung kelan ko sasabihin sakaniya na buntis ako. Nag paalam siya na mag gym na muna tumango lang ako sakaniya.




Pinapanood ko lang si Vion habang binubuhat niya ang barbell, minsan naman ay nag pupush up. Ilang minuto lang ay may nag bukas sa pinto ng gym.


Nakita ko si Sheila, naka short siya at naka sando litaw ang cleavage. Tinignan niya ako, at papalapit saakin. Hindi ko alam pero parang gusto kong umalis, ngunit hindi gumagalaw ang mga paa ko para tumayo.



Tinignan ko si Vion pero busy lang siya, tinignan ko ulit si Sheila, naka ngiti siya saakin. Umupo pa siya sa tabi ko. May dala siyang coffee dalawa.


"Hai, sorry sa unang pag kikita natin sorry kung napag salitaan kita ng masama" nakayuko siya habang sinasabi niya iyon saakin.


"Okay lang" sagot ko, tumingin siya saakin habang malaki ang ngiti.



"Pwede ba kitang anyayain sa Starbucks?" Anito, tumango lang ako.



Nag paalam ako kay Vion, pumayag naman kaya nag punta kami sa Starbucks, tinapon niya ang dalawang coffee na hawak nito.


Umupo kami sa pang tatlong seater, nag order naman siya ng dalawang Coffee.


"Rest room lang ako" paalam ko, kanina pa kasi ako napapaihi e.


"Sige hintayin nalang kita dito" anito, naka ngiti siya habang tumayo ako at dumaretso sa rest room.

Mabait naman pala si Sheila, kaya ayos din. Ang akala ko ay pag sasabihin niya ulit ako ng malandi at at slut.



Bumalik na ako sa table namin, umupo ako nakita ko ang in order niyang coffee.

Ininom niya ang kaniya habang nakatingin saakin.


"Sobrang ganda mo pala Takie" puri nito sakin. Ngumiti lamang ako.


"Pasensiya na din kung na sabihan kita ng you know" sabi ko, at ininom ang coffee.


"Yeah It's okay" aniya.


Nakaramdam ako ng hilo, napapapikit ang mga mata ko.


"Takie are you okay?" Naka ngiting tanong saakin ni Sheila.


Hanggang sa nawalan na ako ng malay.


-

Ang sakit ng ulo ko, parang inumpog ako sa pader! Nag mulat ako, nasa hospital ako!

Nakita ko ang nurse na chine check ako.

"Bakit ako narito?" Tanong ko sa nurse.

Ang huli kong maalala, ay kasama ko si Sheila at nag uusap. Tapos na hilo ako yun lang.


"May nag dala sainyong lalaki dito" sagot niya. "Buntis kayo Ms mas mabuti sigurong pag mahinga ka na muna bago umuwi, saka bayad na po ang bill niyo" dagdag niya pa.



"Sinong lalaki? Anong pangalan niya?" I ask.

"Hindi ko po siya kilala Ms pasensiya na, nong dinala ka niya kasi dito ay wala kang malay at agad din siyang umalis" inayos ko ang sarili ko at tumayo.



"Uuwi na ako, maraming salamat" sabi ko.



Sinong lalaki ang nag dala sakin dito? Sino kaya iyon? Bakit ako nawalan ng malay? Diba kasama ko si Sheila kanina sa Starbucks? At bakit wala siya dito?


"Ms sigurado ba kayo? Mag pahinga na muna po kayo dito" Tumayo na at tinignan ang nurse.



"Ayos na ako, kaya ko na" sabi ko at lumabas ng hospital.



Naguguluhan ako, bakit ako nandoon? Tinignan ko ang relo ko 3 o'clock na, hindi pa ako nakain.


Tinignan ko din ang cellphone ko, 105 call at 54 message galing kay Xav! Kinabahan ako, agad akong umuwi sa bahay.

♡♡

- vote vote! And comment!

My Stalker (COMPLETED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon