MS 27

2K 46 0
                                    

Takie POV

"Nag text saakin si Dwyane kuhanan na daw ng card sa Tuesday" sabi ni Janet, hindi na ako mag tataka sa mga ka kilala niyang mga lalake.











Playgirl kasi e. Sunday ngayon last day nanamin, bukas ng madaling araw na ang uwi sa manila. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paparating sila kuya at Xav.











"Dinner family daw Darn! So Miko kasama mo sila Ej, sumabay ka nalang sakanila ang alam ko yung car racer mo ang gagamitin niyo papunta sa bahay nila Zoe" ani ni Sean.








Tumango lang ang dalawa, hanggang ngayon hindi ko pa din naintindihan. Hindi ko naman kasi sila masundan, ang alam ko ay mag pinsan sila ni Von pero hindi ko kilala iyong Ej naririnig ko minsan ang pangalan na iyon pero hanggang doon nalang iyon.







Iyon yata ang binili ni tita sakaniya iyong car racer, iyon ang gift ni tita nong birthday niya. Mahilig kasi siya sa mga ganong sasakyan.






Lumapit saakin si Xavier, at inakbayan ako. Hindi ko mapigilang uminit nanaman ang pisngi ko. Nakita ko si kuya ay nakatingin lang saakin.




"Uuwi pala si Rhian bukas" sabi ni Vion saka binaling ang tingin kay Miko.





"Ha yeah, ngayon ang flight niya para bukas ang dating niya" sabi naman ni Miko.



"How's your sleep?" Tanong saakin ni Xavier, tinignan ko siya.






Buti nga hindi siya nakitulog sa suit e. Dahil daw baka mahalata kami ni kuya.





"It's finally fine" ngiti ko.



Ngumisi siya saka hinawakan ang bewang ko, naka upo na din kasi siya sa tabi ko. "Because?" Mapanlarong ngiti ang binigay ko sakaniya.





"Hindi kita katabi" kinagat ko ang ibabang labi, upang maiwasang matawa sa itsura niya.


Ang cute niya talagang tignan kapag nanliliit ang mga mata niya.




"Tch"


Umiling ako saka ko na binaling ang tingin ko kila Miko, nag uusap sila patungkol sa pag uwi ni ate Rhian.



"Paniguradong yayain niya si Takie sa bahay nila Rhian oh" anang Aya, kapag kasi nandito sa pinas si ate Rhian lagi akong natutulog sa bahay nila.






"Sleep over! Masaya iyan" sabi naman ni Kris, hindi na daw siya tutuloy sa Paris.


Ang alam ko kahapon pa ang flight nila ang kaso mas pinili niya dito na muna.


-

Nakarating na kami sa manila, na sakto namang dumating si ate Rhian. Siya pa ang sumalubong saamin.






"Takie!" Anito, saka isa isa niya kaming bineso.








Umupo ako sa Family sofa, umuwi na din ang lahat mga pinsan ko nalang ang mga nandito sa bahay. Si Miko naman ay naka upo sa iisang seater.







"Ate Rhian buti at umuwi ka? Mag papasukan na ha?" Sabi ni Miko, bumaling ang tingin ni ate Rhian sakaniya.







"Ayaw mo ba akong makita Hence?" Ngumiti lang si Miko, na sila lang ang nag kakaintindihan sa ngiting iyon.








Hinilig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa, pagod na pagod na ako. Ang haba din kasi ng biyaheng iyon e. Si kuya ay natutulog na siya sa kwarto dahil minsan pinalitan niya si Miko at Kris sa pag dadrive kaya pagod na pagod iyon.






"Rito na kayo matulog" sabi ni mommy, pero agad na ding umangal si ate Rhian.





"No. No! Mag paparty kami sa Disney Bar" anito at tumingin kay Khen, sila kasi ang may ari ng bar na iyon.



Tumango lang si Khen, hinayaan na kaming mag pahinga isa isa. Gigisingin na lang daw kapag seven thirty na. Nasa master bedroom kaming lahat ng mga pinsan ko may king size bed at Queen size bed naman. Kaya kasya lahat kami. Yung ibang mga boys ay tumabi samin. Medyo maluwang pa kasi.




Ang lumipat ay sila Miko Kris at Diam, mga makukulit kasi e. Si Vion tulog siya sa kwarto niya.

"Miko akala ko ba may family dinner kayo?" Tanong ni Kris.




"Yes mag papahinga lang ako saglit" anito, sabay alastress palang naman.



Humiga na silang lahat, ganoon din ako tumabi sakin si ate Rhian at si Miko naman ang katabi ko pinagitan ang ng mag kapatid.


Hinayaan ko nalang na muna sila, tumalikod ako kay Miko at humarap ako kay ate Rhian. Tulog na lahat sila dahil na din sa pagod.


Naramdaman ko ang hininga ni Miko sa tenga ko, tumaas lahat ng balahibo ko.



"See you around Takie" anito, saka ko na naramdaman itong tumayo. Naka pikit lamang ako at pinakiramdam ang mga yapak ang mga paa niya hanggang sa sinarado ang pinto.



May family dinner pala sila, at kasama niya ang totoong pamilya niya.

My Stalker (COMPLETED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon