Isang Panagko (Chapter 5)

45 0 0
                                    

CHAPTER FIVE  

(Ang Pagpapalaya)

August 14, 1995, pinuntahan ko si Eric sa kagustuhan kong makita s’ya pagkatapos ng maraming taon. Dahil ‘di ako makaalis sa anino ng nakaraan, kinausap ko s’ya at naramdaman kong tumutulo na ang aking mga luha. Umaasa pa rin akong, balang araw tutuparin namin ang isang pangako. Noong araw na ‘yon, ang ala-ala na naging malabo ay biglang luminaw sa aking isipan. Sa harap mismo ni Eric, ito’y aking naalala. Marahil tinulungan ako ni Eric para maalala ko ‘yon.

August 14, 1989, isang malaking kalungkutan ang bumalot sa amin. Matinding pagdadalamhati ang naramdaman ng aming mga puso. Pumanaw si Eric noong araw na ‘yon dahil sa sakit sa puso. Hindi ko matanggap ang nangyari. Para sa akin ay buhay pa rin s’ya kung kaya hindi ako umuwi ng Pilipinas. Nagsumikap ako sa aking pag-aaral para sa mga pangarap nina daddy para sa akin at para na rin sa amin ni Eric. At pagkatapos ng walong taon, ako’y muling nagbalik para sa pangarap namin ng mahal ko.

Ngayon alam ko na, kung bakit ganito ang naramdaman ko habang inaalala ang mga araw na nakasama ko s’ya. Kaharap ko s’ya ngayon at mahimbing na natutulog. masaya’t nakangiti pa rin gaya ng dati. Subalit, 'di ko na s'ya makakasama tulad nang aming ipinangako sa isa't-isa. Nilisan n’ya ang mundo na minsan ay kapwa namin hinangad. Mapayapa na s’ya ngayon at alam kong, sinadya n’ya talagang gisingin ako sa aking pagtulog ng walong taon. Isa na lamang panaginip ang nangyari sa nakaraan at ang reyalidad ay ang kasalukuyan.

September 2, 1995, ako’y pinuntahan ng pamilya ni Eric. Si Dr. Crisostomo Santiago at si Nancy Santiago. At kinausap nila ako..

“Masaya kami at natanggap mo rin ang nangyari kay Earl.”,

nakangiting sambit ni Dr. Santiago.

“Bago mamatay si Earl, ipinagbilin n’ya sa amin na ibigay naming sa’yo ang kahon na dinala mo pauwi noong nanggaling ka sa bahay.”,

pagpapatuloy nito.

“Matagal na naming alam na ‘di na s’ya magtatagal. At alam n’ya rin ‘yon kaya wala sa isip n’ya ang pansinin ang mga malulungkot na bagay.”

“Masaya kami noong makilala ka n’ya dahil nagkaroon s’ya ng dahilan para ipagpatuloy ang kanyang buhay.”,

dugtong ng mama ni Eric.

At nagpatuloy ang aming pag-uusap. Bago sila magpaalam, iniabot nila sa akin ang isang papel na my nilalamang sulat mula kay Eric. Nasasaad sa sulat n’ya na kaya n’ya ibinalik ang mga ala-ala naming dalawa hindi para ako’y masaktan kundi, para makapag simula ako ng panibagong buhay. At kasama ang isang tula na ang isang bahagi ay nakasulat sa likod ng kanyang picture na binigay n’ya sa akin walong taon na ang nakakaraan. At ito ang huling bahagi ng kanyang tula. Isang mensahe ng pamamaalam ng isang tao na minsan ay nagmahal sa maikling panahon na ibinigay sa kanya ng Maykapal.

Kailan ma’y ‘di mamamatay ang isang pangako

Panahon man ay magbago.

Subalit kung ito’y lilimutin, ito’y ‘di na muling lalago.

Mawawalan ito ng buhay kahit na nakatayo.

At unti-unti itong maglalaho

Hanggang sa tuluyang mamaalam sa isang pangako.

     Labing anim na taon na rin pala ang nakararaan. August 14, 2005, saktong araw mula noong pumanaw si Eric. Sa ngayon, isa na akong may bahay ng isang businessman at malapit na rin maging isang ina. Natupad din ang pangarap ko makapunta sa iba’t-ibang bansa dahil lagi akong isinasama ng aking asawa sa tuwing may business trip s'ya. 

-----------------------THE END--------------------------

Maraming salamat po sa mga tumangkilik sa kuwento ng pag-ibig nina Eric at Kathleen. Sana po nagustuhan n'yo.

I wrote this last 2006. My cousin asked me to make a short story for her project in Filipino so, I did. By the help of the poem that I originally wrote, and the Japanese drama series CRYING OUT LOVE IN THE CENTER OF THE WORLD, I was able to finish the story. Hope you guys will enjoy the story. Thank you. 'Yong mga names ng character, 'yong pinsan kong si Niño ang nagbigay. Salamat din pala sa kanya. :)

Isang PangakoWhere stories live. Discover now