Sa maraming lugar ako'y napadpad
Buong kalangita'y akin nang nalipad
Sa agos ng ilog ako'y nakisabay
Direksyon ng hangin akin ding binaybay

Sa mga unos na aking naranasan
Sa mga ulan na aking napagdaanan
Ako'y meron pa ring nasisilungan
Bahaghari'y akin pa rin nasisilayan

Ang bawat sibat na tumatama
Sa puso'y nag-iiwan ng malalim na marka
At sa bawat pighati't pagdurusa
Kapalit ay walang humpay na ligaya

Aking inuukit sa puno
Mga katagang nasa puso
Nawa'y pakinggan ng hangin
Nilalaman nitong damdamin

Sa dagat ako'y isang maninisid
Isang ibon sa himpapawid
Bulaklak sa malawak na lupain
Dahong tangay-tangay ng hangin
  • JoinedMay 3, 2012


Following

Last Message
WaiEiCee WaiEiCee Jun 15, 2012 12:27PM
Salamat... :)
View all Conversations

Stories by Lorenz Adoro
Isang Pangako by WaiEiCee
Isang Pangako
Kailan ma'y 'di mamamatay ang isang pangako Panahon man ay magbago. Subalit kung ito'y lilimutin, ito'y 'di n...
2 Reading Lists