CHAPTER 28 (EDITED)

237K 4.3K 814
                                    

Update Date: 08/18/2018

*THIRD PERSON'S POV*

Parehong tulala ang mag-"bal" at lahat ng classmate nila nagtataka na sa nangyayari sa dalawa. Hindi parin makaget-over si Vince sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya yun. HINALIKAN NIYA SI CIARA.

Oo, hindi na bago kay Vince ang mga paghalik na yan, pero iba si Ciara. IBANG IBA. Hindi siya pwedeng isama sa kategorya ng mga naging babae ni Vince dahil nung gabing yun, namula siya. Pareho silang natameme. Ang Mr. Playboy ng lahat, NATORPE ng dahil kay Ciara!

"Ingat ka." Yan yung huling narinig ni Vince kay Ciara bago siya bumaba na ng tuluyan ng sasakyan.

Ang malaking tanong ni Vince sa sarili niya, SILA NA BA? Dapat ba hinabol niya si Ciara nun? Pero hindi rin siya makapagisip ng maayos nun. For the meantime, he'll take her answer as a yes, tutal naman um-oo talaga siya diba?

Si Japs naman sobrang nagpapasalamat na nakarating na sila sa bahay ni Rayne nung gabing yun bago pa siya tuluyang mag-confess kay Rayne. Pero, lahat naman ng sinasabi niya kay Rayne, totoo. Nagmumukha mang biro, pero totoo lahat yun. Di bale, hahanap nalang siya ng tsempo. Basta ngayon, he's looking forward sa "friendly date" nila.

Hindi na mapakali si Vince. Kung kanina, tulala lang siya, ngayon kinakaban na.

Hanggang ngayon iniisip parin ni Vince yung nangyari nung isang gabi. Bakit naman kasi naka-ipod si Ciara nun? Edi sana ngayon, hindi parang baliw sa kakaisip dito. Pero kasi the past few days, kapag nagkikita sila, ngumingiti lang si Ciara. Nakalimutan niya na kaya yung nangyari?

"VINCE DE VERAAA!!"

"Anak ka naman ng pating!! Ay mali, pating pala tagala."

"Pwede ba? Tigil-tigilan mo ang pagtawag ng pating!"

"Bakit ka ba kasi sumisigaw dyan, Japs?"

"Eh kasi naman, sakit na ng lalamunan ko kakasigaw ng maganda mong pangalan. Hindi mo man lang pinapansin ang maganda kong boses."

"Manahimik ka nga. Teka, asan na ba yung iba?"

"Habang nagddaydreaming ka dyan, umalis na sila papunta sa court."

"Ginagawa pa natin dito? Pumunta na tayo dun."

At umalis na nga yung dalawa. Yan ang gusto ni Vince kay Japs, hindi siya yung matanong na tao. Siguro kung iba yun, nako, tatadtarin siya ng mga tanong. Eh kung siya nga hindi niya masagot mga tanong niya sa sarili, ibang tao pa kaya masasagot niya? Ang mahirap lang, madaldal talaga si Japs. Di na maaalis yun.

"Vince, ang dami nang naghahanap sa'yo sa club mo. Para ka ngang wanted dun eh, minsan nga naiirita na ko kasi nandun ako para magsaya hindi para maging lost & found clerk. Mukha ba akong tagahanap ng nawawalan nilang boyfriend? Ano ba naman kasing nangyayari sayo? Iniisip tuloy ng mga babae mo, tinataguan mo sila. Kahit sa tingin ko yun nga ang dahilan. Don't tell me, may nabuntis ka na? HAHAHAHAHA. Joke lang, kilala kita Bal, ikaw pa hindi mo magagawa yun."

Ayan na nga, parang may baril sa bibig sa tadtad ng salita para namang may nakikinig sakanya. Naiintindihan naman ni Vince yung mga sinasabi ni Japs, pati na rin yung tanong niyang kung nabuntis siya. Pasalamat si Japs at wala sa mood si Vince kundi may nangyari nang WW10 ngayon,

"Japs, tumahimik ka muna."

"Nagsasalita ka pala, Bal."

Hindi na pinansin ni Vince si Japs. Instead, pumunta siya sa isang corner kasi may narinig siyang nagsasalita. Napansin din ni Japs kaya sumunod din siya ng walang tanong o iba pang salita. Hindi naman sa tsismoso sila pero may masamang kutob si Vince at hindi niya pinapalagpas yun. Mukhang may kausap yung mga tao sa phone.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon