Chapter 12: Bahala na ✔

Start from the beginning
                                    

Yan! yan ang mamimiss ko kay Nine, wag kang mag isip ng ganyan Ele, mabubuhay siya.

Bigla niya ang kinilita at di ko namalayang na capture pala yung ng camera.

Maya-maya ay inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya ewan ko ba, basta paborito ko 'tong posisyong 'to para kasing nag sisignify na siya ang wonderwall ko habang buhay, o diba akma sa aming dalawa ang kanta ni Noel Ghallager, na kinanta din ni Nine...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maya-maya ay inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya ewan ko ba, basta paborito ko 'tong posisyong 'to para kasing nag sisignify na siya ang wonderwall ko habang buhay, o diba akma sa aming dalawa ang kanta ni Noel Ghallager, na kinanta din ni Nine sakin noon.

"Oh, ano nanaman yang iniisip mo?" Tanong niya habang hawak hawak ang kamay ko, pareho kami ngayon na nakatingin lang sa horizon.

"Nine,punta na kaya tayo sa Maynila," saad ko.

"Ha?" May halong pagkabigla ang mukha niya.

Hinarap ko siya "Magpatingin ka sa doctor dun"

"Ayoko."

Tumingin ako sa mga mata niya "Nine, please"

"Ayoko. Period.Mag aaway lang tayo."

Pareho  sila ni Dad pag sabihing ayoko, wala ka talagang magagawa.

Bumalik na kami sa bahay at hindi ko siya pinansin hanggang makarating kami.  

Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko, kaya napagpasyahan kong sa cabin ko muna matulog, simula kasi ng magkasakit si Nine hindi ko na siya iniiwan, palagi na kaming magkatabing matulog siyempre nadun din si Manang Elsa.

Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko, "Goodnight, I love you,wag kanang magalit please."

"Goodnight din, I love you too, wag pasaway ha sa cabin ko muna ako matutulog gusto kong mag isip."

Medyo na shock siya sa sinabi ko. 

Tumango siya, "Ok, cge, kita nalang tayo bukas ng umaga."

Hinalikan niya ako pero mabilis lang at pumunta na ako sa cabin. Pag pasok na pag pasok ko ay dumeritso agad ako sa higaan ko at doon ay ibinuhos ko ang lahat, umiyak ako ng umiyak, pinagtatapon ko ang lahat ng mahahawakan ko.

"Bakit siya pa?" Itinapon ko ang maliit na upuan, wala akong paki-alam kung may makarinig man sakin.

"Mahal ko na siya, wag niyo namang kunin!!!" Itinapon ko ang iba pang unan, kung ano-ano nalang ang nahahawakan ko. Tiyak na makalat na ang cabin pero wala akong paki alam dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, ang saya saya ko na noon, pero bakit parang binabawi na yun lahat?

Bakit parang hinahati ang dib dib ko, ganito ba kasakit ang nararamdaman ni Nine? ganito ba?

Ayaw tumigil ng luha ko......

***

(Nine's POV)

Ang bawat saya ay may kapalit na lungkot at nakakainis kasi ako ang dahilan kung bakit nalulungkot ang babaeng pinakamamahal ko. Dumungaw ako sa bintana, minasdan ko ang maliliit na hakbang ni Ele papunta sa kubo niya. Nakakainis ayokong nakikita siyang ganyan, gusto ko lagi siyang nakangiti.

Papasok na ako sa aking kwarto ng may marinig akong ingay galing sa labas alam kong hindi lang iyon sa kalayuan, tiningnan ko ang kubo ni Ele at may ilaw pa ito, nang isasara ko na ang pinto narinig ko nanaman ang ingay na ngayon ay hindi lang ingay na nang gagaling sa isang bagay na nababasag ngunit naririnig ko ang isang umiiyak at sumisigaw na babae.

Shit!! Si Ele!!

Napatakbo ako palabas ng bahay at tinungo ang kanyang tinitirahang kubo, pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya nakasiksik sa pader at umiiyak.

Ang ayoko sa lahat ay ang umiiyak ang mahal ko, at nag sisisi ako dahil ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayo. Bakit kasi ako nagkaganito?

Minsan naiisip ko dapat ko bang sisihin ang diyos dahil nagka ganito ako? 

Pero ayoko dahil alam ko lahat tayo ay may kaniya-kaniyang papel sa buhay, at ang papel ko dito ay ang pasahayan si nanay at lalo na si Ele. Sabi nga ng kasabihan na Everything has a reason, may rason kung bakit kami ulit nagkita ni Ele, may rason kung bakit nagmamahalan kami ngayon, may rason ang lahat.

Tiningnan ko si Ele  atpatuloy parin ang kanyang pag-iyak, sumasakit na ang dib-dib ko pero kakayanin ko.

Nagkalat ang lahat ng mga gamit niya sa kubo pati lampshade niya nasira rin, pati ang nag iisang upuan ay bali na. Dito pala nang gagaling ang mga ingay ng mga nababasag na gamit kanina.

Niligpit ko muna ang mga kalat at tumabi sa kanya, wala ng ilaw sa kubo ngayon namatay ito pagkapasok ko. Nasira na pala ang bulb, di ko alam natamaan yata ng kung ano. 

Kaya nagmumula nalang sa ilaw ng buwan ang tanging ilaw sa kubo ni Ele.

Umiiyak parin siya, di niya ata ako naramdamang pumasok sa cabin dahil hindi manlang niya ako tiningnan.

Yinakap ko siya mula sa likuran. "Sorry na, tahan na oh"

"Nine?" tinangka niyang humarap sakin pero hinigpitan ko ang yakap mula sa likuran niya, ayokong makita ang mukha niyang umiiyak.

Hinimas himas ko ang buhok niya "Patawad kasi nahihirapan ka, please wag kanang umiyak oh"

Bigla namang kumirot ang dib-dib ko, bawal sa kin ang nakakaramdam ng sobrang lungkot at sobrang saya.

"Nine," humarap siya sakin, at niyakap niya ako ng mabuti.

"Love me," Iniangat niya ang ulo niya at hinalikan ako, hindi ito gawain ng mga babae, kaya nabigla ako.

"Mahal naman kita ah," sabi ko takte ano to? binibigay na ba niya ang sarili niya sakin?

Tumango lang siya at hinalikan pa ako lalo, nakakabaliw ang mga halik niya.

"Ele," Pag aalilangan ko

"I want to remember this forever." saad niya.

Nababaliw ako sabawat halik niya sakin, ang kamay niyang parang nilalaro ang buhok ko. Nakakabaliw.

Pumadaos-dos ang kamay ko papunta sa kaniyang likoran at napaigtag siya ng maramdaman ito. Ang sarap ng mga labi niya.

Sino nga ba  ang makakatangi dito? 

Pero sa totoo lang hindi ako ang isang lalaking nang ti-take advantage. Hindi ko paman din naranasan 'to dahil hindi ko magawa 'to sa ibang babae noon hanggang halik lang at natutulala na ako. Pero kay Ele, iba.

Ewan baka hindi ko na to maranasan pa sa susunod.

Bahala na...

Imperfectly Perfect SummerWhere stories live. Discover now