Chapter One: Stalker

103K 2K 68
                                    

Chapter One: Stalker

"I'm on my way," I said on the other line. "I'll be there in fifteen minutes. May bibilhin lang ako sa supermarket."

"Bilisan mo, Rhyme. Baka maiwanan tayo ng sevice bus."

"I know. Nagmamadali na nga ako."

Ito na ang pangatlong tawag sa akin ni Apple. From time to time, tsinetsek niya kung nasaan na ako. At lagi na lang niyang sinasabi na baka maiwanan kami ng bus. Alam ko naman na malabong mangyari iyon. Hindi naman makakaalis ang sasakyan hangga't hindi kami nakukumpleto.

Isa kami ng kaibigan sa mga nag-volunteer sa isang outreach program para sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas. Magkasabay kaming nag-file ng one week vacation leave sa trabaho para sana magbakasyon engrande sa malayong lugar. But at the last minute, biglang nagbago ang mga plano namin ni Apple.

"Sinabihan na kasi kita kahapon na dito na lang sa bahay matulog. Pero ang dami mong dahilan. Eh, di sana sabay na tayong umalis," paglilintanya ng kaibigan.

"I need to hang up, dear. Mas lalo akong matatagalan kung patuloy mo akong sesermunan," hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na pinindot ang end call.

Now, I need to look for the personal care section. Kailangan ko ng sanitary napkin. Iyon ang dahilan kung bakit ako naroon. Sa pangalawang pag-ikot ay natagpuan ko ang hinahanap. Mabilis na hinagilap ng mga mata ang paborito kong brand. Hanggang sa makita ko iyon sa pinakaitaas ng estante. Nakapameywang na tumingala ako.

Tama ba na doon ilagay? Paano naman maaabot iyon ng mga katulad ko na kinulang sa height?

Napakislot ako nang bigla na lamang may mahabang braso ang sumulpot sa itaas ng aking ulo. Akala ko tuloy ay may kapre sa aking likuran. Walang kahirap-hirap na kinuha niya ang napkin na pilit kong inaabot.

"Here," sabi ng lalaki at ibinigay sa akin ang isang supot ng napkin.

Hindi ko inaasahan iyon. Uso pa pala ngayon ang mga gentleman.

"Thanks," nakangiting sabi ko nang mag-angat ng mukha. Ngunit nadismaya ako sa nakita. Siya na naman? Ngayon ako naniniwala na sinusundan talaga ako ng lalaking ito!

Mabilis akong lumingon sa paligid ko. My instinct told me to ask for help. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako safe sa kanya. But the next thing I knew, he was out of my sight. Bigla na lamang siyang naglaho na parang bula.

Oh god! Ganon na lang ang takot sa dibdib ko. Nagmamadali akong nagtungo sa cashier at nagbayad. Paglabas ko ay agad akong nag-abang ng masasakyan. Nagpasama pa ako sa isang guwardiya para makasiguro na hindi na makakalapit sa akin ang lalaking iyon. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan akong makasakay ng taxi.

Nanginginig pa ang mga kamay ko na kinuha ang cellphone sa loob ng bag. Kailangan kong matawagan si Apple. Pero sa aking pagtataka nang bigla na lang huminto ang sasakyan.

"May problema po ba, Manong?" Tanong ko sa driver.

"Na-flat-an po tayo ng gulong," nagkakamot ng ulo na sagot nito. "Pasensya na po, Mam. Lumipat na lang po kayo ng ibang sasakyan."

Wala naman akong magawa kundi bumaba. Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa rin ako nakakasakay. Madalang ang dumaraang taxi. Kung mayroon man ay may mga pasaherong sakay. Muli akong sumulyap sa suot na wrist watch. Male-late na ako sa usapan namin ni Apple.

Naisip kong tumawid sa kabilang kalsada. Baka sakali na mayroon akong masakyan na taxi roon. Ngunit isang kulay itim na kotse ang huminto sa harapan ko. Napatras akong bigla. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagarang sasakyan. Hindi ako pamilyar sa brand. Pero sigurado ako na milyones ang halaga nito.

Dala ng kuryusidad ay nakatanga lang ako habang hinihintay na bumaba ang sakay ng magarang kotse. Subalit isang paparating na taxi ang nahagip ng mga mata ko. Kinawayan ko agad iyon at hinabol ng tingin. Pero hindi ako napansin ng mamang driver at nilagpasan lamang ako. Sayang! Nakaharang kasi sa harapan ko ang magarang sasakyan na ito.

Humakbang ako palayo mula sa kinaroroonan ko kanina. Malayu-layo na rin ang nalalakad nang maramdaman ko na tila mayroong sumusunod sa akin. Binilisan ko ang paglalakad. Sa takot ay hindi ko magawang lumingon. Nagmamadali na hinagilap ko ang cellphone sa loob ng bag. Ngunit bago ko pa mai-dial ang numero ni Apple nang biglang may nagtakip ng panyo sa mukha ko. At ang huli kong naalala ay ang pagdilim ng aking paningin.

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now