Isang Pangako (Chapter 2)

60 0 0
                                    

CHAPTER TWO 

(Ang Pagbalik Tanaw)

Pagkatapos naming mag-almusal, naisipan kong dumalaw muli sa dati kong paaralan. Ang Saint Valentine Academy , kung saan talaga nag-umpisa ang lahat. Ang daming nagbago sa labas ng Academy. Pumasok ako’t sinilip ang dating silid aralan namin. ‘Yon lang ang talagang ‘di nagbago kaya muli ko na naman naalala ang mga pangyayari.

“Hi! Kumusta? Anong tinitingnan mo?”.

Madalas akong nakatingin sa bintana bago mag-umpisa ang klase kaya nilapitan ako ng isa sa mga kaklase ko at ako’y inusisa.

 “Ha? Wala lang.”

“Napakatahimik mo naman. Buti nagkakaroon ka ng mga kaibigan sa dati mong paaralan.”.

Sa mga oras na ‘yon, ‘di na naman ako makaimik. Nakangiti na naman s’ya sa’kin. Si Earl, Earl Christopher Santiago.

“Ganyan ka ba talaga? Tipid sumagot? Hindi magsasalita kung ‘di uunahan.”,

sabay tawa s’ya at natawa na rin ako sa kanya.

“Ayan! Napatawa rin kita. Ang ganda mo pala.”.

Nagtataka ako bakit lagi s’yang masaya. Para bang, wala s’yang mabigat na dinadala. Lagi n’ya akong nilalapitan at kinakausap sa tuwing nag-iisa ako. Unti-unti na rin kaming napapalapit sa isa’t-isa.

Sa rooftop ng school, madalas tumambay si Earl. Bagay na tanging ako lamang ang nakatuklas nang maisipan kong libutin ang buong building ng Academy. Nakaupo s’ya sa isang bench, habang pinagmamasdan ang buong paligid. Naglakas loob akong lapitan s’ya at kausapin.

“Bakit nag-iisa ka aito? Hindi mo kasama ang magugulo mong barkada mo.”

“Bakit ka nandito? Sinusundan mo’ko? Sabi ko na! May lihim kang pagtingin eh.”,

habang s’ya’y tumatawa.

“Hindi ah! Ang kapal mo naman. Nililibot ko lang ang buong school.”

Mula noong araw na ‘yon, lalo kaming napalapit sa isa’t-isa. Lalo na ata akong nahuhulog sa kanya. Nagtitikim-idlip ako sa gabi kakaisip sa kanya. Pero, baka nadadala lang ako sa kanyang ipinapakitang kabutihan para sa’kin. Hindi ko na talaga alam kung ano ba talaga itong aking nararamdaman. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at ako’y napadpad sa simbahan. Saglit akong nagdasal sa loob. Pagkatapos kong magdasal, tumungo ako sa tirikan ng mga kandila at doo’y nagtirik ako.

“Pwede bang, Eric na lang ang itawag ko sa’yo?”

“Ha? Ikaw ang bahala.”,

‘yon ang tangi n'yang nasambit. Sabay kaming umuwi ni Eric pero bago kami naghiwalay sa daan, ‘di ko na talaga s’ya maintindihan. Parang may bumabagabag sa isipan n’ya. Napakadaldal ko talaga noong mga sandaling iyon. Pero s’ya, hindi umiimik.

Noong nasa kanto na kami para tahakin ang daan papunta sa mga bahay namin, bigla kaming huminto at tinanong ko s’ya kung ano ang problema n’ya at parang wala ang sarili n’ya sa mga sinasabi ko. Sa una, ‘di muna s’ya umimik at nakangiti lamang s’ya. Noong inihakbang ko na ang aking mga paa para umuwi, bigla s’yang nagsalita at sinabing…

“Kathleen mahal kita.”,

dalawang beses kong narinig ang mga katagang ‘yon mula sa kanyang mga labi. Paglingon ko, tumatakbo s’ya nang napakabilis na para bang hinahabol ng mga pulis. Tumakbo s’ya papalayo sa akin. ‘Di ko man lang nasabi ang dapat na sasabihin ko sa sinabi n’yang ‘yon. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano magiging reaksyon ko sa ginawa n’ya. Naghahalo ang tuwa at inis ko. Tama bang tumakbo pagkatapos magtapat? Nakakatawa talaga s’ya. Sa sinabi n’ya, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, pag-ibig na nga kaya ito? Hindi ko talaga alam.

Kinabukasan, hindi kami nagkibuan o nag-usap. Hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko pagkatapos ng nangyari. Pero batid ko na sa sarili ko na mahal ko s’ya. Mahal ko si Eric at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Isang araw, kasama ko si Miles at sumabay kami kina Red, Jake at Eric. Si Miles Arceo, s’ya ang pinsan ni Eric at kabarkada rin nilang tatlo.

“Hoy! Teka lang, sasabay kami sa inyo.”,

ani Miles.

“Bawal ang bakla rito sa grupo.”,

pang-aasar ni Red.

“Bawal pala, bakit ka nila kasama?”

Nakakatawa naman silang magkakaibigan. Ang saya nila palagi. Lagi silang nag-aasarang apat. Lagi silang masaya at para talagang walang lugar sa kanila ang problema. Pero, ‘di pa rin kami nag-uusap ni Eric. Para bang, ‘di namin nakikita ang isa’t-isa.

“Alam n’yo, kayong dalawang mga pangit, sa ingay n’yo, ‘di na natin napapansin ang katahimikan ng paligid. At kahit ‘di man nila sa’tin aminin, talagang may nangyari na hindi natin nalalaman.”.

Sa sinabing ‘yon ni Jake, alam ko kaming dalawa ni Eric ang tinutukoy n’ya dahil sa ‘di kami nag-uusap.

“O sige mga pangit, dito na bahay ko. Ingat kayo sa pag-uwi.”.

----------------------To be continued.....

Isang PangakoWhere stories live. Discover now