Isang Pangako (Chapter 1)

179 0 0
                                    

CHAPTER ONE 

(Isang Alaala)

Ang puso ko’y tumatangis

Sa ala-ala’y may hinagpis 

 Sa isipa’y ‘di maalis

 At sa nakaraa’y ‘di makaalis.

Sa pagmulat ng aking mga mata, sinag ng araw ang pumasok sa bintana ng aking silid. Isang panibagong araw, isang magandang umaga ang bati sa’kin. Kay gandang pagmasdan ng mga bulaklak mula sa bintana tila ba sa akin ay nakangiti. Parang kailan lang, nakita ko ang isang napakagandang ngiti na bumihag sa aking mga mata. Sa Saint Valentine Academy , June 1985, kung saan ako’y nag-aaral ng aking sekondarya walong taon na rin ang nakakaraan.

Bagong lipat pa lamang ako sa paaralang ‘yon kung kaya, naninibago pa’ko sa mga nakikita ko at isang ‘di malilimutang tagpo ang naganap.

“Hello! Ako nga pala si Earl.”,

isang masayahing nilalang ang bumungad sa’king harapan habang pinagmamasdan ko ang buong silid na ‘yon mula sa labas ng pinto na aking kinatatayuan.

“Kaklase ka ba namin? Siguro bago ka rito, noh?”,

pang-uusisang tanong n’ya habang nakatitig ang aking paningin sa napakaganda n’yang mga ngiti. Para akong pinitpit na luya nang mga sandaling iyon,isang hilong talilong.

“Good morning mam!”,

ang bati ng buong grupo mula sa silid na aking papasukan. Nasa likuran ko na pala ang aming guro na si Ms. Charlotte Agarac. Sabay kaming pumasok ng aming guro sa aming silid-aralan. Ako’y kaniyang ipinakilala sa buong klase at pinaupo sa tabi ng dalawang binatang nagkukulitan. Sina Jake Adamson at Rhonnie Edward Dimayuga.

Sa unang araw ko sa klaseng ‘yon, talagang nanibago ako. Kakaiba kasi ang mga tao doon. Ibang-iba sa dating pinapasukan kong paaralan. Pero kahit papaano napatawa nila ako. Nakakatuwa talaga sila lalo na ang dalawang naging katabi ko, si Jake at Red.

“Hoy! Kanina ka pa tinatawag sa baba. Kakain na raw, ano ba ang tinitingnan mo rito sa bintana?”, nagulat ako sa tinig na aking narinig. Para akong nagising sa aking pagkakaidlip. Napangiti na lamang ako’t nasabing,

“Ah wala! Ang ganda kasi ng tanawin sa labas.”

“Tanawin sa labas? Wala naman nagbago ah.”.

Para sa kapatid kong si Sophia, walang nagbago. Para sa akin, malaki talaga ang pinagbago ng mga bagay-bagay. Bumaba na’ko para mag-almusal kasama ang aking pamilya. Si Engineer Kenji Oroda na isang civil engineer ay ang daddy ko. Ang mommy ko naman na si Susan ay isang housewife. At syempre, ang nakababata kong kapatid na si Sophia na isa na ngayong nurse. Silang tatlo ang kasabay kong mag-almusal. Sa isip ko, parang wala nga talagang nagbago.

Ako’y muling nagbalik tanaw sa mga nangyari noong bagong lipat pa lamang kami sa lugar na ‘to.

“Kumusta naman ang unang araw n’yo sa klase?”, tanong sa’min ni daddy habang umiinom ng mainit na kape. Nakuwento ni Sophia na malaki ang canteen ng paaralan. Mababait daw ang kanyang mga kaklase at meron agad s’yang nakapalagayan ng loob.

“Ikaw Kathleen? May mga naging kaibigan ka na ba?”,

tanong sa akin ni mommy.

“Nahihiya po kasi ako sa kanila.”

“Alam mo anak, kailangan mong magsalita para makipag-usap”,

‘yan ang laging paalala sa’kin ng aking ama. Dahil sa isa akong tahimik na tao. Madalas walang kibo at ‘di magsasalita kung ‘di kakausapin.

----------------------To be continued.....

Isang PangakoWhere stories live. Discover now