Chapter Six: Chance

79.8K 1.7K 115
                                    

Chapter Six: Chance

Kinabukasan, nagising ako na masakit ang ulo. Saka ko lang na-realize na nasa ibang kama ako. Napabalikwas ako nang maalala ko si Louie. Wala na siya sa tabi ko. Nakatulugan ko ang pagbabantay sa kanya kagabi. At kung paano ako napunta sa kama niya ay hindi ko kayang ipaliwanag.

Lumabas ako ng silid upang hanapin siya. Pababa na ako sa hagdan nang makarinig ako ng tugtog ng isang piano. Dala ng kuryusidad ay sinundan ko ang pinanggagalingan ng tunog na iyon. At dinala ako ng mga paa ko sa isang silid sa dulong bahagi ng villa. 

Napahinto ako sa bungad ng pinto nang makita ko si Louie na tumutugtog ng piano. It amazed me. For nearly, two minutes I stood there motionless while watching him. Suddenly he stopped. At lumingon siya sa kinaroroonan ko.

"Kanina ka pa dyan? Come here," he said with a smile on his lips. 

Humakbang ako patungo sa kanya at lumapit sa gilid ng piano.

"Here," bahagya siyang umusog at tinapik ang bakanteng espasyo sa kanyang kinauupuan.

Nang hindi ako kumilos ay basta na lang niya akong hinila paupo sa tabi niya.

"Do you want to try?" 

Umiling ako.

"Are you sure?"

Umiling ulit ako. Mas gugustuhin kong panoorin na lang siya.

Ngumiti ulit sa akin si Louie bago nagsimulang tumugtog. Ilang sandali ay tumitipa na siya ng piyesa. Pamilyar sa akin ang kanta iyon. Pero ang hindi ko inaasahan nang sabayan niya ng pagkanta.

"I can't believe what I just heard. Could it be true? Are you the girl I thought I knew?" 

Natutulala na napatingin ako sa kanya. Hindi lang pala siya marunong tumugtog ng piano, may boses din pala siyang ibubuga. 

"The one who promised me her love. Where did it go?nDoes anybody ever know?"

Nang lumingon sa akin si Louie ay kinindatan pa niya ako. Ewan ko, pero bigla na tumalon ang puso ko sa tuwa. Kinikilig ako.

"How do you heal a broken heart, that feels like it will never beat this much again. Oh no...I just can't let go..."

Ngunit mabilis na napalis ang kilig na nararamdaman ko nang maisip ko na iyon para sa akin. Obviously this song is not for me. It's for Kirsten. 

"How do you heal a broken heart, that feels like it will never love this much again. Oh no...Tonight I'll hold what could be right. Tomorrow I'll pretend to let you go..."

Ako man ang nasa tabi ni Louie ngayon pero ibang babae naman ang laman ng kanyang puso at isipan. Subconciously, nahiling ko na ako lang. Pero alam ko na naman na imposibleng mangyari iyon. Magkamukha man kami ni Kirsten, magkaibang tao pa rin kaming dalawa. At kahit kailan hindi ko siya mapapalitan.

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now