Chapter Seven: His Coldness

74.1K 1.6K 66
                                    

Chapter Seven: His Coldness

                Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang bigla na lang ako nagising. Wala sa loob na nasapo ko ang dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko na halos hindi ako makahinga ng maayos.

                I saw Kirsten in my dreams. She is running away. Takot na takot siya at mayroong humahabol sa kanya. Noong una ay hindi malinaw sa akin kung sino. Pero sigurado ako na babae iyon. Hanggang sa bigla na lang naglaho si Kirsten. And I found myself standing in the middle of nowhere. Dahil ang babae na humahabol sa kanya at ako ay iisa lang pala. Doon ako nagising.

                Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na iyon. Pero pakiramdam ko ay iisang tao lang kami ni Kirsten. Nararamdaman ko rin ang takot niya habang hinahabol siya. Ngunit ang hindi ko maintindihan kung bakit ako mismo ang taong humahabol sa kanya. Ano ba talaga ang koneksyon ko kay Kirsten?

                Hindi ko na ulit nagawang makatulog. Naisipan kong bumaba sa kusina para magtimpla ng gatas. Baka sakali na umepekto sa akin iyon. Paakyat na ako nang mahagip ng paningin ko ang nakabukas na pinto. Humakbang ako patungo roon at nakita ko si Louie sa labas.

                Nagdadalawang isip pa ako noong una na lapitan siya. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na humahakbang patungo sa direksyon niya. Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon. At hindi naman ako nabigo.

                "Bakit gising ka pa?" Tanong ni Louie na hinagod ako ng tingin. Nakasando lang ako at padjama bottom. Hindi naman ako aware sa suot ko.

                "Pumasok ka na sa loob. Lalamigin ka lang dito," aniya pagkatapos magbawi ng tingin. Mukhang wala siya sa mood.

                Ngunit imbes na sundin siya ay naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Doon ko lamang napansin ang mga bote ng beer sa ibabaw ng lamesita.

                "Bumalik ka na sa kuwarto mo bago ka pa-"

                "I had a bad dream." Halos pabulong na sabi ko habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang lumingon sa akin. "And I can't go back to sleep."

                Ilang sandali akong tinitigan ni Louie. Tila tinatantya kung nagsasabi ako ng totoo.

                "Are you scared?"

                Umiling ako. "But I'm bothered."

                Sa sinabi ko ay lalong nagkasalubong ang mga kilay niya.

                Kinuha ko ang isang bote sa harapan. "Pwede akin na lang itong isa?"

                Mabilis na inagaw iyon sa akin ng binata. "No!"

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now