MS 12

2.7K 69 0
                                    

Takie POV

"Kuya ano sasama kaba sa vacation?" Tanong ko kay kuya.

Nasa bahay kami, hinihintay ang tropa at mga pinsan namin.

Tumabi ako sakaniya sa sofa, ipinatong ko ang isa kong paa sa legs niya.

"Vien I think no" Tinignan ko siya sa mga mata niya.

"So hindi na rin ako sasama, doon nalang tayo mag Christmas" Tumango lang siya.

Nag bukas ang pinto at niluwal niya iyon ang mga tropa at mga pinsan namin.

Napansin kong wala sila Hera.

"Skyler nasaan sila Aya?" Tanong ko.

"Nasa labas pa, may mga dala kasi silang damit dito daw sila matutulog" Sagot niya, saka umupo sa tabihan ko.

Ipinatong din ni Sky ang paa niya sa legs ko, at tinignan ang mga paa ni Sky, sumunod si Brian, Kris at Diam umupo sila sa carpet sa harapan namin.

Si Sam naman ay nasa kabilang side siya na katabi niya na si kuya.

Ang mga tropa ay ay nag siupuan na sila sa sofa.

"Zaine?" Gulat sila ng sambitin ko iyong pangalan ni Zaine.

"Wala si Zaine e, kasama niya sila John, Sean at Von" Sagot ni Ace.

"Ha? Saan naman sila pumunta?" Hindi kasi niya naituloy ang sasabihin ni Zaine sa Akin ka hapon e.

"Ohh finding Zaine?" Nagulat ako ng lumabas sa bibig ni Aya iyon, nakatayo na pala siya palapit sa amin.

"Bumili sila sa Jollies ng mga snacks" Si Jet na ang sumagot sa tanong ko.

"Oh I see"

"Bakit mo hinahanap si Zaine?" Tanong ni Hera, na naka tingin sakin ng daretso.

"Ha wala lang, masama bang hanapin ang mga wala?"

"Yun na nga e, bakit pa hahanapin ang mga wala? Bakit hindi ka nalang makuntento kung sinong mga nandito?" Napatingin ako kay Miko.

"Ha? B-bakit ba? Hinahanap ko lang kasi sila nga ang wala, masama bang mag tanong at hanapin siya?" Tinignan ko ang mga matang naka tingin sakin, at isa na doon si Zack. "I mean sila?" Pag tatama ko.

Si Miko siya ang pinaka tahimik sa mga pinsan ko, ampon kasi siya. Sa tingin ko naman ay tanggap niya iyon, kaso masungit lang talaga siya.

"Can you shut up your mouth guys?" Sabi ni Janet, habang sinusuri ang mga kilos ko.

"Eh paano ba naman kasi, minsan na nga kikibo ganiyan pa lalabas sa bibig ng pinsan mo!" I said, saka inalis ko ang paa ko sa legs ni kuya saka inalis ko din ang mga paa ni Sky sa legs ko at tumayo. "Excuse us" Sambit ko.

"Vien" Tawag ni kuya.

"O?" Kunot na tanong ko.

"Napaka sensitive mo naman kasi" Hinarap ko si Miko, hindi talaga siya nag papatalo ano?

Nilapitan ko siya, hinigit naman ni Diam ang kamay ko. "Sensitive? Sorry ha kasi sobrang sensitive ko! Kung sanang hindi kana lang nag sasalita mas mabuti pa yun e kesa" Huminga ako ng malalim. "Kesa minsan ka nalang mag salita, ganiyan pa! Ni hindi ko nga ramdam na pinsan kita e!" Daretsong sabi ko.

"Vien! Miko!" Sambit ni kuya.

Hinawakan na din si Miko sa braso, nag pumiglas ako sa mga hawak ni Diam, hinawakan na din ni Brian ang isa ko pang braso, tumayo na din sila Kris at Ace.

Nakita ko naman bumukas ang pinto, niluwal naman niya si Khen.

"Talagang hindi mo mararamdaman! Paano ko sayo ipapadama bilang pinsan e, hindi mo naman ako kadugo? At isa pa hindi ko iyon ipaparamdam sayo, iba ang nararamdaman ko sayo Takie!" Napa buntong hininga ako, saka ko naramdaman ang mga nag liligid na luha sa pisngi ko.

"Miko Hence Hernandez!" Bantang sigaw ni James at Richard, na nakatayo na din.

"Ien?" Tawag naman saken ni Xav, tinignan ko lang siya saka bumaling ulit ang tingin ko kay Miko.

"Tak don't mind the words okay?" Sabi ni James, pero ang tingin ko parin ay nakay Miko.

"Hayaan niyo siyang mag tanong saken, at huwag kayo ang-" Sa isang iglap ay nasuntok ni kuya si Miko.

"RACKIE VION HERNANDEZ!!!!!" Sigaw ko.

Saka na ako nanghina, nakita kong lumingon si Vion sakin sino ba namang hindi mapapalingon sa sobrang lakas ng Sigaw ko?

Yung mga naka hawak na braso ay unti unti ng bumitaw at, napa upo ako sa sobrang pang hihina ko.

"Vien!"
"Takie!"
"Ien!"

Ang huli kong dinig bago ako nawalan ng malay.

My Stalker (COMPLETED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon