Chapter Twelve: Hope

Start from the beginning
                                    

                Lalong lumuwag ang pagkakangiti ko. Isang buwan na niya akong binibigyan ng paborito kong frappe. Alam ko naman na iyon ang paraan niya para i-comfort ako. She is always there for me, especially at my worst. At malaki ang naitulong niya to bring back my old self.

                I told her about Louie, actually everything about us. Hindi ko kayang ipaliwanag ang naging reaksyon niya sa mga nalaman. Hindi raw siya makapaniwala na magagawa kong maglihim sa kanya. Nagtampo nga siya noong una pero hindi rin niya ako natiis.

                "I'm glad to see the glow in your eyes again," she said smiling. Pagkaraan ay umangat ang kilay niya. "Don't tell me na siya ang dahilan?"

                Muli akong tumawa. "Tyron? I don't think so."

                "You mean...wala siyang dating sayo? Oh come on, girl! Sa guwapo niyang iyon basted agad siya?"

                "Correction, hindi siya nanliligaw sa akin."

                "Kung hindi siya nanliligaw bakit parati kayong magkasama?" Nang-iintrigang tanong ng kaibigan. Hindi naman lingid sa kanya ang madalas na pagsundo sa akin ng binata after office hour.

                "He's just friendly and he always makes me laugh."

                "And?"

                "I don't think he's interested in me." Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Mabait lang talaga siya."

                Isang araw ay nagulat na lang ako sa pagsulpot ni Tyron habang nag-aabang ako ng masasakyan pauwi. He offered me a ride and asked me to dine with him. Hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kanya kahit na hindi ko pa siya gaanong kakilala. Mukha naman siyang harmless. At that time I badly need someone to talk to. And I think I found the right person in him when he told me that we are only having a friendly date. Don't expect to much. Hindi raw niya ako type. Ngunit imbes na mainis sa kanya ay natagpuan ko na lang ang sarili na tumatawa sa mga jokes niya.

                And since then, naging madalas ang paglabas namin dalawa. I had to admit that I really enjoy his company. He never failed to make me laugh. Para siyang stand up comedian na hindi nauubusan ng mga linya. He really helped me to get over the pain and loneliness.  I owe him for being okay now. Wala na ang bitterness sa dibdib ko. At tanggap ko na rin ang nangyari sa amin ni Louie. 

                Kahit papaano ay naiintindihan ko si Louie. He wouldn't tell me he loves me if he really not. Ngayon ko na-realize na hindi naging madali para sa kanya na i-let go ako.  Maybe he was having a hard time on choosing betwen me and Kirsten. Iyon nga lang, hindi ako ang pinili niya.

                Subalit sa kabila ng mga nangyari, I'm still holding on to his words. Nagbigay iyon ng munting pag-asa sa akin. Walang kasiguraduhan kung babalik pa si Louie at kung babalikan pa niya ako. But I'm still willing to wait for him. My hearts tells me to do so.

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now